05/12/2020
TINGNAN: Nakatanggap ngayong araw ang Pilipinas ng limampung tonelada ng relief goods galing sa State of Qatar para ipamahagi sa 2,500 pamilya sa lalawigan ng Cagayan at Rizal na lubhang naapektuhan ng Bagyong Ulysses (Vamco).
Opisyal na na-turn over ni Ambassador Ali Ibrahim A. I. Al-Malki ng Embassy of the State of Qatar sa Philippine Red Cross ang nasabing mga relief goods.
Ang Philippine Red Cross ang naatasang organisasyon na mangasiwa sa agarang pamamahagi ng relief goods upang masuportahan ang mga pamilyang naapektuhan ng bagyo.