02/02/2026
Madalas ka bang sumpungin ng anxiety mo?
Ganyan din ako dati gising o tulog umaatake yung anxiety ko.
May time na nagigising ako ng madaling araw umiikot paningin ko di ako makahinga napapasigaw na ko akala ko katapusan ko na.
Gusto ko na sumuko sa totoo lang ni hindi ko kayang titigan yung anak ko sa mata.
Para akong nana naginip palagi di ko alam kung may katapusan pa ba lahat kaya ang ginagawa kong gamot alak at sigarilyo.
Pero walang epekto
Pati trabaho ko na apektuhan madalas umabsent kase natatakot akong lumabas ng bahay kakaisip baka anong mangyare sakin.
Fast forward tayo sa present halos 6 years ko din dinala yung anxiety na yan kahit papano nalaman ko na pano sya labanan.
Una
Inalam ko kung pano sya nag titrigger yung sakin base sa observation ko sa maanghang, softdrinks basta kahit anong nakaka acid. Nakakalungkot kase fan talaga ako ng maanghang hahaha. Pero ngayon tumitikim na ulit ako ng mga yan
Pangalawa
Pag wala akong ginagawa yung tipong puro cellphone lang, may napanood akong video si ma'am Joyce Pring .
ang tumatak sakin na sinabi nya yung makakapanood ka ng pin4p4t4y tapos pag scroll mo may makikita kang malungkot na video, tapos makakakita ka ng recipe ng pizza, scroll ka ulit masaya naman mapapanood mo. Di naka program yung utak natin na maabsorb yun ng saglit na oras kaya mas better kung bawas oras sa socmed
Pangatlo
Pag nasa byahe ako kinakausap ko sarili ko pag nararamdaman kong aatake sya lagi kong sinasabi " Ano papatalo ka nanaman jan sa nasa isip mo? Ok ka lang wala kang karamdaman. Gusto mo ba mamuhay sa takot ? Wala ng 2nd chance di ka na makakapag sisi sa huli. Sayang yung mga araw na nag patalo ka sa takot kesa i enjoy yung buhay mo
At pinaka importante sa lahat salamat sa asawa ko na di ako iniwanan sa mga panahon na yan sya yung naging safe zone ko. sa kanya ko na ilalabas lahat ng nararamdaman ko kaya kahit papano nababawasan yung iniisip ko. Nga pala naitigil ko na rin pala paninigarilyo ko kaya bawas isipin hahaha.
Sana may naitulong ako sa inyo mga warrior ! Malalabanan nyo rin yan sabay sabay tayong mag apir sa dulo ! Kung nagawa kong labanan siguradong kaya nyo rin !
!