07/04/2026
๐ข ๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐ | ๐๐๐ซ๐๐ง๐ ๐๐ฒ ๐๐
Isinagawa ngayong araw, Abril 7, 2026, ang Buntis Congress sa Barangay IV New Barangay Hall na pinangunahan ni Brgy. Captain Kristine Trinidad, katuwang ang Lokal na Pamahalaan sa ilalim ng pamumuno ni Hon. Pedy B. Sabando, Municipal Mayor.
Layunin ng aktibidad na ito na higit pang palakasin ang Maternal and Child Care sa komunidad sa pamamagitan ng mga programa at serbisyong hatid ng Municipal Health Office.
Kabilang dito ang pagbibigay ng mahahalagang kaalaman sa tamang pangangalaga sa buntis, nutrisyon, family planning, at ligtas na panganganak.
Patunay ang Buntis Congress na ang pagtutulungan ng barangay at lokal na pamahalaan ay mahalaga sa pagkakaroon ng malusog na ina at sanggol sa ating komunidad.
๐ Sama-sama para sa ligtas na pagbubuntis at mas malusog na kinabukasan!