SMDH OPD Adult Medicine & TB DOTS

SMDH OPD Adult Medicine & TB DOTS Official page of San Marcelino District Hospital Outpatient Department - Adult Medicine and TB-DOTS Clinic

05/12/2025
28/11/2025
21/10/2025
16/09/2025

๐—ฅ๐—ข๐—ก๐——๐—” ๐—ญ๐—”๐— ๐—•๐—”๐—Ÿ๐—˜๐—ฆ | BAGONG TAGUMPAY SA SAN MARCELINO DISTRICT HOSPITAL: KAUNA-UNAHANG ULTRASOUND-GUIDED LIVER ABSCESS DRAINAGE, MATAGUMPAY NA NAISAGAWA

SAN MARCELINO, ZAMBALES โ€” Isang makasaysayang tagumpay ang naitala sa larangan ng serbisyong medikal sa lalawigan matapos maisagawa ang kauna-unahang ultrasound-guided pigtail catheter insertion para sa liver abscess drainage sa San Marcelino District Hospital noong Linggo, Setyembre 7, 2025.

Pinangunahan ang matagumpay na operasyon nina Dr. Mark Cruz (Surgeon) at Dr. Roi Zacarias (Radiologist), kasama ang medical team na sina Aris Rodin, Jet Estrella, Ana Campano, Cecille Legrama (Operating Room Nurses) at Christine Fay Ventura (Radiologic Technologist/Sonographer).

Ayon sa pamunuan ng ospital, ang procedure na ito ay isang mahalagang hakbang tungo sa ligtas at makabagong minimally invasive healthcare para sa mga pasyente. Ipinapakita nito na patuloy na lumalawak ang kakayahan ng ospital sa pagbibigay ng de-kalidad na serbisyong medikal.

Dagdag pa rito, binigyang-diin na ang makabagong kagamitan at pagsasanay ng mga espesyalista, nurses, at radiologic technologists ay bunga ng suporta ng Pamahalaang Panlalawigan ng Zambales sa pamumuno ni Governor Hermogenes E. โ€œJunโ€ Ebdane Jr.

Ang tagumpay na ito ay hindi lamang para sa San Marcelino District Hospital, kundi para sa buong Zambalesโ€”isang patunay na ang lalawigan ay handang sumulong sa larangan ng makabagong kalusugan at serbisyong medikal.

27/08/2025

๐—ฃ๐—ฎ๐—ป๐—ด๐—ฎ๐—ป๐—ด๐—ฎ๐—ป๐—ฎ๐—ธ, ๐—Ÿ๐—ถ๐—ฏ๐—ฟ๐—ฒ ๐—ป๐—ฎ ๐˜€๐—ฎ ๐—ฆ๐— ๐——๐—›, ๐—ต๐—ฎ๐—ป๐—ฑ๐—ผ๐—ด ๐—ป๐—ถ ๐—š๐—ผ๐—ฏ. ๐—๐˜‚๐—ป ๐—˜๐—ฏ๐—ฑ๐—ฎ๐—ป๐—ฒ

Bilang bahagi ng patuloy na paghahatid ng serbisyong pangkalusugan ng Pamahalaang Panlalawigan ng Zambales, libre na ang panganganak sa San Marcelino District Hospital (SMDH). Sa tulong ng PhilHealth at pagkaka-certify ng SMDH bilang โ€œMother-Baby Friendly Health Facility and Workplaceโ€ โ€” na ngayon ay ipinagdiriwang ang kanilang 1st Anniversary โ€” tiniyak na mas pinalakas at pinalawak ang mga benepisyo para sa mga ina at kanilang mga sanggol.

๐Ÿ‘‰Libre ang Normal Delivery at maging ang Operasyon sa Panganganak (CS), kahit mayroon o wala kang PhilHealth.
๐Ÿ‘‰Libre rin ang bakuna, newborn screening, at hearing test para sa bagong silang na sanggol.๏ฟฝ๐Ÿ‘‰Tinitiyak ng ospital ang isang komportable at ligtas na kapaligiran para sa mga ina at kanilang anak.๏ฟฝ๐Ÿ‘‰Libre rin ang serbisyo ng mga espesyalistang doktor, nurses at midwives, kasama ang gamot at confinement sa maayos at malamig na Service Ward.

Kung may katanungan o paglilinaw, magtungo lamang ng personal sa SMDH o tingnan ang iba pang detalye sa kanilang FB Page https://www.facebook.com/share/1BnGiuqccV/?mibextid=wwXIfr

Patunay ang malasakit ng Pamahalaang Panlalawigan ng Zambales sa pamumuno ng inyo pong lingkod GOB. JUN EBDANE, para sa kalusugan ng bawat Zambaleรฑo.

Mabuhay ang SMDH!



ฬƒo

24/08/2025

Address

San Marcelino District Hospital
San Marcelino
2207

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when SMDH OPD Adult Medicine & TB DOTS posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Practice

Send a message to SMDH OPD Adult Medicine & TB DOTS:

Share

Share on Facebook Share on Twitter Share on LinkedIn
Share on Pinterest Share on Reddit Share via Email
Share on WhatsApp Share on Instagram Share on Telegram