25/12/2025
Character matters most✊️
Pansin mo ba? Maraming relasyon ang nagsisimula sa ganda o gwapo, pero hindi lahat nagtatagal. Bakit? Dahil ang tunay na nag-a-attract at nagpapatibay ay hindi panlabas—kundi ang PUSO AT KARAKTER.
Kahit gaano kaganda, kung ang ugali ay hindi hinulma ng Diyos,
darating ang araw na bibigay ang relasyon.
Kahit gaano ka-gwapo, kung walang character to lead,
masisira pa rin ang ipinagkatiwala sa’yo.
Kahit maganda, kung hindi submissive, mauuwi pa rin sa sakit.
Kahit gwapo, kung hindi visionary, mawawala ang direksyon.
Yes, outside appearance can attract,
But it is the character that sustains.
So, character matters most.
Dito rin nag-a-attract si Lord.
Hindi Siya nadadala sa panlabas na anyo—
SA PUSO SIYA NA-A-ATTRACT.
“The Lord does not look at the things people look at. People look at the outward appearance, but the Lord looks at the heart.”— 1 Samuel 16:7
Kaya bago ka maghanap ng taong mamahalin ka,
hayaan mong baguhin muna ng Diyos ang puso mo.
Mag pa-ayos ng buhay,
At mag pabago ng karakter sa Diyos.
Dahil ang taong may karakter, hindi kailangang ipaglaban ang sarili—ang bunga ng buhay niya ang magsasalita para sa kanya.
Ang ganda ay humihina, ang lakas ay napapagod,
pero ang pusong hinubog ng Diyos ay patuloy na lumalago.
Hindi perpekto, pero marunong magpakumbaba.
Hindi flawless, pero marunong magsisi at magbago.
Sa huli, hindi ka pipiliin dahil sa itsura mo,
kundi dahil sa puso na marunong magmahal, magpatawad, at manatiling tapat.
This is the truth: Character attracts the most, and character keeps what beauty cannot. 🙌✨️