31/08/2019
Paano nagsisimula ang CANCER at ano ang ibig sabihin ng mga STAGE nito?
Ang cancer ay isang sakit na dulot ng hindi makontrol na pagdami ng mga abnormal na selyula (cells) sa katawan. Ito ay dala ng mga depekto sa ating DNA na siyang bahagi ng bawat selyula na bumubuo sa genes at nagbibigay ng direksyon kung paano kikilos ang mga selyula ng ating katawan. Ang mga depektong ito ay maaaring namana (5%-10% ng mga kaso) o mas madalas na dulot ng mga kemikal tulad ng sa sigarilyo at alak, radiation, pagtanda at pagluluma ng mga selyula at iba pa na nagiging sanhi ng mga panibagong depekto sa ating genes. Mula rito, ang abnormal na pagdami ng cancer cells ang siyang nagiging tumor o bukol.
Kasabay ng patuloy na pagdami ng cancer cells ay nakakaangkin ang bukol ng ilang mga katangian na nagpapabagsik dito. Tinutubuan ito ng sarili nitong mga abnormal na ugat (blood vessels) at unti-unting sumasakop sa mga katabing istruktura habang ito ay lumalaki. Kapag ito ay nabigyan na ng daan sa sirkulasyon ng dugo, maaari na itong kumalat o tumalon sa mga ibang malayong bahagi ng katawan kasama na ang mga kulani, baga, atay, utak at iba pa.
Maliban sa stage 0, may 4 na stage ang halos lahat ng cancer.* Habang umaakyat ang numero nito, tumitindi rin ang bagsik nito. May pagkakaiba ang ibig sabihin ng bawat stage sa iba't ibang cancer pero kadalasan:
• Stage 0 (carcinoma in situ): Ang cancer cells ay nasa ibabaw pa lang at hindi pa nagsisimulang sumakop.
• Stage 1: Ang bukol ay maliit pa lang at wala pang masyadong sinasakop sa mga katabi nito. Wala pa itong kalat sa mga kulani o iba pang malayong organs.
• Stage 2/3: Ang bukol ay mas lumaki na pati ang sinasakop nitong mga katabing istruktura o organs. Maaaring apektado na ang mga kulani pero wala pang kalat sa malayong organs.**
• Stage 4 (metastasis/metastatic): Ang cancer ay kumalat o tumalon na sa malayong organs.***
*Walang stage 4 ang testicular cancer at papillary/follicular thyroid cancer (sa mga pasyenteng