Bernardo Social Hygiene Clinic

Bernardo Social Hygiene Clinic Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Bernardo Social Hygiene Clinic, STD Testing Center, Brgy. Pinagkaisahan, Quezon City.

https://www.facebook.com/share/1Bnnv6wRHZ/
01/12/2025

https://www.facebook.com/share/1Bnnv6wRHZ/

Ngayong araw, sama-sama nating ginugunita ang World AIDS Day na may temang “Overcoming disruption, transforming the AIDS response”, isang mahalagang pagkakataon upang patuloy kilalanin ang laban kontra HIV at AIDS. Isang araw din ito ng pagkilala sa mga kwento ng tapang, pag-asa, at pakikibaka ng mga taong nabubuhay na may HIV, at ng mga mahal nating pumanaw dahil sa sakit. Ito rin ay isang paraan nang pagbibigay-pugay sa mga magigiting na health workers na patuloy na nagsisilbing liwanag at gabay sa pagharap sa suliranin na ito.

Ang araw na ito ay isa ring pagkakataon upang muling itaguyod ang halaga ng bawat buhay, at ang kahalagahan ng pag-aalaga sa ating kalusugan at kapwa. Hinihikayat namin ang mga mamamayan ng Quezon City na maging kabahagi sa pagtataguyod ng isang lungsod na may malasakit, pagkakapantay-pantay, at pag-unawa sa kalusugan ng bawat isa. Sama-sama nating labanan ang stigma, at ipagdiwang ang lakas ng komunidad.

Ang World AIDS Day ay isang paalala na ang tamang impormasyon, ang maagang pagpapasuri, at ang pagbibigay daan sa tamang gamutan ay hindi lamang nakatutulong sa ating kalusugan, kundi sa kaligtasan at kinabukasan ng ating buong komunidad.

Sa araw na ito, tayo ay magkaisa—hindi lang bilang isang lungsod, kundi bilang isang pamilya. Magkaisa tayo upang lumikha ng isang komunidad na puno ng pag-unawa, pagmamalasakit, at higit sa lahat, pakikipag-kapwa.

Para sa iba pang impormasyon, i-like at i-follow ang Quezon City Health Department Official page.




https://www.facebook.com/share/1BftSWWHFB/
25/11/2025

https://www.facebook.com/share/1BftSWWHFB/

QCITIZENS! Protect yourself with PrEP!

Ang Pre-exposure Prophylaxis ay isang epektibong hakbang upang maingatan ang sarili laban sa sakit na HIV.

May iba’t ibang paraan kung paano umpisahan at inumin ang PrEP, kaya mahalagang magpa-konsulta upang malaman ang tamang option para sa iyo.

Kung nais magsimula sa PrEP, bumisita na sa ating Social Hygiene Clinics at Sundown Clinic para sa kumpletong gabay, counseling, at impormasyon!

District 1-District 3
https://www.facebook.com/share/17P92rUnzg/

District 4 - District 5
https://www.facebook.com/share/16SF7hSRHM/

Stay Safe QCITIZENS!

Para sa iba pang health information, i-like at i-follow ang Quezon City Health Department Official page.



https://www.facebook.com/share/1APxYLykXf/
24/11/2025

https://www.facebook.com/share/1APxYLykXf/

QCITIZENS! Protect yourself with PrEP!

Ang Pre-exposure Prophylaxis ay isang epektibong hakbang upang maingatan ang sarili laban sa sakit na HIV.

May iba’t ibang paraan kung paano umpisahan at inumin ang PrEP, kaya mahalagang magpa-konsulta upang malaman ang tamang option para sa iyo.

Kung nais magsimula sa PrEP, bumisita na sa ating Social Hygiene Clinics at Sundown Clinic para sa kumpletong gabay, counseling, at impormasyon!

District 1-District 3
https://www.facebook.com/share/17P92rUnzg/

District 4 - District 5
https://www.facebook.com/share/16SF7hSRHM/

Stay Safe QCITIZENS!

Para sa iba pang health information, i-like at i-follow ang Quezon City Health Department Official page.



https://www.facebook.com/share/p/1Cizdaty7i/
17/10/2025

https://www.facebook.com/share/p/1Cizdaty7i/

‼️ FAKE NEWS ALERT ‼️

WALANG KATOTOHANAN ang isang post sa Facebook na nag-anunsyo ng LOCKDOWN at SCHOOL BREAK sa ilang lungsod kabilang na ang Quezon City mula Oct. 19-25, 2025 dahil sa tumataas na bilang ng kaso ng influenza.

Sa press conference ngayong araw, pinabulaanan ni Health Secretary Ted Herbosa ang kumakalat na balita na magsasagawa ng lockdown ang ilang lungsod. Nilinaw ni Herbosa na walang naitalang outbreak at nagkataon lamang na maraming kaso ng influenza-like illnesses na mabilis kumalat lalo na tuwing panahon ng tag-ulan.

Ang mga post gaya nito ay layon lamang MANLINLANG at magpakalat ng MALING IMPORMASYON.

PAALALA:
Tanging sa opisyal na page ng Quezon City Government o City Health Department lamang inilalabas ang anumang anunsyo ukol sa mga isyung pangkalusugan at health updates sa lungsod.

TANDAAN:
Laging i-verify ang source bago maniwala sa mga post. Maging mapanuri, QCitizens!

https://www.facebook.com/share/p/1HGMDMY1xz/
13/10/2025

https://www.facebook.com/share/p/1HGMDMY1xz/

Pinarangalan ng Department of Health - Metro Manila Center for Health Development ang Quezon City dahil sa mahusay nitong pagpapatupad ng mga programa laban sa HIV. Ipinapahayag nito na malaki na ang naging progreso ng lungsod sa pag-abot ng 95-95-95 targets

Sa pangunguna ng ating mga Social Hygiene and Sundown Clinic, at pagsusulong ng mga proyekto ng Quezon City Government sa HIV Program, naisasakatuparan ang UNAIDS 95-95-95 target na layuning wakasan ang epidemya ng HIV at AIDS pagsapit ng 2030.

Iginawad ang parangal noong October 10 sa ginanap na National AIDS and STI Prevention and Control Program (NASPCP) Year-End Implementation Review.

Para sa iba pang impormasyon sa mga HIV and STI services sa lungsod, I-like, i-follow o magmessage sa ating page. Maari ding tumawag sa ating QCESD Hotline
8703-2759
09622747107
8988-4242 loc 1609



https://www.facebook.com/share/p/174ddq54Zv/
10/10/2025

https://www.facebook.com/share/p/174ddq54Zv/

Sa pagdiriwang ng World Mental Health Week at World Mental Health Day ngayong Oktubre, ang Quezon City Health Department (QCHD) ay nagbibigay-diin sa kahalagahan ng kalusugang pangkaisipan. Sa kabila ng mga hamon ng buhay, mahalagang bigyang pansin ang kalusugan sa isip at emosyon. Marami sa atin ang nakakaranas ng mental health issues tulad ng depresyon, anxiety, at stress, ngunit madalas ay hindi ito naipapahayag.

Ang QCHD ay nagtataguyod ng mga programa at serbisyong nagbibigay ng suporta sa mental health, tulad ng counseling at mga kampanya ng awareness. Ang mental health ay bahagi ng ating kabuuang kalusugan at hindi dapat ikahiya. Sa simpleng hakbang ng pagpapakita ng malasakit sa ating sarili at kapwa, mas mapapalaganap natin ang kalusugan at kaalaman tungkol sa mental health, at magsisilbing gabay para sa mas maligaya at malusog na komunidad.

Kung nais humingi ng tulong tungkol sa mental health, maaaring magtungo sa ating mga Barangay Health Center, Mental Wellness Access Hubs o MWAH
(https://www.facebook.com/share/p/17BNLCwKUG/), o kaya naman tumawag sa QC HELPLINE 122.

Para sa iba pang impormasyon, maaaring i-like at i-follow ang Quezon City Health Department Official page.






Address

Brgy. Pinagkaisahan
Quezon City

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Bernardo Social Hygiene Clinic posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Practice

Send a message to Bernardo Social Hygiene Clinic:

Share

Share on Facebook Share on Twitter Share on LinkedIn
Share on Pinterest Share on Reddit Share via Email
Share on WhatsApp Share on Instagram Share on Telegram