Municipal Health Office - Jalajala, Rizal

  • Home
  • Municipal Health Office - Jalajala, Rizal

Municipal Health Office - Jalajala, Rizal Healthy Jalajala, Bawat Buhay Mahalaga!

01/12/2025

MAHALAGANG PABATID!

Pinababatid po namin sa lahat na LIBRE po lahat ng DOSE ng Bakuna ng Anti- Rabies. Ang Schedule po ng Anti-Rabies Vaccination ay tuwing MARTES at BIYERNES.

Maraming Salamat po!

Tandaan: Ang pag-iwas ay mas mabuting lunas sa pag-gamot.
Magtungo na sa pinakamalapit na animal vaccination center. Magtulungan tayo para sa rabies-free na komunidad! ๐Ÿถ๐Ÿฑ

Para sa iba pang health updates, i follow ang Jalajala Municipal Health Office official page.

Congratulations Dra.  Katrina Magbojos   sa iyong nakamit na pagtatapos ng Master in Public Health.Napakalaking paghanga...
21/11/2025

Congratulations Dra. Katrina Magbojos sa iyong nakamit na pagtatapos ng Master in Public Health.
Napakalaking paghanga sa iyong dedikasyon, malasakit at serbisyong ginugol mo pra sa Bayan ng Jalajala. Nawa'y maging inspirasyon ang iyong nakamit para sa mas marami pang nagnanais na maging manggagamot.

Mabuhay ka Doctora Kat! Ipagpatuloy mo ang misyon na may lakas, karunungan at pagpapala. Maraming salamat sa serbisyo at hangad namin ang mas marami mo pang tagumpay sa mga darating na panahon.

Healthcare doesnโ€™t stop for the weather โ€” our dedicated Doctor, Nurses and Midwives and MDRRMO Jalajala visited and moni...
10/11/2025

Healthcare doesnโ€™t stop for the weather โ€” our dedicated Doctor, Nurses and Midwives and MDRRMO Jalajala visited and monitored Barangay Health Stations and evacuation centers in the Municipality of Jalajala.

Standing with the community during the typhoon "UWAN"โ€” ensuring health and safety for all.

Stay Safe!

๐—”๐—ป๐—ด ๐——๐—ฒ๐—ป๐—ด๐˜‚๐—ฒ ๐—ฎ๐˜† ๐—ถ๐˜€๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ป๐—ฎ๐—ธ๐—ฎ๐—บ๐—ฎ๐—บ๐—ฎ๐˜๐—ฎ๐˜† ๐—ป๐—ฎ ๐˜€๐—ฎ๐—ธ๐—ถ๐˜ ๐—ป๐—ฎ ๐—ป๐—ฎ๐—ธ๐˜‚๐—ธ๐˜‚๐—ต๐—ฎ ๐—บ๐˜‚๐—น๐—ฎ ๐˜€๐—ฎ ๐—ธ๐—ฎ๐—ด๐—ฎ๐˜ ๐—ป๐—ด ๐—น๐—ฎ๐—บ๐—ผ๐—ธ,๐—ป๐—ด๐˜‚๐—ป๐—ถ๐˜ ๐—ถ๐˜๐—ผ ๐—ฎ๐˜† ๐—บ๐—ฎ๐—ฎ๐—ฎ๐—ฟ๐—ถ๐—ป๐—ด ๐—บ๐—ฎ๐—ถ๐˜„๐—ฎ๐˜€๐—ฎ๐—ป.Protektahan ...
05/11/2025

๐—”๐—ป๐—ด ๐——๐—ฒ๐—ป๐—ด๐˜‚๐—ฒ ๐—ฎ๐˜† ๐—ถ๐˜€๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ป๐—ฎ๐—ธ๐—ฎ๐—บ๐—ฎ๐—บ๐—ฎ๐˜๐—ฎ๐˜† ๐—ป๐—ฎ ๐˜€๐—ฎ๐—ธ๐—ถ๐˜ ๐—ป๐—ฎ ๐—ป๐—ฎ๐—ธ๐˜‚๐—ธ๐˜‚๐—ต๐—ฎ ๐—บ๐˜‚๐—น๐—ฎ ๐˜€๐—ฎ ๐—ธ๐—ฎ๐—ด๐—ฎ๐˜ ๐—ป๐—ด ๐—น๐—ฎ๐—บ๐—ผ๐—ธ,
๐—ป๐—ด๐˜‚๐—ป๐—ถ๐˜ ๐—ถ๐˜๐—ผ ๐—ฎ๐˜† ๐—บ๐—ฎ๐—ฎ๐—ฎ๐—ฟ๐—ถ๐—ป๐—ด ๐—บ๐—ฎ๐—ถ๐˜„๐—ฎ๐˜€๐—ฎ๐—ป.

Protektahan ang sarili mula sa Dengue!
๐Ÿ’โ€โ™‚๏ธMagsuot ng long-sleeves at pantalon
๐ŸฆŸGumamit ng insect repellent
๐Ÿ’คGumamit ng kulambo 'pag natutulog

Puksain ang mga kiti-kiti, bawasan ang kaso ng Dengue!
๐ŸงนLinisin ang kapaligiran
๐ŸฆŸGumamit ng mga insecticide
๐ŸชฃItaob at takpan ang mga napag-iipunan ng tubig

'Wag paabutin sa malalang kaso ang Dengue!
Ang malubhang kaso nito ay nangangailangan ng atensyon ng doktor.

Magpakonsulta sa unang sintomas (lagnat ng 2 araw) pa lamang. Pumunta sa pinakamalapit na health center.

Para sa iba pang health updates, i follow ang Jalajala Municipal Health Office official page.



04/11/2025

MAHALAGANG PABATID ๐Ÿ“ข๐Ÿ“ข๐Ÿ“ข

Ipinababatid po na WALA pong CHECK-UP Bukas,November 05, 2025 sa kadahilanang ang ating doctor po ay umattend ng Seminar. Ang susunod na check- up po ay sa FRIDAY, November 07, 2025.

Maraming Salamat po sa inyong pang-unawa!

Para sa iba pang health updates, i follow ang Jalajala Municipal Health Office official page.

๐Ÿ•ฏ๏ธ MGA BATA AT MATATANDA, PROTEKTAHAN SA TRANGKASO KUNG MAY SALU-SALO NGAYONG LONG WEEKEND ๐Ÿ˜ทAng mga kabataan at senior c...
30/10/2025

๐Ÿ•ฏ๏ธ MGA BATA AT MATATANDA, PROTEKTAHAN SA TRANGKASO KUNG MAY SALU-SALO NGAYONG LONG WEEKEND ๐Ÿ˜ท

Ang mga kabataan at senior citizen ang karaniwang tinatamaan ng ILI sa mga gatherings; mas madalas din silang makaranas ng mga komplikasyon ng mga sakit na ito.

Para makaiwas sa sakit, narito ang ilang mga paalala:

๐Ÿ’ฆ Painumin lagi ng tubig ang mga bata

๐Ÿ˜ท Hikayatin si lolo at lola na magsuot ng mask

๐Ÿ™…โ€โ™‚๏ธ Iwasang isama ang mga bata sa masisikip at matataong lugar

๐Ÿงผ Ugaliing maghugas o magsanitize ng kamay

๐Ÿ  Manatili sa bahay kung may sintomas ng trangkaso

Tandaan, ingatan si baby, lola, at lola, para Trangkaso Bye Bye!





๐ŸŽ€ ๐Ž๐‚๐“๐Ž๐๐„๐‘ ๐ข๐ฌ ๐๐‘๐„๐€๐’๐“ ๐‚๐€๐๐‚๐„๐‘ ๐€๐–๐€๐‘๐„๐๐„๐’๐’ ๐Œ๐Ž๐๐“๐‡ ๐ŸŽ€๐˜‰๐˜ณ๐˜ฆ๐˜ข๐˜ด๐˜ต ๐˜Š๐˜ข๐˜ฏ๐˜ค๐˜ฆ๐˜ณ ๐˜ˆ๐˜ธ๐˜ข๐˜ณ๐˜ฆ๐˜ฏ๐˜ฆ๐˜ด๐˜ด ๐˜ช๐˜ด ๐˜ฎ๐˜ฐ๐˜ณ๐˜ฆ ๐˜ต๐˜ฉ๐˜ข๐˜ฏ ๐˜ฑ๐˜ช๐˜ฏ๐˜ฌ ๐˜ณ๐˜ช๐˜ฃ๐˜ฃ๐˜ฐ๐˜ฏ๐˜ด;๐˜ช๐˜ต'๐˜ด ๐˜ข๐˜ฃ๐˜ฐ๐˜ถ๐˜ต ๐˜’๐˜•๐˜–๐˜ž๐˜“๐˜Œ๐˜‹๐˜Ž๐˜Œ, ๐˜ˆ๐˜Š๐˜›๐˜...
15/10/2025

๐ŸŽ€ ๐Ž๐‚๐“๐Ž๐๐„๐‘ ๐ข๐ฌ ๐๐‘๐„๐€๐’๐“ ๐‚๐€๐๐‚๐„๐‘ ๐€๐–๐€๐‘๐„๐๐„๐’๐’ ๐Œ๐Ž๐๐“๐‡ ๐ŸŽ€

๐˜‰๐˜ณ๐˜ฆ๐˜ข๐˜ด๐˜ต ๐˜Š๐˜ข๐˜ฏ๐˜ค๐˜ฆ๐˜ณ ๐˜ˆ๐˜ธ๐˜ข๐˜ณ๐˜ฆ๐˜ฏ๐˜ฆ๐˜ด๐˜ด ๐˜ช๐˜ด ๐˜ฎ๐˜ฐ๐˜ณ๐˜ฆ ๐˜ต๐˜ฉ๐˜ข๐˜ฏ ๐˜ฑ๐˜ช๐˜ฏ๐˜ฌ ๐˜ณ๐˜ช๐˜ฃ๐˜ฃ๐˜ฐ๐˜ฏ๐˜ด;๐˜ช๐˜ต'๐˜ด ๐˜ข๐˜ฃ๐˜ฐ๐˜ถ๐˜ต ๐˜’๐˜•๐˜–๐˜ž๐˜“๐˜Œ๐˜‹๐˜Ž๐˜Œ, ๐˜ˆ๐˜Š๐˜›๐˜๐˜–๐˜• ๐˜ข๐˜ฏ๐˜ฅ ๐˜Œ๐˜ˆ๐˜™๐˜“๐˜  ๐˜‹๐˜Œ๐˜›๐˜Œ๐˜Š๐˜›๐˜๐˜–๐˜•.

๐˜Š๐˜๐˜Œ๐˜Š๐˜’, ๐˜Š๐˜ˆ๐˜™๐˜Œ ๐˜ข๐˜ฏ๐˜ฅ ๐˜š๐˜๐˜ˆ๐˜™๐˜Œ. ๐˜‰๐˜ฆ๐˜ค๐˜ข๐˜ถ๐˜ด๐˜ฆ ๐˜ข๐˜ธ๐˜ข๐˜ณ๐˜ฆ๐˜ฏ๐˜ฆ๐˜ด๐˜ด ๐˜ช๐˜ด ๐˜ต๐˜ฉ๐˜ฆ ๐˜ง๐˜ช๐˜ณ๐˜ด๐˜ต ๐˜ด๐˜ต๐˜ฆ๐˜ฑ ๐˜ต๐˜ฐ ๐˜š๐˜ˆ๐˜๐˜๐˜•๐˜Ž ๐˜“๐˜๐˜๐˜Œ๐˜š.

// ๐ˆ๐ง๐Ÿ๐ฅ๐ฎ๐ž๐ง๐ณ๐š - ๐‹๐ข๐ค๐ž ๐ˆ๐ฅ๐ฅ๐ง๐ž๐ฌ๐ฌ๐ž๐ฌ //Pansamantalang suspended ang face-to-face classes sa buong lalawigan ng Rizal mula Octob...
13/10/2025

// ๐ˆ๐ง๐Ÿ๐ฅ๐ฎ๐ž๐ง๐ณ๐š - ๐‹๐ข๐ค๐ž ๐ˆ๐ฅ๐ฅ๐ง๐ž๐ฌ๐ฌ๐ž๐ฌ //

Pansamantalang suspended ang face-to-face classes sa buong lalawigan ng Rizal mula October 14-17, 2025.

Layunin nito na mapanatiling ligtas at malusog ang ating mga kabataan habang patuloy ang pagtaas ng Influenza-like Illnesses dahil sa pabago- bago ang panahon.

Ang Flu ay nakahahawang sakit dulot ng Influenza Virus at karaniwang nakaaapekto sa ilong, lalamunan at baga. Pangunahing sintomas nito ang lagnat, ubo, sipon, pananakit ng ulo at lalamunan, at panghihina ng katawan.

โ˜‘๏ธ Agad na magpakonsulta sa pinakamalapit na health center kung ikaw o kasama sa bahay ay nakararanas ng flu-like symptoms.

โ˜‘๏ธ Magsuot ng facemask lalo na sa matataong lugar upang hindi mahawa at hindi makahawa ng anumang respiratory disease.

Para sa iba pang health updates, i follow ang Jalajala Municipal Health Office official page.

13/10/2025

MAHALAGANG PABATID!

Pinababatid po namin sa lahat na MERON na po ngunit LIMITADO lang po ang supply ng bakuna na Anti - Rabies sa ating Rural Health Unit (RHU).

ang SECOND DOSE, THIRD DOSE at 2nd BOOSTER lamang po ang LIBRE.
Maraming Salamat po sa inyong pang-unawa!

Tandaan: Ang pag-iwas ay mas mabuting lunas sa pag-gamot.
Magtungo na sa pinakamalapit na animal vaccination center. Magtulungan tayo para sa rabies-free na komunidad! ๐Ÿถ๐Ÿฑ

Para sa iba pang health updates, i follow ang Jalajala Municipal Health Office official page.

๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ“ ๐‚๐€๐‹๐€๐๐€๐‘๐™๐Ž๐ ๐‘๐ž๐ ๐ข๐จ๐ง๐š๐ฅ ๐๐ฎ๐ญ๐ซ๐ข๐ญ๐ข๐จ๐ง ๐€๐ฐ๐š๐ซ๐๐ข๐ง๐  ๐‚๐ž๐ซ๐ž๐ฆ๐จ๐ง๐ฒTumanggap ang Bayan ng Jalajala Rizal ng pagkilala sa naganap na Nut...
24/09/2025

๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ“ ๐‚๐€๐‹๐€๐๐€๐‘๐™๐Ž๐ ๐‘๐ž๐ ๐ข๐จ๐ง๐š๐ฅ ๐๐ฎ๐ญ๐ซ๐ข๐ญ๐ข๐จ๐ง ๐€๐ฐ๐š๐ซ๐๐ข๐ง๐  ๐‚๐ž๐ซ๐ž๐ฆ๐จ๐ง๐ฒ

Tumanggap ang Bayan ng Jalajala Rizal ng pagkilala sa naganap na Nutition Awarding Ceremony na ginanap sa Acacia Hotel Alabang, Muntinlupa City ngayong araw September 24, 2025.

Ang award ay tinanggap ng ating Municipal Health Officer na si Dr. Pedro Benigno M. Beltran at Municipal Nutrition Action Officer.

NUTRISYONG SAPAT, PARA SA LAHAT!

19/09/2025

๐’๐ž๐ฉ๐ญ๐ž๐ฆ๐›๐ž๐ซ ๐Ÿ๐Ÿ–, ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ“ | ๐“๐ ๐€๐œ๐ญ๐ข๐ฏ๐ž ๐‚๐š๐ฌ๐ž ๐…๐ข๐ง๐๐ข๐ง๐ 

Ang libreng Chest Xray ay parte ng ๐€๐œ๐ญ๐ข๐ฏ๐ž ๐‚๐š๐ฌ๐ž ๐…๐ข๐ง๐๐ข๐ง๐  (๐€๐‚๐…) na naglalayong palakasin ang paghahanap ng mga may kasong Tuberculosis sa komunidad. Ito ay upang mascreen at gamutin ang mga may TB at maiwasan pa ang pagkalat nito.

Ang Jalajala Municipal Health Office ay lubos na nagpapasalamat sa Rotary Club of Guiguinto at National TB Control Program at sa Pamahalaang Bayan ng Jalajala sa pangunguna ng ating butihing Mayor JARRY V. Aร‘AGO sa suporta sa pagsasagawa ng libreng chest x-ray para sa ating mga kababayan. Maraming salamat din sa mga indibidwal na ating nascreen at nabahagian ng kaalaman tungkol sa Tuberculosis.

Inaasahan po ang patuloy na pakikibahagi pa ng mga indibidwal sa mga programang ganito para sa mas Ligtas at Malusog na Komunidad.

Para sa iba pang health updates, i follow ang Jalajala Municipal Health Office official page.



๐‹๐ˆ๐๐‘๐„๐๐† ๐‚๐‡๐„๐’๐“ ๐—๐‘๐€๐˜ ๐๐€๐‘๐€ ๐’๐€ ๐Œ๐†๐€ ๐‰๐€๐‹๐€๐‹๐„ร‘๐ŽAng Philippine Business for Social Progress (PBSP) at Rotary Club of Guiguinto (R...
15/09/2025

๐‹๐ˆ๐๐‘๐„๐๐† ๐‚๐‡๐„๐’๐“ ๐—๐‘๐€๐˜ ๐๐€๐‘๐€ ๐’๐€ ๐Œ๐†๐€ ๐‰๐€๐‹๐€๐‹๐„ร‘๐Ž

Ang Philippine Business for Social Progress (PBSP) at Rotary Club of Guiguinto (RCG) ay magsasagawa ng ๐‹๐ˆ๐๐‘๐„๐๐† ๐‚๐‡๐„๐’๐“ ๐—๐‘๐€๐˜ sa SEPTEMBER 18, 2025, ๐‡๐”๐–๐„๐๐„๐’, ๐Ÿ–๐š๐ฆ-2pm na gaganapin sa ating Munisipyo.

Ang proyektong ito po ay sa pakikipagtulungan at koordinasyon ng Municipal Health Office at Office of the Mayor ng Lokal na Pamahalaan ng Jalajala sa pangunguna ni MAYOR JARRY V. Aร‘AGO upang mabigyan ng libreng serbisyo ang mga nangangailangan nating mga kababayan.

Ang libreng Chest Xray ay parte ng Active Case Finding (ACF) na naglalayong palakasin ang paghahanap ng mga kasong TB sa komunidad. Ito ay upang mascreen at gamutin ang mga may TB at maiwasan pa ang pagkalat nito. LIBRE po ang serbisyong ito para sa lahat ng may edad mula 15 years old pataas at prayoridad din po ang mga sumusunod:

* Mga Persons with Disability at Senior Citizens
* Mga nagdadialysis
* Mga naninigarilyo
* Mga nagtatrabaho sa construction at factory
* Mga magsasaka, mangingisda at drivers
* Mga nasa jails, detention center, at evacuation center
* Mga nakasama sa bahay ng taong nag-gamutan ng TB
* Mga may sakit na Diabetes, High Blood, Asthma, COPD at nagka Pneumonia
* Mga dating pasyente na nagkasakit ng TB at inuubo na muli
* Mga may kasalukuyang ubo, lagnat, nangangayayat, pinapawisan sa gabi ng higit pa sa 2 linggo

Makipag-ugnayan lamang po sa ating Municipal Health Office o sa inyong barangay nurse o midwife upang magpalista.

Samantalahin na po natin ang programang ito para mapanatiling ligtas at malusog na komunidad.

Address

1st District, Jalajala

Opening Hours

Monday 08:00 - 17:00
Tuesday 08:00 - 17:00
Wednesday 08:00 - 17:00
Thursday 08:00 - 17:00
Friday 08:00 - 17:00

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Municipal Health Office - Jalajala, Rizal posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

  • Want your practice to be the top-listed Clinic?

Share

Share on Facebook Share on Twitter Share on LinkedIn
Share on Pinterest Share on Reddit Share via Email
Share on WhatsApp Share on Instagram Share on Telegram