Healthy Rosales

Healthy Rosales Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Healthy Rosales, Health & Wellness Website, PINE Street ZONE 1 ROSALES, Pangasinan.

🌍 WORLD AIDS DAY 2025: CHOOSE COMPASSION, CHAMPION HOPE ❤️Today on World AIDS Day, we honor the real people behind every...
01/12/2025

🌍 WORLD AIDS DAY 2025: CHOOSE COMPASSION, CHAMPION HOPE ❤️

Today on World AIDS Day, we honor the real people behind every story—our friends, parents, coworkers, neighbors, and loved ones who continue to live with strength, resilience, and courage.

Every statistic reflects a person with dreams, challenges, and a life worth celebrating. By listening with empathy and speaking with compassion, we help build a world where no one is judged, feared, or isolated because of their HIV status. Understanding begins with an open heart—and empathy truly changes lives.

As we remember those we’ve lost and stand firmly with those living with HIV, we commit to nurturing a community where care is sincere and support is always within reach.

There is no space for stigma in our conversations, homes, schools, or workplaces. When we uplift one another, we pave the way for a future where everyone feels safe to get tested, access treatment, and live with confidence, dignity, and hope.

Today—and every day—we choose kindness, empathy, and compassion.

👨‍👩‍👧‍👦 Ang bawat tahanan ay may papel sa pagprotekta laban sa HIV.Let’s talk openly, responsibly, and compassionately a...
01/12/2025

👨‍👩‍👧‍👦 Ang bawat tahanan ay may papel sa pagprotekta laban sa HIV.

Let’s talk openly, responsibly, and compassionately about sexual health.

🔍 Alamin ang tama.
🛡️ Protektahan ang sarili at pamilya.
🤝 Itigil ang stigma.

Magpunta sa DOH HIV Care Facilities at mag-avail ng libreng HIV testing, counseling, at preventive services.





HIV/AIDS AWARENESS DAY — DECEMBER 1, 2025WEAR RED. SHOW SUPPORT. SPREAD AWARENESS.On Monday, December 1, 2025, the Munic...
28/11/2025

HIV/AIDS AWARENESS DAY — DECEMBER 1, 2025
WEAR RED. SHOW SUPPORT. SPREAD AWARENESS.

On Monday, December 1, 2025, the Municipality of Rosales enjoins all employees, partners, and citizens to WEAR RED in solidarity with people living with HIV and in remembrance of those we have lost.

Why Red?
The red ribbon symbolizes love, support, courage, and the ongoing fight against HIV/AIDS.

Know the Facts.
HIV is preventable, manageable, and treatable. Early testing and correct information save lives.

End the Stigma.
Let us promote compassion, understanding, and acceptance in our community.

Join us as we stand united for a healthier and more informed Rosales.
Together, we raise awareness. Together, we protect lives.

Madalas nakakaligtaan ang kalinisan ng mga palikuran — sa pribado o pampublikong lugar man. Paalala ng DOH sa mga nangan...
25/11/2025

Madalas nakakaligtaan ang kalinisan ng mga palikuran — sa pribado o pampublikong lugar man.

Paalala ng DOH sa mga nangangasiwa ng mga istruktura na pahalagahan ang kalinisan sa mga palikuran:

🚽 Gamitin ito nang tama at nang may disiplina
🧻 Panatilihing malinis ito
🧼 Ugaliing maghugas ng kamay matapos gumamit nito

Ang maayos na palikuran ay pangangalaga rin sa kalusugan.




‼️Huwag Manahimik! I-report ang Anumang Uri ng Karahasan. ‼️Isumbong ang anumang uri ng pang-aabuso sa pinakamalapit na ...
25/11/2025

‼️Huwag Manahimik! I-report ang Anumang Uri ng Karahasan. ‼️

Isumbong ang anumang uri ng pang-aabuso sa pinakamalapit na awtoridad.

☎️Tumawag sa Hotlines:
PNP 177
Aleng Pulis 0919-777-7377
VAWC 723-0401-6979

Pwede ring pumunta sa mga Women and Children Protection Desk sa inyong barangay.





‼️ DOH: Sundin ang Payo ng Health Professionals sa Tamang Pag-Inom ng Antimicrobials‼️Kapag nilaktawan, binawasan, o din...
23/11/2025

‼️ DOH: Sundin ang Payo ng Health Professionals sa Tamang Pag-Inom ng Antimicrobials‼️

Kapag nilaktawan, binawasan, o dinagdagan ang mga iniinom na gamot nang walang payo ng doktor, pwedeng mauwi ito sa antimicrobial resistance o AMR!

Pwedeng pumalo sa ₱250K ang pinakamataas na gastos para sa gamutan kapag nangyari ang AMR—halimbawa sa pulmunya na isa sa pinakakaraniwang sakit na dulot ng mikrobyo sa Pilipinas.




‼️MGA BISYO, MAS LALONG NAPAPALALA ANG STRESS AT NAY NEGATIBONG EPEKTO SA MENTAL HEALTH‼️Ang pag-inom ng alak, pagyosi o...
23/11/2025

‼️MGA BISYO, MAS LALONG NAPAPALALA ANG STRESS AT NAY NEGATIBONG EPEKTO SA MENTAL HEALTH‼️

Ang pag-inom ng alak, pagyosi o pagv**e, o paggamit ng droga ay masama sa mental health at hindi nakatutulong sa stress management.

Piliin ang healthy stress relievers—mag-sports, makinig sa musika, magpahinga, at bigyan ng oras ang sarili. Pwede ring lumapit sa pamilya o kaibigan na mapagkakatiwalaan.

Kung mas kailangan pa ng gabay, tumawag sa DOH Helpline 1550. Libre ito, at may makikinig sa’yo anumang oras.




23/11/2025

‼️DOH, KINONDENA ANG PATULOY NA MAPANLINLANG NA MARKETING NG V**E; TOTAL BAN IMINUMUNGKAHI‼️

Matinding pagkondena ang inihayag ng Department of Health sa pagpapatuloy ng mapanlinlang na marketing strategy ng v**e products. Sa pahayag ni DOH Sec. Ted Herbosa kahapon, inihayag ng kalihim na mas mabuting i-ban na ang v**e sa Pilipinas.

Madalas na sinasabing walang nikotina at puwedeng alternatibo sa sigarilyo ang v**e, pero ani ng DOH, puno ng kemikal at mapanganib ang usok at ang mismong aparato ng v**e. Makukulay na pakete at iba't ibang flavors din ang nambubudol sa mga kabataan para gumamit nito.

Batay sa 2019 Global Youth To***co Survey, isa sa 7 kabataang Pilipino, edad 13 hanggang 15, ang gumagamit ng v**e.

Matatandaang noong nakaraang taon lang ay naitala na ang unang kaso ng namatay sa Pilipinas dahil sa dalawang taong paggamit ng v**e.

Paalala ng DOH na nakamamatay ang paggamit ng v**e at sigarilyo at nagdudulot ito ng
❗️Cardiovascular disease
❗️Cancer
❗️Lung disease

Pinagtitibay rin ng Pilipinas ang pakikiisa nito sa WHO Framework Convention on To***co Control o WHO-FCTC at inihayag na uunahin ang kalusugan ng mga Pilipino kaysa interes ng to***co at v**e industry.

Sa WHO FCTC sa Geneva, Switzerland, inihayag ng Pilipinas sa pangunguna ng DOH na aktibo ang ahensya na isulong ang mas mahigpit na mga polisiya at batas para maprotektahan ang mga Pilipino sa panganib ng to***co at v**e.

Patuloy ang DOH Health Promotion Bureau sa pagbibigay ng tamang edukasyon sa mga komunidad, eskwelahan, at workplace habang pinaiigting din ang smoking cessation services ng ahensya, alinsunod sa National To***co Cessation Infrastructure Plan 2025–2030.

Nakiisa rin ang DOH Health Promotion Bureau sa isinagawang Policy Forum on Safeguarding Youth From To***co Harms sa House of Representatives bilang pagpapaigting ng mga polisiya, batas, at adbokasiya para sa pagpapalakas ng to***co control efforts sa Ika-20 Kongreso.

Balikan ang PinaSigla Episode 17 dito:

📌 https://web.facebook.com/share/p/1Gd5r7NKtx/

📌https://www.youtube.com/watch?v=B-dhy-0VrXI&list=PL7amYNiWriCysYdFXyyXQdFeXvmWtBaGz






18/11/2025

‼️DOH: KONEKTADO ANG ROAD SAFETY SA KALUSUGAN; PRAYORIDAD ANG ROAD SAFETY DAHIL SA TAAS NG BILANG NG NAMAMATAY SA KALSADA ‼️

Sa Pilipinas, 12,000 buhay ang nawawala taun-taon dahil sa road crashes. Lahat ng road deaths ay kayang maiwasan.

Kaya’t isinusulong ng DOH ang comprehensive, end-to-end post-crash response—mula prevention, care, recovery, hanggang rehabilitation.

✅Pinalalakas natin ang Emergency Medical Services
✅Pinatitibay ang mental health at psychosocial support para sa mga biktima at kanilang pamilya.
✅Pinabubuti ang data reporting sa pamamagitan ng Online National Electronic Injury Surveillance System, at
✅Pinatitibay ang public awareness para sa safer road behavior.




IHANDA ANG INYONG EMERGENCY GO BAG BILANG PAGHAHANDA SA SUPER TYPHOON UWANKasalukuyang binabantayan ng pamahalaan ang Su...
08/11/2025

IHANDA ANG INYONG EMERGENCY GO BAG BILANG PAGHAHANDA SA SUPER TYPHOON UWAN

Kasalukuyang binabantayan ng pamahalaan ang Super Typhoon Uwan na inaasahang magdadala ng malakas na pag-uulan sa ilang bahagi ng Hilagang Luzon at maging sa ibang parte ng Luzon.

❗️Paalala ng DOH, maagang ihanda ang inyong Emergency GO BAG bilang parte ng maagap na paghahanda sa banta ng pagbaha, landslides, at malakas na pagulan.

✅ Gamitin ang larawan bilang gabay sa pagkumpleto ng mga importanteng gamit na laman ng inyong Emergency GO Bag.

Sa panahon ng sakuna, maaaring tumawag sa: 🚨Emergency Hotline 911
📞 DOH Hotline 1555, press 3






IHANDA ANG INYONG EMERGENCY GO BAG BILANG PAGHAHANDA SA SUPER TYPHOON UWAN

Kasalukuyang binabantayan ng pamahalaan ang Super Typhoon Uwan na inaasahang magdadala ng malakas na pag-uulan sa ilang bahagi ng Hilagang Luzon at maging sa ibang parte ng Luzon.

❗️Paalala ng DOH, maagang ihanda ang inyong Emergency GO BAG bilang parte ng maagap na paghahanda sa banta ng pagbaha, landslides, at malakas na pagulan.

✅ Gamitin ang larawan bilang gabay sa pagkumpleto ng mga importanteng gamit na laman ng inyong Emergency GO Bag.

Sa panahon ng sakuna, maaaring tumawag sa: 🚨Emergency Hotline 911
📞 DOH Hotline 1555, press 3




Alam nyo ba?Ang RABIES ay nakamamatay.Alamin ang ibang detalye sa litrato.
29/10/2025

Alam nyo ba?

Ang RABIES ay nakamamatay.

Alamin ang ibang detalye sa litrato.

Address

PINE Street ZONE 1 ROSALES
Pangasinan
2441

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Healthy Rosales posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share

Share on Facebook Share on Twitter Share on LinkedIn
Share on Pinterest Share on Reddit Share via Email
Share on WhatsApp Share on Instagram Share on Telegram