04/02/2026
Today is WORLD CANCER DAY
My Journey with Ovarian Cancer
(MDBlog Number 7)
๐ Gumising po tayo na may sinat, masakit ang kasu kasuan, masakit ang tyan, masakit ang tuhod at medyo sinisipon - management po natin: uminom ng Paracetamol kasabay ng mga gamot na pinapainom ng Gyne Onco.
๐ Gumising din po tayo na 30% nalang ang natitira sa ating buhok. Dibale pagkatapos ng chemotherapy treatment natin ay babalik naman ang mga buhok :)
๐ Dalawang araw pagkatapos nating mag follow up check up ay hindi nanaman ako makadumi (epekto din po ng chemotherapy treatment ko, naranasan ko din po pala ito noong January, sobrang sakit ng tyan ko), kaya uminom ako ulit ng Lactulose kagabi, nakadumi na ako ngayong umaga. :)
๐ Sa follow up check up ko last February 1, ang mga resulta ng laboratory tests ko:
๐ Mababa ang WBC at neutrophils - ibig sabihin mahina resistensya ko at prone sa infection.
Mababa din ang platelet count ko.
โ
Management ng aking Gyne Onco - magpa ulit ako ng CBC with platelet count at may iinject sa akin na gamot bago at matapos ang chemo para umakyat ang WBC. Inadvise nya din ako uminom ng Ferrous sulfate every other day dahil nasa boundary sa mababa na ang Hemoglobin ko. Iwasan na magkaroon ng anemia para hindi magsalin ng dugo. Hindi ako makapag chemo pag mababa ang Hemoglobin.
โ
Management ng aking Hematologist, mag prophylaxis ako sa pamamagitan ng antibiotic upang maiwasan ang infection. Pinahold nya ang isang gamot ko para sa aking blood cancer. Magpa ulit ng CBC with platelet count. Inadvise din nya magpa injection ako ng pampataas ng WBC at neutrophils.
๐ Mataas na SGPT (enzyme sa Liver) ko
โ
kaya may binigay na gamot for two weeks.
๐ Opo mga side effects ito ng chemotherapy treatment. Wag po tayong mabahala, may mga pamamaraan po na maaaring gawin upang i- manage ito. 100% ang tiwala ko sa mga Doctors ko, sa Diyos at pati sa sarili ko. Kakayanin po natin itong lahat. Right mindset at positive thinking lang po tayo.
๐ Kahapon ng hapon, pagkatapos ko mag aral sa topic namin ng Lifestyle Medicine, ng tumayo ako sa pagkakaupo ko, halos matumba ako sa panghihina. Ganito nga marahil ang nararamdaman ng mga pasyente ko dati na nagpapa chemo. May time na pagkalakas ko, may time din na parang na uupos na kandila. Gumamit ulit ako wheelchair.
๐ Alam nyo po ang ginawa ko para ma divert ang isip ko, nanuod ako ng Korean drama/action series. ๐ Hindi ko inisip na mahina ako. Effective po. ๐ค Sa medyo late ng hapon nakakatayo na ako, nakapaglaro pa kasama ng mga a*o namin at nakapaghapunan. :)
๐ Piliin lang po natin araw araw na mag isip ng positibo. Matatapos din po ito. Don't worry much. Everything's going to be ok, in God's perfect time.
๐งโโ๏ธ Kasama nyo po ako sa laban ng cancer at chronic diseases. Hindi ko po kayo iiwan.