24/10/2025
๐๐ ๐๐๐๐๐๐ || ๐.๐.๐.๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐ ๐๐๐๐ - ๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐
"Tag-ulan na naman! Panahon na naman ng W.I.L.D o Waterborne Diseases, Influenza-like Illnesses, Leptospirosis, at Dengue!"
Nakapagtala ang Department of Health - Epidemiology Bureau ng bilang na kaso ng W.I.L.D. Tinatayang nasa 21,010 na kaso ng Waterborne Disease katulad ng Cholera at Typhoid, 59,925 na kaso ng Influenza-like Illnesses, 1,909 na kaso ng Leptospirosis, at 116,243 na kaso ng Dengue ang naitala mula buwan ng Enero hanggang Mayo ngayong taon.
Ngayon araw, sa pangunguna ni Dr. Krizia Gail G. Balabbo, MPM, PHU Adviser kasama si Ms. Claire Rowena Frances Callang, HEPO III mula sa SIMC - Public Health Unit, isinagawa ang Bantay Edukasyon sa mga pasyente at bantay ng SIMC OPD kung saan tinalakay ang limang pangunahing paraan upang makaiwas sa mga sakit na W.I.L.D.