05/01/2026
‼️PABATID SA PUBLIKO‼️
ANO: EMERGENCY WATER SERVICE INTERRUPTION
KAILAN: January 5, 2026 / simula 2:00 ng hapon
MGA APEKTADO: Mga koneksyon ng tubig sa Brgy. Poblacion, partikular sa Purok 1, 3, 4 at 6
Ipinababatid po ng San Francisco Water District na maaaring makaranas ng mga pansamantalang paghina o tuluyang pagkawala ng daloy ng tubig ang mga koneksyon ng tubig sa Brgy. Poblacion partikular sa Purok 1, 3, 4 at 6 dahil sa PAGSASAAYOS ng mga linya ng tubig sa bahagi ng Purok 4 na maaaring magtagal ng isa hanggang dalawang oras (1-2hrs).
Ang mga kawani ng SFWD ay nagtungo na upang inspeksyunin ang linya para sa agarang pagsasaayos. Muling ibabalik ang daloy ng tubig sa oras na matapos ang mga pagkukumpuni. Pinapayuhan po lalo’t higit ang mga apektadong lugar na mag-imbak ng sapat na tubig na maaaring magamit sa mga oras na nabanggit.
Hinihiling po namin ang inyong malawak na pang-unawa.
Maraming salamat po.