25/11/2023
GOOD NEWS mga ka-pulo!!
Ang lahat po ay inaanyayahan sa isang LIBRENG Medical-Dental Mission na gaganapin bukas (November 26, 2023) sa Polillo Adventist Institute. Ito po ay magsisimula sa ganap na ika-8 ng umaga hanggang ika-4 ng hapon. Ang nasabing programa po ay sa pangunguna ni DR. VIOLETA CULATA CELIS, Polillo Adventist Institute Batch 1966.
Narito po ang mga serbisyong kanilang ipagkakaloob:
☑️Ob-gyne check up para sa mga buntis at mga sakit ng kababaihan with Dr. Violeta Culata-Celis (Obstetrician Gynecologist)
☑️General Check-up para sa mga bata at matatanda
☑️Dental (Libreng bunot ng ngipin)
☑️Free blood typing at blood sugar testing
☑️ Libreng gamot at iba pa
Kitakits po tayo bukas mga ka-pulo!😊