Doc Happy

Doc Happy Medical Clinic

18/02/2021
11/02/2021

Healthy Gums for Healthy Aging

06/02/2021

Ikaw ba ay nanganak ng kulang sa buwan (preterm)? O nagkakaroon ng contractions at vaginal spotting ng second trimester? Kumonsulta sa iyong OB para makumpirma kung ikaw ay may INCOMPETENT CERVIX o CERVICAL INSUFFICIENCY.

Ang CERCLAGE ay isang operasyon kung saan tinatahi ang kwelyo ng matres (o cervix) para mapigilan ang pagbuka nito o isara ito kung nakabukas na. Ginagawa ito sa pagitan ng 14-24 weeks. Kaya importante na ma-screen ang mga pasyente sa tamang oras para mapigilan ang preterm delivery.

KUMONSULTA SA INYONG OB-GYN.

05/02/2021
19/01/2021

Ulcer at Acid Reflux : Puwede ba Gatas?Masakit ang Tiyan10 Tips para Mawala ang Acid RefluxBy Doc Willie OngPayo sa pag-ayos sa pagkain at mga pagkaing iiwas...

08/01/2021

Singaw: Ano Ang Solusyon?
Payo ni Doc Willie Ong

Singaw sa bibig na naman! Mga 30% ng tao ang magkakaroon ng singaw. Karamihan dito ay ang kababaihan mula edad 16 hanggang 25. Ngunit, kapag lumampas ng edad 55 ay bihira na ito.

Bakit Nagkakaroon ng Singaw?
Hindi pa tiyak ang sanhi nito. Kadalasan ay nag-uumpisa ang singaw sa isang sugat sa bibig. Puwedeng dahil sa matalas ang ngipin, may dental braces, matitigas na pagkain, nakagat ang labi, at iba pa. May nagsasabi na baka kulang sa vitamin B at zinc. Posible ding may kaugnayan sa stress, pagkapuyat at maraming trabaho.

Heto ang mga payo para sa singaw.

1. Umiwas sa maaasim at maaalat. Hindi gamot sa singaw ang calamansi, tawas at asin. Lalo pong lalala ang iyong singaw. Umiwas din sa maaanghang at spicy na pagkain.

2. Umiwas sa matitigas na pagkain tulad ng banana chips, potato chips, at iba pa.

3. Piliin muna ang malambot na pagkain tulad ng lugaw para hindi masugatan muli ang singaw. Okay din ang pakwan.

4. Ang pagkain ng Yogurt 2 beses sa maghapon ay nakapagtatapal sa sugat ng mga singaw. Kahit nasaan pa ang singaw mo, sa bibig, dila o lalamunan, matatapalan ng Yogurt at mababawasan ang sakit.

5. Bumili ng Solcoseryl Dental Ointment. Ang Solcoseryl Ointment ay pinapahid ng 3-5 beses sa lahat ng iyong singaw. Noong nasubukan ko ito, ang laki pong ginhawa.

6. Kumonsulta sa dentista. Kung matalas ang iyong ngipin at madalas masugat ang gilagid, ipatingin sa dentista para ayusin ito.

7. Subukang magpalit ng toothpaste. May ibang toothpaste na may halong sangkap na posibleng magdulot ng singaw.

8. Gumamit ng mouthwash. Ayon sa isang pag-aaral, baka makatulong din ang paggamit ng mouthwash. Napapatay nito ang mga bacteria at mikrobiyo sa bibig.

9. Magpahinga at matulog ng sapat.
10. Uminom ng multivitamins na may vitamin B at zinc. Wala namang masama sa pag-inom ng vitamins.

11. Kung may kasamang sore throat o tonsils, puwedeng uminom ng antibiotics, tulad ng Amoxicillin 500 mg 3 beses sa maghapon sa loob ng 5-7 araw.

12. Kung pabalik-balik ang singaw at napakarami nito, magpa-check up sa isang doktor. Posibleng sintomas lang ang singaw ng iba pang sakit.

Huwag pong mag-alala, gagaling din ang iyong singaw kapag sinunod niyo ang mga payong ito. Good luck.

26/12/2020
09/12/2020
06/12/2020
19/11/2020

Hilo o Vertigo: Anong Solusyon?
Payo ni Doc Willie Ong

Ang pinak**adalas na dahilan ay ang problema sa loob ng tainga (inner ear problem). Ang tawag dito ay vertigo. Nag-uumpisa itong problema sa sipon o trangkaso. Matagal itong gumaling at minsan ay umaabot sa 2-3 linggo ang pagkahilo. Heto ang ating mga payo:
1. Kapag matindi ang pagkahilo, umupo sa isang tabi at huwag gumalaw. Kung pakiramdam mo ay aatake ang iyong hilo, huwag maglikot dahil baka lalo ka lang mahilo.
2. Kung hindi naman grabe ang iyong pagkahilo, ituloy lang ang iyong normal na gawain. Maglakad at mag-ehersisyo. Gusto natin mapanatili ang lakas ng iyong katawan para hindi kayo matumba.
3. Humawak sa isang matatag na bagay sa tabi mo. Kapag nahihilo ka, minsan ay nalilito ang iyong utak sa iyong pagka-balanse. Ang paghawak sa isang silya o mesa ay makapagpapabawas sa iyong hilo.
4. Dahan-dahan lang sa pagtayo mula sa iyong k**a. Sa umaga, siguraduhing “gising” na ang iyong mga paa at k**ay. Baka wala pang lakas ang iyong tuhod at matumba ka. Umupo muna ng isang minuto bago tumayo.
5. Kung ang hilo mo ay dahil sa biglang pagtayo, galaw-galawin ang iyong hita at paa. Ito’y para manumbalik ang sirkulasyon ng dugo sa iyong katawan.
6. Magsuot ng flat na sapatos. Huwag magsuot ng may takong (high heels) dahil mahihirapan kang mag-balanse. Maganda ang rubber shoes para matatag ang iyong paglalakad.
7. Magdala ng flashlight habang naglalakad sa gabi. Kailangan mo ng sapat na ilaw para hindi madapa.
8. Huwag maglakad sa ibabaw ng carpet. Kapag makapal ang carpet, mahihirapan ang iyong katawan mag-balanse. Para bang lagi kang matutumba.
9. Maglagay ng mga hawakan sa banyo. Magsapin din ng gomang tapakan sa banyo para hindi ka madulas.
10. Bawasan ang alat at asin sa iyong pagkain. Kapag mahilig ka sa maaalat, puwedeng dumami ang iyong tubig sa katawan, pati na rin sa loob ng tainga. Minsan ay nagdudulot din ito ng pagkahilo.
11. Uminom ng salabat. Ang luya at mainit na tubig, na ginagawang salabat, ay napakabisa laban sa hilo. Subukan ito.
12. Puwede din uminom ng gamot tulad ng meclizine 25 mg tablets (dizitab o bonamine). Ayon sa pagsusuri, kasing bisa ito ng salabat.
13. Huwag uminom ng alak. Kung nahihilo ka na ay huwag nang magpakalasing pa. Doble disgrasya iyan.
14. Uminom ng 8-12 basong tubig. Kapag kulang ka sa tubig, puwedeng bumaba ang iyong blood pressure.
15. Matulog ng 7-8 oras sa gabi. Kapag kulang ka sa tulog, mas hilo ka rin sa umaga.
16. Magbawas ng stress. Ang taong ninenerbiyos ay madalas ding makaramdam ng pagkahilo.
17. Magrelax. Huminga ng malalim at dahan-dahan ng 7 beses.
18. Subukang pisil-pisilin ang balat sa pagitan ng mata. Isa itong acupressure point.
19. Suriin ang iyong gamot. May mga gamot na puwedeng maging sanhi ng pagkahilo, tulad ng aspirin, gamot sa altapresyon at diabetes. Kumonsulta sa iyong doktor para masuri ito. Good luck po!

Address

MMG Polangui
Polangui
4506

Opening Hours

Monday 9am - 5pm
Tuesday 9am - 5pm
Wednesday 9am - 5pm
Thursday 9am - 5pm
Friday 9am - 5pm

Telephone

+639237467117

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Doc Happy posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share

Share on Facebook Share on Twitter Share on LinkedIn
Share on Pinterest Share on Reddit Share via Email
Share on WhatsApp Share on Instagram Share on Telegram