Municipal Health Office - Rizal, Palawan

Municipal Health Office - Rizal, Palawan The official page of the Municipal Health Office of Dr. Jose P. Rizal, Palawan

28/10/2025

๐Ÿ“ข PABATID SA LAHAT!

Sa darating na Biyernes, Oktubre 31, 2025, wala pong gaganaping check-up dahil ito po ay holiday.

๐Ÿ‘‰ Para sa mga nakaiskedyul ng follow-up check-up ng Biyernes, maaari po kayong pumunta sa Huwebes, Oktubre 30, 2025, sa ating bagong RHU building.

Maraming salamat po sa inyong pag-unawa at patuloy na kooperasyon..

โœจ Pagpapabasbas ng Bagong RHU Building at Mobile Clinic โœจIsinagawa noong Oktubre 27, 2025 ang pagpapabasbas ng bagong Ru...
27/10/2025

โœจ Pagpapabasbas ng Bagong RHU Building at Mobile Clinic โœจ

Isinagawa noong Oktubre 27, 2025 ang pagpapabasbas ng bagong Rural Health Unit (RHU) building at mobile clinic sa pangunguna ni Rev. Fr. Joseph Ngo Van Ha, SVD.

Dumalo ang mga kawani ng Municipal Health Office sa pamumuno ni Ms. Rutchel Escabal Laborera, RN โ€“ Nurse III, Officer-in-Charge.

Lubos ang pasasalamat sa ating Punong Bayan, Hon. Norman S. Ong, Vice Mayor Hon. Maria Gracia Goh Macasaet-Zapanta, at sa buong Ika-17 Sangguniang Bayan sa kanilang walang sawang suporta at malasakit sa kalusugan ng ating mga kababayan. ๐Ÿ’š

Ang bagong gusali at mobile clinic ay magsisilbing karagdagang tulong upang mas mapalawak at mapabuti ang serbisyong pangkalusugan para sa lahat ng mamamayan ng ating bayan. ๐Ÿฉบ๐Ÿš‘๐Ÿฅ

โค๏ธ

27/10/2025
๐—›๐—˜๐—”๐—Ÿ๐—ง๐—› ๐—”๐——๐—ฉ๐—œ๐—ฆ๐—ข๐—ฅ๐—ฌ ๐—ก๐—ข. 9Pag-iwas sa sakit at panganib sa kalusugan dulot ng ๐™„๐™ฃ๐™›๐™ก๐™ช๐™š๐™ฃ๐™ฏ๐™–-๐™ก๐™ž๐™ ๐™š ๐™„๐™ก๐™ก๐™ฃ๐™š๐™จ๐™จ ๐Ÿฆ 
23/10/2025

๐—›๐—˜๐—”๐—Ÿ๐—ง๐—› ๐—”๐——๐—ฉ๐—œ๐—ฆ๐—ข๐—ฅ๐—ฌ ๐—ก๐—ข. 9

Pag-iwas sa sakit at panganib sa kalusugan dulot ng ๐™„๐™ฃ๐™›๐™ก๐™ช๐™š๐™ฃ๐™ฏ๐™–-๐™ก๐™ž๐™ ๐™š ๐™„๐™ก๐™ก๐™ฃ๐™š๐™จ๐™จ ๐Ÿฆ 




โ€ผ๏ธMasamang pakiramdam ngayong Tag-Ulan.. BAKA W.I.L.D NA โ€˜YAN!โ€ผ๏ธ         ๐Ÿง Anu nga ba ang W.I.L.D? ๐Ÿง๐Ÿฆ  W- ATERBORNE DISEA...
22/10/2025

โ€ผ๏ธMasamang pakiramdam ngayong Tag-Ulan.. BAKA W.I.L.D NA โ€˜YAN!โ€ผ๏ธ

๐Ÿง Anu nga ba ang W.I.L.D? ๐Ÿง

๐Ÿฆ  W- ATERBORNE DISEASES- nakukuha kapag umiinom ng maruruming tubig.

๐Ÿฆ  I-NFLUENZA LIKE ILLNESS- o trankaso nanagdudulot ng lagnat, ubo, at pananakit ng katawan.

๐Ÿฆ  LEPTOSPIROSIS- na nakukuha sa ihi ng daga na madalas ay nasa baha.

๐Ÿฆ  DENGUE- na nakukuha sa kagat ng lamok na Aedes Aegypti.

๐Ÿ’ช Labanan ang W.I.L.D ๐Ÿ’ช

โ€ข Tumutok sa mga anunsyo ng PAGASA tungkol sa lagay ng panahon.

โ€ข Manatili muna sa bahay kapag may sakit o umuulan nang malakas

โ€ขGawin ang TAOB, TAKTAK, TUYO, TAKIP sa mga lalagyan para walang pamahayan ang lamok.

โ€ข Magpakonsulta agd kapag masama ang pakiramdamdam.



21/10/2025

๐๐ฎ๐›๐ฅ๐ข๐œ ๐‡๐ž๐š๐ฅ๐ญ๐ก ๐€๐๐ฏ๐ข๐ฌ๐จ๐ซ๐ฒ: ๐ˆ๐ฐ๐š๐ฌ-๐“๐ซ๐š๐ง๐ ๐ค๐š๐ฌ๐จ!
Tumaas ang mga kaso ng trangkaso o flu sa ating komunidad. Protektahan ang sarili at pamilya gamit ang simpleng ๐‘ฐ-๐‘พ-๐‘จ-๐‘บ-๐‘ฏ tips:
๐‘ฐ โ€“ Iwasan ang matataong lugar kung may lagnat o ubo
๐‘พ โ€“ Wastong paghuhugas ng kamay gamit ang sabon at tubig
๐‘จ โ€“ Alagaan ang katawan sa pamamagitan ng tamang pagkain, tulog, at ehersisyo
๐‘บ โ€“ Sundin ang tamang pagtakip ng ilong at bibig kapag uubo o babahing
๐‘ฏ โ€“ Humingi ng payo sa doktor kung may sintomas

Panatilihing malusog at ligtasโ€”๐‘ฐ-๐‘พ-๐‘จ-๐‘บ-๐‘ฏ sa Trangkaso!

18/10/2025

๐Ÿ“ข LIBRENG X-RAY TUWING BIYERNES!

Bilang bahagi ng ating case finding program, ang ating RHU ay magsasagawa ng libreng X-ray tuwing Biyernes sa:

๐Ÿ“ RHU New Building

PAALALA:
Mangyaring dalhin ang referral form mula sa inyong Barangay Nurse o Midwife bilang patunay na kayo ay kailangang sumailalim sa X-ray.

Para sa karagdagang impormasyon, makipag-ugnayan lamang sa inyong Barangay Health Station.



16/10/2025

๐Ÿ“ฃ PAALALA MULA SA MUNICIPAL HEALTH OFFICE ๐Ÿ“ฃ

Kung kayo po ay nakararanas ng pananakit ng likod, ubo na matagal nang hindi gumagaling, labis na pagpapawis sa gabi (night sweats), at lagnat, hinihikayat po namin kayong magpa-X-ray sa darating na Biyernes, Oktubre 17, 2025, bilang bahagi ng case finding activity para sa mga posibleng TB patients.

Layunin ng aktibidad na ito na maagang matukoy at magamot ang mga kaso ng Tuberculosis (TB) sa ating komunidad.

๐Ÿฉบ Ang maagang pagpapasuri ay susi sa maagap na paggaling!

Pumunta lamang po sa ating bagong RHU building byernes mula 8 ng umaga hanggang 3 ng hapon.




Pasasalamat mula sa Municipal Health OfficeLubos po kaming nagpapasalamat sa 4Ps sa kanilang imbitasyon sa isinagawang I...
11/10/2025

Pasasalamat mula sa Municipal Health Office

Lubos po kaming nagpapasalamat sa 4Ps sa kanilang imbitasyon sa isinagawang Intervention Caravan noong nakaraang linggo, kung saan naging bahagi ang aming tanggapan upang maisama ang serbisyong may kinalaman sa PhilHealth.

Sa pamamagitan ng programang PhilHealth Yakap Registration, matagumpay po tayong nakapagsagawa ng pagpaparehistro sa limang (5) barangay:
โ€ข Brgy. Iraan โ€“ 68 na rehistrado
โ€ข Brgy. Punta-Baja โ€“ 166 na rehistrado
โ€ข Brgy. Candawaga โ€“ 280 na rehistrado
โ€ข Brgy. Panalingaan โ€“ 185 na rehistrado
โ€ข Brgy. Canipaan โ€“ 356 na rehistrado

Ang lahat ng ito ay hindi magiging posible kung wala ang suporta ng ating butihing Municipal Mayor, Hon. Norman S. Ong, Vice Mayor Maria Gracia M. Zapanta, at ang buong 17th Sangguniang Bayan.

Maraming salamat po sa patuloy na pagtitiwala at suporta sa mga programang pangkalusugan ng ating bayan.



โœ… Matagumpay na naidaos ang Buntis Congress at Cancer Awareness Day!๐Ÿ“ Brgy. Panalingaan | October 9, 2025Isang makabuluh...
10/10/2025

โœ… Matagumpay na naidaos ang Buntis Congress at Cancer Awareness Day!
๐Ÿ“ Brgy. Panalingaan | October 9, 2025

Isang makabuluhang araw ng edukasyon at malasakit ang isinagawa sa Brgy. Panalingaan para sa mga kababaihan at buong komunidad. Tinalakay ang kahalagahan ng ligtas na pagbubuntis at dagdag kaalaman tungkol sa cancer.

Dumalo at nakiisa sa aktibidad sina:
๐Ÿ‘จโ€โš–๏ธ Kap. Ronaldo Khu at mga Barangay Officials
๐Ÿ‘ฉโ€โš•๏ธ Gng. Regine Callejo โ€“ Brgy. Midwife
๐Ÿ‘ฉโ€โš•๏ธ Rochelle Gonzales, RN โ€“ DOH-HRH
๐Ÿ‘ฉโ€โš•๏ธ Maria Fe Quizan, RM โ€“ MNCHN Rizal Coordinator
๐Ÿ‘จโ€โš•๏ธ Earl Evangelista, RN โ€“ Cancer Program Coordinator
๐Ÿ‘ฉโ€โš•๏ธ Leslie Ann Echalas, RN โ€“ MNAO
๐ŸŽ‰ Special thanks kay Maโ€™am Jenevil Tombaga, RN โ€“ MNCHN Provincial Coordinator

Lubos din ang pasasalamat sa suporta mula kina:
๐Ÿค Mayor Norman S. Ong, Vice Mayor Maria Gracia Goh Macasaet-Zapanta, at ang buong 17th Sangguniang Bayan.

๐Ÿ’– Maraming salamat po sa inyong lahat! Sama-sama nating itaguyod ang kalusugan ng bawat isa!





Address

Purok Pagkakaisa, Punta Baja
Rizal
5323

Telephone

+639094259133

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Municipal Health Office - Rizal, Palawan posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Practice

Send a message to Municipal Health Office - Rizal, Palawan:

Share

Share on Facebook Share on Twitter Share on LinkedIn
Share on Pinterest Share on Reddit Share via Email
Share on WhatsApp Share on Instagram Share on Telegram