10/10/2025
important reminder🥰
LINDOL LIGTAS TIPS (Bago, Habang, at Pagkatapos ng Lindol)
“Maging handa sa lindol! Sundin ang mga Ligtas-Lindol Tips upang maprotektahan ang sarili at pamilya saan ka man naroroon.”
Bago ang Lindol
>Maghanda ng Go Bag / Emergency Kit (tubig, pagkain, flashlight, first aid, charger, whistle).
>Alamin ang evacuation area sa inyong lugar.
>Siguruhing matibay at maayos ang mga kable, kabinet, at matataas na gamit sa bahay.
>Makilahok sa mga earthquake drill kung mayroon.
Habang Naglilindol
Kung nasa loob ng bahay:
>DUCK, COVER, and HOLD
>Yumuko, pumasok sa ilalim ng matibay na mesa o lamesa, at takpan ang ulo.
>Lumayo sa bintana, kabinet, salamin at matutumba.
Kung nasa paaralan o opisina:
>Dumapa sa ilalim ng armchair o mesa.
>Takpan ang ulo at leeg gamit ang braso.
Kung nasa sasakyan:
>Huminto sa ligtas na lugar, malayo sa poste, puno, o tulay.
>Manatili sa loob ng sasakyan at takpan ang ulo.
Kung nasa labas:
>Tumungo sa maluwag na lugar, malayo sa gusali, puno, poste at kable.
>Iwasan ang tabing dagat kung nasa coastal area.
Kung nasa elevator:
>Pindutin ang pinakamalapit na palapag at lumabas agad.
>Kung maipit, manatiling kalmado at humingi ng tulong.
Kung nasa hagdanan:
>Kumapit sa pader at umupo sa baitang, takpan ang ulo.
Pagkatapos ng Lindol
>Lumabas ng maayos at dahan-dahan kapag ligtas na.
>Magdala ng Go Bag at pumunta sa evacuation area.
>I-check ang pamilya at kapitbahay.
>Iwasan ang paggamit ng telepono maliban kung emergency.
>Mag-ingat sa aftershocks.