16/10/2025
💬 Usapang Kanser sa Balat
👩⚕️ Doc: Alam mo ba na may iba’t ibang klase ng kanser sa balat?
👩🦰 Patient: Akala ko isa lang po ‘yun, Doc!
👩⚕️ Doc Eden: Marami talaga ang ganun ang iniisip. Pero mahalagang malaman kung anong uri ng kanser sa balat ang meron ang isang tao, kasi doon nakabase kung anong gamutan ang pinakamainam.
👩🦰 Patient: Ahh, kaya pala! So saan po kadalasang lumalabas ‘yan?
👩⚕️ Doc Eden: Madalas sa mga parte ng katawan na madalas maarawan — tulad ng mukha, leeg, kamay, at braso. Pero minsan, kahit sa mga bahagi ng katawan na hindi masyadong nakikita ng araw, puwedeng magkaroon ng kanser sa balat.
---
🔹 Dalawang Pangunahing Kategorya ng Kanser sa Balat
1. Non-Melanoma Skin Cancer
Ito ‘yung mga pinakakaraniwang uri ng kanser sa balat. Dalawa ito:
Basal Cell Carcinoma (BCC) – kadalasang mabagal ang paglaki at hindi agad kumakalat, pero kailangang gamutin para hindi lumaki o masira ang balat.
Squamous Cell Carcinoma (SCC) – mas agresibo nang kaunti kaysa BCC, at kung pababayaan, puwedeng kumalat sa ibang parte ng katawan.
---
2. Melanoma
👩🦰 Patient: Eh Doc, ano naman ‘yung Melanoma?
👩⚕️ Doc Eden: ‘Yan ang pinakamapanganib na uri ng kanser sa balat. Nagsisimula ito sa mga cells na gumagawa ng melanin — ang pigment na nagbibigay kulay sa ating balat. Mabilis itong kumalat kung hindi maagapan.
👩🦰 Patient: Kaya pala sinasabi n’yong huwag pabayaan kahit maliit lang na nunal na nagbago ang itsura!
👩⚕️ Doc Eden : Tama! Ang maagang pagpapatingin at pag-iingat sa araw ay malaking tulong para maiwasan ito.
🩺 Choose comfort. Choose strength. Choose healing at EDEN Medical Aesthetic Clinic.
📍1F, Rm 1 Pe-Mesias Bldg., The Green Building, B1 Magsungay St., Purok Talaba, Brgy. Singcang, Bacolod City
📞0998 823 9568