09/10/2025
MGA SIMPLENG PAALALA UPANG MAKAIWAS TAYO SA SAKIT NA DENGUE!
TAOB – Walang tubig, walang pugad ng lamok!
Ibaliktad ang mga timba, lata, gulong, at iba pang gamit na puwedeng pamahayan ng lamok kapag hindi ginagamit.
TAKTAK – Bawat patak ng tubig ay maaaring pamahayan!
Itaktak ang mga nakatabing tubig kada linggo. Linisin ang mga plorera, basyo, at iba pang lalagyan ng tubig upang maputol ang buhay ng kiti-kiti.
TUYO – Ang tuyong paligid ay ligtas sa lamok!
Panatilihing tuyo ang mga sulok ng bahay, bubong, alulod, at bakuran. Ang malinis at tuyong kapaligiran ay sagisag ng kaligtasan.
TAKIP – Proteksyon laban sa lamok, proteksyon sa pamilya!
Takpan ng maayos ang mga imbakan ng tubig upang hindi mapugaran ng lamok. Gumamit ng kulambo o net kung kinakailangan.
Paalala: Ang simpleng gawain araw-araw ay may malaking ambag sa pagpigil ng dengue. Maging mapagmatyag, makiisa, at maging ehemplo sa komunidad.