Health Education and Promotion Unit - Binangonan, Rizal

Health Education and Promotion Unit - Binangonan, Rizal Dessiminating facts information about health.

Ngayong Pebrero 14-20 ay ipinagdiriwang ang Intellectual Disability Week. Alamin kung ano ang Intellectual Disability, m...
14/02/2026

Ngayong Pebrero 14-20 ay ipinagdiriwang ang Intellectual Disability Week.

Alamin kung ano ang Intellectual Disability, mga dahilan at mga serbisyong medikal na maaaring i-avail.

Mahalaga ang maagang pagtuklas at pagsuri sa isang bata upang mabigyan ng wastong suporta at serbisyong medikal.




05/02/2026

IMPORMASYON | HUWAG MAGBIGAY NG TUBIG SA NAAKSIDENTE ❌

Sa bawat aksidente sa kalsada, bawat segundo ay may halaga. Gayundin, kahit ang pinakamabuting intensyon ay maaaring mauwi sa kapahamakan kung hindi mag-iingat. Ang maling kilos, kahit maliit, ay maaaring magdulot ng seryosong panganib sa buhay.

πŸ“Œ HUWAG BIGYAN NG TUBIG O PAGKAIN ANG BIKTIMA NG AKSIDENTE.

ℹ️ Maraming aksidente ang nauuwi sa malubhang pinsala o kamatayan, hindi lamang dahil sa banggaan, kundi dahil sa maling first aid o hindi tamang paghawak ng mga nakakita sa sakuna.

⚠️ BAKIT?

1️⃣ Risk of Aspiration
ℹ️ Ang biktima ay maaaring walang malay, wala sa sarili, o nabigla. Kung bibigyan ng tubig, maaari itong pumasok sa baga at magdulot ng choking, pneumonia, o respiratory failure. Isa ito sa mga sanhi ng preventable deaths sa aksidente.

2️⃣ Possible Internal Injuries
ℹ️ Kadalasang may internal bleeding, head injury, o abdominal at chest trauma ang biktima. Ang pagkain o pag-inom ay maaaring magpalala ng pinsala, magpabagal sa life-saving procedures, at magpataas ng panganib ng komplikasyon.

3️⃣ Emergency Surgery Risk
ℹ️ Maraming trauma patients ang nangangailangan ng agarang operasyon. Para sa anesthesia, kailangang NPO (Nothing by Mouth) ang pasyente. Kapag may laman ang tiyan:
➑️ Maaaring mags**a kahit nasa ilalim ng anesthesia
➑️ Maaaring pumasok ang laman ng tiyan sa baga
➑️ Maaaring magdulot ng malubhang komplikasyon o kamatayan

4️⃣ Unconscious Patients Are at High Risk
➑️ Ang taong walang malay ay hindi makokontrol ang paglunok at hindi rin kayang protektahan ang kanyang airway. Ang pagbibigay ng tubig o pagkain ay maaaring mauwi sa choking o pagkabara ng tubig o s**a sa lalamunan.
βœ… ANO ANG DAPAT GAWIN?

➑️ Tawagan agad ang MDRRMO o anumang emergency services.
➑️ Siguraduhing ligtas ang paligid bago lapitan ang biktima.
➑️ Panatilihin ang ulo at leeg sa neutral position kung may malay ang biktima at kusang nakakapagsalita o gumagalaw.
➑️ Kung walang malay ang biktima, iwasang galawin ang ulo at leeg hangga’t maaari. Ang maling paghawak o paggalaw ay maaaring magpalala ng posibleng spinal o neck injury, lalo na kung hindi makapagsabi ang biktima ng nararamdaman.
➑️ Kontrolin ang pagdurugo gamit ang malinis na tela o pressure.
➑️ Panatilihing mainit at kalmado ang biktima.
➑️ Maghintay ng trained responders na may tamang kaalaman at kagamitan.

❌ ANO ANG MGA HINDI DAPAT GAWIN?

🚫 Pwersahin ang biktima na umupo o tumayo
🚫 Bigyan ng tubig, pagkain, o anumang iniinom
🚫 Alisin ang helmet (maliban na lamang kung may tamang training ang gagawa)
🚫 Igalaw ang ulo, leeg, o katawan ng biktima kung walang sapat na kaalaman

πŸ’‘ Tandaan: Sa oras ng aksidente, ang pinakamainam na gawin ay tumawag agad ng tulong at iwasan ang anumang kilos na maaaring magpalala ng pinsala. Ang kaligtasan ng biktima ay mas mahalaga kaysa sa pagmamadali.


πŸ’™

04/02/2026
04/02/2026
Ngayong buwan ng EneroπŸ—“, makiisa at sabay-sabay nating sugpuin ang mga bulate sa katawan! πŸͺ±πŸ›‘Kumunsulta sa pinakamalapit ...
19/01/2026

Ngayong buwan ng EneroπŸ—“, makiisa at sabay-sabay nating sugpuin ang mga bulate sa katawan! πŸͺ±πŸ›‘

Kumunsulta sa pinakamalapit na health center at makipag-ugnayan sa ating Barangay Nutrition Scholars at Health Workers para sa libreng deworming.πŸ’Š

Mahalaga ang deworming upang matugunan ang iba’t ibang uri ng impeksyon sa bituka dulot ng mga parasitong bulate na nagiging sanhi ng:
πŸ“Œ Anemia
πŸ“Œ Malnutrisyon
πŸ“Œ Pagbaba ng timbang
πŸ“Œ Diarrhea

Huwag hayaang pigilan ng bulate ang paglaki ng inyong mga anak!πŸ’ͺ
Alagaan ang kalusugan, bulate ating labanan!πŸ›‘





18/01/2026
π—’π—£π—˜π—₯π—”π—§π—œπ—’π—‘ π—§π—œπ— π—•π—”π—‘π—š π—£π—Ÿπ—¨π—¦ π—‘π—š π— π—šπ—” π—–π—›π—œπ—žπ—œπ—§π—œπ—‘π—š πŸ‘§πŸ‘¦πŸ“Œ Simula Lunes, Enero 19, 2026, magsasagawa ang ating mga Barangay Health Work...
15/01/2026

π—’π—£π—˜π—₯π—”π—§π—œπ—’π—‘ π—§π—œπ— π—•π—”π—‘π—š π—£π—Ÿπ—¨π—¦ π—‘π—š π— π—šπ—” π—–π—›π—œπ—žπ—œπ—§π—œπ—‘π—š πŸ‘§πŸ‘¦

πŸ“Œ Simula Lunes, Enero 19, 2026, magsasagawa ang ating mga Barangay Health Workers (BHWs) at Barangay Nutrition Scholars (BNSs) ng Operation Timbang Plus sa bawat kabahayan.

πŸ‘Ά Sino ang saklaw?
βœ”οΈ Lahat ng batang 0-59 buwang gulang ay titimbangin at sus**atin ang taas upang malaman ang kanilang nutrisyonal status at kalusugan.

Kasabay ng aktibidad:

πŸ’Š Vitamin A Supplementation para sa mga batang 6 hanggang 59 buwang gulang upang maiwasan ang pagkabulag at mapalakas ang resistensya (ibinibigay kada anim na buwan).

🚫πŸͺ±Deworming o pagpupurga para sa mga kabataang 1 taong gulang hanggang 19 taong gulang upang maiwasan ang bulate, sakit, at mapanatili ang malakas na resistensya (ibinibigay kada anim na buwan din).

πŸ—“οΈ Ang pag-iikot ng mga BNS at BHW ay magpapatuloy hanggang Marso 31, 2026 sa buong bayan.

🀝 Kaya’t hinihikayat ang lahat ng mga magulang at tagapag-alaga na makiisa at suportahan ang programang pangkalusugan ng pamahalaan sa pangunguna ni Mayora Ma. Elvira Cecille Ynares at Vice Mayor Russel Ynares, katuwang ang Binangonan Municipal Health Office at mga barangay.

🩡 β€œSama-sama nating pangalagaan ang kalusugan ng ating mga anak, dahil ang bawat batang malusog ay pag-asa ng bayan. Ito ang ating panata para sa isang masigla at maunlad na kinabukasan ng Mahal Kong Binangonan"

Paano mo gustong salubungin ang Bagong Taon β€” buo at ligtas, o may panghabambuhay na pinsala?⚠️ HUWAG MAGPAPUTOK!Iwasan ...
30/12/2025

Paano mo gustong salubungin ang Bagong Taon β€” buo at ligtas, o may panghabambuhay na pinsala?

⚠️ HUWAG MAGPAPUTOK!

Iwasan ang disgrasya at panganib na dulot ng paputok. Maraming bata at matatanda ang napapahamak taon-taon dahil dito.

βœ… Gumamit ng alternatibong paingay at pailaw
βœ… Alagaan ang sarili at ang iyong pamilya
βœ… Unahin ang kaligtasan kaysa kasiyahan

πŸ“Œ Tandaan: Ang paputok ay maaaring magdulot ng paso, sugat, pagkabulag, pagkalason, at maging kamatayan.

πŸ’™ Sama-sama nating salubungin ang Bagong Taon nang ligtas, masaya, at responsable.

Mula sa Binangonan Municipal Health Office
para sa Mahal Kong Binangonan






πŸŽ„πŸŽ  Ngayong Kapaskuhan, siguraduhing ligtas at masaya ang regalo para sa ating mga bata. Sa pagbili ng laruan, tandaan a...
26/12/2025

πŸŽ„πŸŽ Ngayong Kapaskuhan, siguraduhing ligtas at masaya ang regalo para sa ating mga bata. Sa pagbili ng laruan, tandaan ang mga sumusunod:

βœ… Pumili ng laruang angkop sa edad ng bata
βœ… Siguraduhing matibay at hindi madaling masira
βœ… Iwasan ang laruang may mapanganib na kemikal tulad ng lead at mercury
βœ… Basahin ang label at tiyaking pasado sa safety standards

Ang ligtas na laruan ay susi sa masayang at malusog na paglaki ng ating mga chikiting. πŸ’

Sama-sama nating pangalagaan ang kaligtasan ng bawat batang Binangonan!

✨ Sa Bagong Pilipinas, bawat buhay ay mahalaga.

Isang Paalala Mula sa Binangonan Municipal Health Office at Mahal Kong Binangonan πŸ’šπŸ’™






Address

Binangonan
Rizal
1940

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Health Education and Promotion Unit - Binangonan, Rizal posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share