26/04/2021
⛔ Naranasan mo na ba isang araw na hindi maibaling ng normal sa kaliwa o sa kanan ang iyong leeg dahil sa sobrang sakit? Marahil ay nagtataka ka kung paano nangyari ito at dahil hindi ito madaling pakiramdaman at talaga namang sagabal sa paggalaw, siguradong hindi mo na uli’t ito gugustuhing maranasan. Ngunit kung minsan kapag ang tamang posisyon ng leeg ay nalimutan, ang pagkirot nito ay hindi pa rin naiiwasan. Narito ang ilang mga paalaala at lunas sa stiff neck.
Ang stiff neck ay bunga ng panghihina, paninigas, pag-ikli o pag-urong ng kalamnan sa paligid ng leeg dala ng mahabang oras na ito ay hinayaang nasa maling posisyon. Ang pagtulog gamit ang unan na sobrang taas o sobrang nipis, pagtulog na nakadapa na nakapilipit ang leeg, ang pagbababad sa computer monitor, pagtingin sa phone, pagbabasa na halos buong araw na nakatungo, pagpapanatili sa leeg sa maling posisyon bunga ng trabaho at stress ang kalimitang nagiging dahilan ng stiff neck.
Upang maiwasan ang stiff neck:
Gawin ang stretching anumang oras sa maghapon lalo na kung nasa kalagitnaan ng trabaho, mahabang oras na nakatutok sa computer, nakatungo ng matagal dahil sa paggamit ng smart phone, pagbabasa, pagmamaneho at iba pang gawain na nakangangawit ng leeg. Ang pagsasagawa nito ay:
✅ Paikutin ang mga balikat palikod, pataas at pababa ng 10 beses.
✅ Gawin ang chest out o paglapitin ang paypay (malapad na buto sa likod) ng 10 beses.
✅ Ilapit ang tenga sa balikat ng sampung beses sa magkabilang panig.
✅ Ilagay ang mga kamay sa likod ng ulo, pagkatapos ay aktong tumingala habang nilalabanan ng ulo ang kamay palikod, panatilihin ang pwersa ng paglaban ng ulo sa kamay sa loob ng 30 segundo.
✅ Bigyang pansin ang posisyon sa pagtulog. Iwasan ang matulog nang nakadapa. Sa ganitong kalagayan kasi, ang leeg ay nakapihit sa di maayos na pwesto sa loob ng mahabang oras na nagdudulot ng tension sa mga joints at muscles na pumapalibot sa leeg. Hindi lamang sa leeg kundi maging ang lower back ay maaaring sumakit din kapag padapa ang pagtulog, lalo na kung walang tamang suporta sa may bahagi ng likod. Pumili rin ng tamang laki ng unan na angkop sa iyo.
✅ Sanayin ang tamang posture. Iwasan ang naka head-forward na postura.
Isa pa sa mga maaari mong gawin ay pahiran ng VG Herbal Oil! 😀👍