Gumaca Nutrition Action Office Page

Gumaca Nutrition Action Office Page Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Gumaca Nutrition Action Office Page, Health & Wellness Website, Gumaca, Quezon.

LUMIKHA, MAGPATUPAD, AT SAMASAMANG ISAGAWA ANG MGA PROGRAMANG PANG NUTRISYON NA TUTUGON SA KOMPREHENSIBO AT PANGUNAHING PANGANGAILANGAN NG MGA GUMAQUENO MULA SA KALUSUGAN NG INA AT SANGGOL HANGGANG SA PAGTANDA NITO

Paghahain at Pagpasa ng Local Nutrition Action Plan 2026 to 2028Sa Ikalawang Municipal Nutrition Council na ginanap sa S...
18/09/2025

Paghahain at Pagpasa ng Local Nutrition Action Plan 2026 to 2028

Sa Ikalawang Municipal Nutrition Council na ginanap sa Sangguniang Bayan hall ng Gumaca Ngayon Setyembre 18, 2025 ating inihain ang Local Nutrition Action Plan 2026 to 2028

Sa, sapat na corum ito ay napasimulan. Ilan sa mga dumalo ay ang ating Ikalawang Punongbayan bayan VM Rico Javinez Banal Kons Elchor Caralian, MSWD0, PDAO, Budget office, MHO, at Iba pa. Si mam Sarah naman ang kumatawan sating Punongbayan. Binasa ng ating PMNP Hepo Sir Jay Mark Barretto Livado ang katitikan ng nakaraang pulong at ipinaliwanag ang ibang detalye. Masusing nating ipinaliwanag ang nilalaman NG plano sa miyembro ng konseho. Sa malayang talakayan ay nagbigay naman NG mga suhestyon at opinyon ang ating mga kasamahan na nakadagdag pulido sa plano.

Sa nasabing pulong, ito ay pinagtibay ni G. Non at pinangalawahan ng ating Sampaca president at Kap Loida Moyano

Maraming salamat sa patuloy na suporta sa Mnc at patuloy nawa tayo magtulungan para sa kalusugan at Nutrisyon NG bayan.

Technology in NutritionHousehold Convergence Score Card MonitoringSeptember 11 2025 Gamit ang Tablet na ipinamahagi sa 5...
12/09/2025

Technology in Nutrition
Household Convergence Score Card Monitoring
September 11 2025

Gamit ang Tablet na ipinamahagi sa 59 bns ng Gumaca at sa mga katuwang na Community Volunteer Workers, Kahapon September 11, binisita tayo NG mga PMNP Household Convergence Score Card Monitoring Team sa pamumuno ni Dra Faith Alberto, Rafael Matoy, Joey Cortez, kasama ang ating Gabay sir Rendell Lugtu upang Makita ng aktual Kung paano naisasagawa ang pag interview sa mga beneficiary Gaya NG buntis at lactating mothers.

Una na ay nag courtesy call sa punong bayan sa representasyon ni Ma'am Evie Alviar. Isang maayos na palitan NG information hinggil sa Nutrition pmnp program implementation ang talakayin. Tapos ay tinungo natin ang Barangay Bagong Buhay at Brgy Buensuceso upang bigyan ng technical support at guidance ang mga bns at cvws sa Tamang paggamit ng tablet. Inalam ang mga technically deficiencies at hadlang sa pagpapatupad ng gawain. Duon nakita at ggawan ng paraan paano lulutasin at magising maayos ang data gathering.

MaliWanag na feedbacking naman ang Isinagawa sa opisina ng ating MHO Dra Soriano

Nawa patuloy tayo magkatulungan at unawaan sa pag alalay sa gawaing para sa bayan at isaalang slang din ang aspeto para sa kagalingan ng health workers at pinagsisillbihan Gumacahin

Miyerkules na MabiyayaSeptember 10 2025Gumaca Municipal Building Puno NG blessings ang araw na ito Mula Umaga hanggang h...
12/09/2025

Miyerkules na Mabiyaya
September 10 2025
Gumaca Municipal Building

Puno NG blessings ang araw na ito Mula Umaga hanggang hapon. Nagsimula sa buwanang pulong ng mga BNS. Dito tinalakay ang mga sumusunod
๐Ÿ˜ŠReview sa paggamit ng tablet para sa household Convergence
๐Ÿ˜‰F1k masterlist categories Gaya NG
Mga buntis, nagpapasuso, Women on Reproductive age, 0 to 59 months children
๐Ÿ˜ŠBNS database updating
๐Ÿ˜€Distribution of Rusf for mothers
๐Ÿ˜‰18 forms compliance
๐Ÿ˜ŠDeworming
๐Ÿ˜œUse of certificate of appearance wisely

Kinahapunan ay ipinamahagi natin ang mga sumusunod na commodities Mula sa Health Promotion Grant ng PMNP sa mga midwife at bns. Layunin Nitong mapa lakas ang information dissemination ukol sa Kalusugang Pang Nutrisyon at Ibat ibang Serbisyo na ating ginagawa sa mga barangay.

9 na TV para sa paunang BHS na hawak NG mga Midwives
12 na digital weighing scales
9 na megaphones
59 na USB

Ang mga ito ay Taos puso nating ipinagkakatiwala sa mga Midwives katuwang ang bns sa mahusay at maingat na paggamit nito sa mga health centers para sa kapakinabangan NG mga kababayan natin

Nagkaloob din tayo NG rusf para sa Nutritionally at Risk pregnant mothers.
Tulong sulong sa Nutrition
Gaod para sa nasyon

Kaugnay na  BalitaSeptember 9 2025 Sa pagbisita nina ma'am Lindsay at Dra Eleanor ng UNICEF at UP Manila, masusi nilang ...
12/09/2025

Kaugnay na Balita
September 9 2025

Sa pagbisita nina ma'am Lindsay at Dra Eleanor ng UNICEF at UP Manila, masusi nilang inanalisa ang HPG plan at budget upang Mas Lalo itong maisakatuparan ng maayos at Tama. Inilahad nila mga updates hinggil sa katayuang pinansyal nito at hangganan ng pagpapatupad. Nagbigay ng mga suhestyon sa mga puna upang maging akma sa layunin.

Binisita din namin ang Brgy Progreso upang kunan ng pahayag ang mga beneficiary ng programa na kalimitan ay mga buntis at nagpapasuso. Gamit ang telebisyon at USB Mula sa pondo ng HPG o Health Promotion Grant, dito ipinalalabas ang health and Nutrition information para sa Dagdag kaalaman sa mga tagatangkilik ng health center. Natuwa sila sa mga akmang sagot ng ating Ina sa paggabay NG ating midwife Ma'am Lory Oreta Lar at BNS Marivic Glor.

Isang matimong feedbacking ang kanilang isinigawa base sa finding ng HPG plan at epe kto ng programa sa beneficiary.

Sa kabila NG mga pagsubok sa pagpapatupad ng programa, Sinisikap ng nutrition program section gawin ang mga tungkulin nito sa Abot NG higit na makakaya
May pagkilala man o wala, tuloy ang gawa.

09/09/2025
Household Convergence Tablet Orientation and Distribution  August 13, 2025 for SupervisorsAugust 15, 2025 for Community ...
29/08/2025

Household Convergence Tablet Orientation and Distribution

August 13, 2025 for Supervisors
August 15, 2025 for Community Volunteer Workers

Bagong kaalaman sa bagong teknolohiya! Yan ang hatid ng digital data gathering Dulot NG Household Convergence

Nitong nakaraang August 13 at 15 sa pangunguna ni PMNP Coordinator Sir Rendell Lugtu at Household Convergence Coor Ma'am Lau Tamondong sa magka hiwalay na pagtitipon, tinuruan ang mga nurses at Midwives NG RHU Gumaca maging BNS at piling BHWs upang Mas mabilis ang pagkalap NG datos hinggil sa basic health services na ibinibigay natin sa mga F1k clients. Dito nata track NG maayos at systematic Kung anuano mga health services ang naibigay at nakikita Kung ano pa mga pangangailangan ng mga beneficiaries. 19 na supervisors at 90 BNS at BHWs ang ipinagkaloob an ng tablet upang magamit sa nasabing gawain.

Sa tulong tulong na aksyon, , mas mapa bibilis Serbisyong walang mintis

Nutrition Month Culminating DayBagaman at Agosto na, Patuloy padin naman ang pagbibigay Serbisyo NG ating nutrition prog...
12/08/2025

Nutrition Month Culminating Day

Bagaman at Agosto na, Patuloy padin naman ang pagbibigay Serbisyo NG ating nutrition programs sa komunidad. Kaya nausad man ito Dahil sa bagyo, sinikap nating maidaos ito sa Simpleng paraan

Agosto 11, 2025 sa Gumaca Municipal Gym, nagtipon tipon ang mga 4ps, LGBT cooking contest participants, SNED students at g**o nila, BNS, at nutrition staff sa pagdadaos NG Culminating day.

Dito malugod tayong pinaunlakan NG piling tagapag Salitang, isa ring MNAO at Nurse 2 sa bayan NG Atimonan. Si ma'am Aidel Laude Dalisay. Inspiring message na Iniwan nya ay makabuluhang suporta NG lgu at stakeholders, collaboration sa ibang organization, at Pagtangkilik NG komunidad para sa Kalusugang pang Nutrisyon sa buong kabayanan.

Dito rin natin inilahad ang mga nnalo sa home gardening, cooking contest, at bottle coloring contest.

Maraming salamat sa sa lahat ng sumuporta sa gawaing ito Mula sa ating mga contestants, lgu employees, RHU personnel, nutrition staff, BNS, superiors Dra Soriano, VM Rico Javinez Banal, Mayor Webster Letargo, Dr Elchor Caralian, PDAO head Sir Hamilton Villapando, at sa iba pa na nagdulot NG tagumpay sa Pagdiriwang na ito

On the Spot Bottle Coloring ContestBilang susog padin sa Pagdiriwang NG Nutrition Month, Kahapon August 11 2025 sa Gumac...
12/08/2025

On the Spot Bottle Coloring Contest

Bilang susog padin sa Pagdiriwang NG Nutrition Month, Kahapon August 11 2025 sa Gumaca Municipal Gym ay ating Isinagawa ang malikhaing pagkukulang sa note NG ating piling mag aaral NG SNED o Special Needs Education. Ito ay sa kolaborasyon natin sa butihing PDAO head si Hamilton Villapando at sa g**o NG SNED na si ma'am Principe.

Sa taunang Pagdiriwang NG nutrition month ay lagi natin Silang kasama upang buhay na buhay ang inklusibong pananaw natin sa mga katulad nila. Sila may mga natatagong ding angking talino na naipakikita sa pamamagitan ng pagpipinta. Matapos na Ilahad ang mga criteria ay ito ay Binigyan kulay na

Mga komitiba NG nutrition program ng RHU ang masusing pumili NG mga mananalo sa patimpalak na ito. Isa sa nakamamanghang bahagi NG programa ay pagbibigay interpretation nila sa Kung ano ang kanilang ipininta. Mahusay itong ipinaliwanag NG g**o nila ma'am Principe

Ang announcement NG mananalo ay sa Culminating Day.

August BNS Monthly MeetingFocus on Roles and Responsibilities especially During Calamity and NIE (Nutrition in Emergency...
10/08/2025

August BNS Monthly Meeting
Focus on Roles and Responsibilities especially During Calamity and NIE (Nutrition in Emergency)

Nitong nakaraang August 7, 2025 sa Nutrition office Nagkatipon ang mga, BNS upang magbigay NG mga instructions na kinakailangan sa paggampan nila sa barangay

Una NG nagsalita ang ating PMNP Technical Manager Nica May Mendoza upang ipa alala ang mga dapat isumite mga datos para, sa pangangailangan NG programa Mula sa bnap, EOs at pag punk NG mga community volunteers. Inilahad naman NG ating HEPO Jay Mark Barretto Livado ang update sa mga commodities na Dumating para sa kapakinabangan NG mga BHS at implementation NG health education promotion sa mga health centers. Nandian din na Ipalaganap ang Grievance box at Kung ano ang Halaga nito sa Nutrition function.
Ang inyong lingkod ay nagbigay puri sa, pakikisangkot NG ating bns sa gawaing pang Nutrisyon sa mga nasasakupang paaralan sa katatapos na nutrition month. Pagbibilin sa maayos na masterlistng, mga bagong nutrition equipment Gaya MG height board at weighing scales. Binigyan diin din natin ang gampanin nila sa panahon NG sauna at kalamidad na uminog sa Quad Cluster public health, nutrition in emergency, Wash, at mental health and psychosocial support.

Umaasa tayong magsisikap upang samasama g I taas ang kalusugan pang Nutrisyon sa ating bayan.

First Dietary Counseling at Body Fat Analysis para sa LGU Gumaca Employees, Dinumog ๐Ÿ˜€๐Ÿ˜Š๐Ÿ˜€ 80 LGU  Clients Served Akala ko ...
24/07/2025

First Dietary Counseling at Body Fat Analysis para sa LGU Gumaca Employees, Dinumog ๐Ÿ˜€๐Ÿ˜Š๐Ÿ˜€ 80 LGU Clients Served

Akala ko nung una mga 30 Lang ma'am Irene Laude Morales ang magpapa diet counseling sayo, abah half day pa Lang nka 40 na tayo!!!!
At Natapos ang activity ay halos 80 clients ang napagsilbihan.

Mali ako.. Dahil ito ay kaunahang pagkakataon sa LGU Gumaca na MA assess ang nutritional status, ay nagkaroon NG Labis na interes ang ating mga empleyado na malaman Kung ano ba kondisyon nila, overweight, underweight, o obese๐Ÿ˜…

July 22, 2025 sa Gumaca Municipal Library, tayo ay pinaunlakan sa paanyaya sa Nutritionist Dietitian NG QPHN Gumaca na maging tagapayo NG kalagayang pang Nutrisyon. At hindi naman tayo nabigo sating Amiga. Maaga pa lamang NG 9am ay nagsimula na kami. Unti unting nag datingan, vitals signs taken, heights at weight jot down. Humarap Kay ma'am Irene at matimong in interview. Ipinaliwanag ang BMI, DBW, at paliwanag sa Pinggang Pinoy. Gumamit a tayo NG Body Fat Analyser upang iakma ang porsiyento NG taba at muscles sating katawan. Buong wili na na kinig, nagtanong, at Baon Baon ang bawat health suggestions na ibinahagi NG Dietitian.

Nakakatuwa, nakikita at nadadama ang pagpukaw NG interes NG lgu employees sa Nutritional status nila.

Hayaan nyo, next year, may ganito muling activity para Makita Kung nag improve tayo sa target nating Desirable Body Weight!

Maraming salamat po Ma'am Irene sa walang sawang suporta sa gawain Kong pang Nutrisyon, sa paggabay NG MHO Dr Este Mari Soriano, sa pamumuno NG punongbayan Webster Letargo
Lubos na pasasalamat din sa tulong NG BNS, nutrition staff, nutrition committee, at library personnel sa pagppahiram NG bahagi NG silid aklatan

Address

Gumaca
Quezon

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Gumaca Nutrition Action Office Page posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Practice

Send a message to Gumaca Nutrition Action Office Page:

Share

Share on Facebook Share on Twitter Share on LinkedIn
Share on Pinterest Share on Reddit Share via Email
Share on WhatsApp Share on Instagram Share on Telegram