San Juan District Hospital

San Juan District Hospital Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from San Juan District Hospital, Medical and health, San Juan.

Ngayong Drowning Prevention Month, paalala ng Department of Health: sundin ang 5B’s para iwas-drowning at ligtas ang baw...
02/03/2026

Ngayong Drowning Prevention Month, paalala ng Department of Health:
sundin ang 5B’s para iwas-drowning at ligtas ang bawat pamilya! 🌊🛟

Bantayan ang mga bata.
Bakuran ang mga swimming pool.
Buhayin agad kung kinakailangan (alamin ang basic life support).
Bawal ang alak lalo na kapag maliligo o magbabantay.
Best behavior sa tubig — huwag magpasaway.

Sama-sama nating gawing ligtas ang bawat paglangoy. Dahil ang pag-iingat, buhay ang kapalit. 💙



🏊🤿

Happy 1st Monday of the Month ✨Kicked off the week the right way — standing tall, united, and ready to rise. 💪Here’s to ...
02/03/2026

Happy 1st Monday of the Month ✨

Kicked off the week the right way — standing tall, united, and ready to rise. 💪
Here’s to teamwork, fresh starts, and making this week more productive. 🚀

After flag raising ceremony 📷.



💚

02/03/2026
02/03/2026
02/03/2026

🔥 Ang fire safety ay kaalaman at paghahanda upang maiwasan ang sunog at maprotektahan ang buhay at ari-arian. Mahalaga ito sa bahay, paaralan, opisina, at lalo na sa mga pasilidad pangkalusugan tulad ng San Juan District Hospital na kaisa ng Bureau of Fire Protection sa pagtataguyod ng kaligtasan ngayong Fire Prevention Month.

🔎 Bakit Mahalaga ang Fire Safety?
Nakakaiwas sa aksidente at pinsala

• Nakapagliligtas ng buhay
• Nakababawas ng pinsala sa ari-arian
• Nagpapalakas ng kahandaan ng komunidad

✅ Mga Pangunahing Paalala sa Fire Safety

1️⃣ I-check ang Electrical Safety
• Huwag mag-overload ng saksakan.
• Palitan agad ang sirang kable o outlet.
• Patayin at tanggalin sa saksakan ang appliances kapag hindi ginagamit.

2️⃣ Mag-ingat sa Kusina
• Huwag iwanang nakasindi ang kalan.
• Ilayo ang mga madaling masunog sa apoy.
• Laging may takip o fire extinguisher na malapit.

3️⃣ Iwasan ang Child-Related Fire Risks
• Ilagay sa ligtas na lugar ang posporo at lighter.
• Turuan ang mga bata tungkol sa panganib ng apoy.

4️⃣ Maging Handa
• Magkaroon ng fire extinguisher at alamin ang tamang paggamit nito.
• Alamin ang pinakamabilis na exit sa inyong lugar.
• Magkaroon ng emergency contact numbers na madaling ma-access.

Ngayong Fire Prevention Month, pinaaalalahanan ang bawat isa na maging mapagmatyag at responsable upang maiwasan ang sak...
02/03/2026

Ngayong Fire Prevention Month, pinaaalalahanan ang bawat isa na maging mapagmatyag at responsable upang maiwasan ang sakuna. 🔥🚒

Kaisa ng Bureau of Fire Protection ang San Juan District Hospital sa kanilang adhikain na mapanatiling ligtas ang bawat pamilya at komunidad laban sa sunog. Sama-sama nating itaguyod ang kaligtasan — sa pag-iwas sa sunog, ’di ka nag-iisa.

Narito ang ilang paalala upang makaiwas sa sunog:
✅ Siguraduhing maayos ang mga kable at iwasan ang overloading ng saksakan.
✅ Huwag mag-iwan ng nakasinding kandila o kalan na walang bantay.
✅ Itago sa ligtas na lugar ang posporo at lighter, lalo na kung may mga bata.
✅ Patayin at tanggalin sa saksakan ang appliances kapag hindi ginagamit.
✅ Magkaroon ng fire extinguisher sa bahay at alamin kung paano ito gamitin.
✅ Alamin ang mga kailangang gawin kapag may sunog kagaya ng mga evacuation plan, emergency contact numbers at iba pa.
✅ Makilahok sa fire drill para sa dagdag na kaalaman.

Ang kaligtasan ay responsibilidad ng lahat. Maging alerto, maging handa, at makiisa sa mga programa para sa fire prevention. 🔥

Dahil sa pag-iwas sa sunog, hindi ka nag-iisa — kasama mo kami! 💙

🔥

26/02/2026
26/02/2026
Late Upload 🫣🩷Isinagawa ang isang makabuluhang Post-Valentine’s Day Celebration sa San Juan District Hospital na naglala...
26/02/2026

Late Upload 🫣🩷

Isinagawa ang isang makabuluhang Post-Valentine’s Day Celebration sa San Juan District Hospital na naglalayong maghatid ng saya, pagkakaisa, at pagmamalasakit sa loob ng institusyon.

Bilang bahagi ng selebrasyon, isinagawa ang mga sumusunod na gawain:

• Nagkaroon ng simpleng pagsasalo ng mga kawani upang higit na mapatatag ang samahan at diwa ng pagtutulungan sa lugar ng serbisyo.

• Tampok din ang pagbibigay-parangal sa mga itinanghal na Queen and King of Hearts 2026 bilang simbolo ng kasiyahan at pakikiisa sa pagdiriwang.

• Namahagi ng simpleng munting handog sa ilang pasyente bilang pagpapakita ng malasakit, suporta, at pag-alala sa kanila sa espesyal na okasyong ito.

Ang gawaing ito ay hindi lamang isang pagdiriwang, kundi isang paalala na sa kabila ng abalang tungkulin sa serbisyong pangkalusugan, may puwang pa rin para sa pagdama, pag-aaruga, at pagbibigay ng saya sa kapwa.

Sa huli, ang tunay na diwa ng selebrasyon ng Araw ng mga Puso ay ang taos-pusong pagmamahal, malasakit, at pagbibigayan na walang hinihintay na kapalit.



🩵

📌 Monthly Section Heads Meeting       Martes - February 24, 2026Matagumpay na naisagawa ang ating buwanang pagpupulong n...
26/02/2026

📌 Monthly Section Heads Meeting
Martes - February 24, 2026

Matagumpay na naisagawa ang ating buwanang pagpupulong ng mga Section Heads sa San Juan District Hospital nitong Martes, Pebrero 24, 2026 upang talakayin ang mahahalagang usapin para sa patuloy na pagpapabuti ng ating serbisyo.

🔎 Mga Tinalakay:
✅ Mga pinakabagong updates sa operasyon ng bawat departamento
✅ Mga concerns kaugnay ng manpower, kagamitan, pasilidad, at iba pa.
✅ Status ng mga ongoing programs at quality improvement initiatives
✅ Pagpapaigting ng serbisyo ng Matatag na Kalusugan para sa Matatag na Batangas.
✅Ilang mahahalagang paalala sa Lahat ng Empleyado.

Ang pagpupulong na ito ay patunay ng ating sama-samang layunin na mapanatili ang kahusayan at malasakit sa paglilingkod sa komunidad.




Address

San Juan
4226

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when San Juan District Hospital posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Practice

Send a message to San Juan District Hospital:

Share

Share on Facebook Share on Twitter Share on LinkedIn
Share on Pinterest Share on Reddit Share via Email
Share on WhatsApp Share on Instagram Share on Telegram