30/03/2026
Mga paalalang pangkalusugan sa panahon ng krisis at pagtitipid.
* Siguraduhin ang schedule ng inyong doktor bago magpunta sa clinic. Sa pamamagitan po ng aking page na BunyiMD ay ipinapaalam ko po ang mga araw na ako ay hindi makadadating sa clinic. Icheck ang schedule bago umalis.
* Sa mga pasyente na walang HMO o healthcard gaya ng mga intellicare, valucare atbp, pati na rin ang mga senior o hirap na sa paglakad, hinihikayat ko na magpakonsulta sa online gamit ang Viber. Sa ganitong paraan makakatipid sa pamasahe.
* Maaari ring tangkilikin ang mga botica na nagbibigay discount o nagdedeliver ng mga gamot sa mababang fee diretso na sa inyong tahanan na hindi pinapalitan kung ano ang nireseta sa inyo katulad po ng ZureRx pharmacy sa Fairview. Para sa Globe 09274249702 at Smart 09186019831. Sabihin lang rin po ang pangalan ng doctor ninyo.
* Panatilihin ang magandang kalusugan para maiwasan ang maadmit. Tandaan mas mabuti na ang macheck up sa OPD o clinic kesa mapunta sa ER o maconfine. Sigurado po, ER pa lang lagpas 5 libong piso na ang gastusin.