RHU Lebak

RHU Lebak This is the Official Page of the Rural Health Unit of the Municipality of Lebak

20/02/2024


Mahalaga sa pangkalahatang kalusugan ang oral health 😁

Maigi na alagaan ang ating ngipin, magsipilyo ng dalawang beses, sa tagal na dalawang minuto araw-araw at pumunta sa dentista para sa regular check-ups.

Ang ngiting maganda 🦷 ay kayamanang kailangang alagaan.

Para sa karagdagang impormasyon sa ating BHS and RHU healthworkers. Abangan ang serbisyong hatid ng ating municipal dentist, Dr. Sephine Emie Escaro, sa inyong barangay ngayong Oral Health Month 🤍



23/06/2023

Anong side effect ng paninigarilyo ang pinaka kinakatakutan mo?

👍(Like react) - lung cancer
❤️ (Heart react) - heart failure
😮 (Wow react) - diabetes
🥰 (Care react)- pagkabaog

Tandaan! Sa bisyo wala kang panalo. Kung may idagdag man sa poll na ito ang RHU Lebak na dapat pang katakutan na epekto ng paninigarilyo eto...

😢 (Sad react) - ang magkasakit at maospital ang inyong mga anak

Dahil hindi lang ikaw ang naaapektuhan ng paninigarilyo mo. Nadadamay din ang mga inosenteng bata dahil sa bisyo mo.

Kaya itigil na ang paninigarilyo! Dial 1558 para sa assistance mula sa ating DOH Quitline para matulungan kayo ng mga propesyonal kung paano mahihinto ang paninigarilyo at pag-v**e 🚭

Para sa isang 🤍

👚🔥📓 You can't sit with us! Sa v**e-free and smoke-free environments, bawal ang yosi sa mga pampublikong lugar. 🚭 Ngayong...
23/06/2023

👚🔥📓 You can't sit with us! Sa v**e-free and smoke-free environments, bawal ang yosi sa mga pampublikong lugar.

🚭 Ngayong No Smoking Month, sama-sama nating itaguyod ang v**e-free and smoke-free environment para sa lahat. Protektahan natin ang isa't isa mula sa panganib ng secondhand smoke and v**e!

TANDAAN: Sa v**e at sigarilyo, wala kang panalo. Quit your bisyo now! Tumawag sa DOH Quitline 1558 para sa karagdagang impormasyon.

Bisitahin ang healthypilipinas.ph para sa karagdagang impormasyon.


‼️ Hindi lamang sa barkada kundi sa ating mga munting anak ‼️Alam niyo po ba na ang pinakamaraming konsultasyon sa ating...
12/06/2023

‼️ Hindi lamang sa barkada kundi sa ating mga munting anak ‼️

Alam niyo po ba na ang pinakamaraming konsultasyon sa ating RHU ay dahil sa mga batang inuubo at tinatrangkaso? Karamihan ng mga dito ay mayroong mga magulang o kamag-anak sa bahay na naninigarilyo o nagva-v**e❗

Ang secondhand smoke sa sigarilyo at v**e ay kumakapit sa katawan at hininga... kaya kahit sa labas ng bahay ka naninigarilyo, dinadala mo pa rin ang secondhand smoke sa loob ng inyong pamamahay at lubos na naaapektuhan ang ating mga chikiting 😳

Itigil na ang paninigarilyo at pag-v**e! Hindi lamang para sa iyong sariling kalusugan, kundi para sa kalusugan ng inyong pinakamamahal na mga anak 🤍

Quit smoking and va**ng now! 🚭
Para sa isang !

☝️ 'Wag magpaloko, it's UNSAFE to v**e!

Unsafe na sa sarili, unsafe pa sa barkada!🧑‍🤝‍🧑Secondhand exposure to v**e may cause lung injury, heart disease and exposure to cancer-causing chemicals. Iwasan ang v**e at yosi para sa ikabubuti ng buong tropa!

Ang buwan ng Hunyo ay No Smoking Month 🚭 Sama-sama tayo sa isang v**e-free at smoke-free Healthy Pilipinas!

TANDAAN: Sa v**e at sigarilyo, wala kang panalo. Quit your bisyo now! Tumawag sa DOH Quitline 1558 para sa karagdagang impormasyon.

Bisitahin ang healthypilipinas.ph para sa karagdagang impormasyon.


Happy Pride Month! 🌈 🏳️‍🌈Let’s continue to promote safe and healthy spaces for our LGBTQ+ (le***an, gay, bisexual, trans...
02/06/2023

Happy Pride Month! 🌈 🏳️‍🌈

Let’s continue to promote safe and healthy spaces for our LGBTQ+ (le***an, gay, bisexual, trans, q***r plus) community to discuss sexual reproductive health and join the fight against all forms of discrimination both in online and offline environment for a




Happy Pride Month! 🌈 🏳️‍🌈

Let’s continue to promote safe and healthy spaces for our LGBTQ+ (le***an, gay, bisexual, trans, q***r plus) community to discuss sexual reproductive health and join the fight against all forms of discrimination both in online and offline environment for a Healthy Pilipinas.




"Chikiting Ligtas 2023", extended hanggang June 15, 2023! Protektahan natin ang ating mga anak laban sa tigdas at rubell...
01/06/2023

"Chikiting Ligtas 2023", extended hanggang June 15, 2023!

Protektahan natin ang ating mga anak laban sa tigdas at rubella! Makiisa sa Chikiting Ligtas 2023 na handog ay libre, ligtas, at epektibong mga bakuna.

Kung may kakilala pa tayo na hindi pa napapabakunahan ang kanilang Chikiting na 9 months hanggang less than 5 years old ng dagdag bakuna kontra tigdas at rubella ay hikayatin na sila na magtungo lamang sa pinakamalapit na mga health center at vaccination site. Siguraduhin ang kaligtasan ng ating mga chikiting! Para sa isang ! 💪

"Chikiting Ligtas 2023", extended hanggang June 15, 2023!

Protektahan natin ang ating mga anak laban sa tigdas, rubella, at polio! Makiisa sa Chikiting Ligtas 2023 na handog ay libre, ligtas, at epektibong mga bakuna.

Magtungo lamang sa pinakamalapit na mga health center at vaccination site, at ating siguruhin ang kaligtasan ng ating mga chikiting!

Patuloy na umaarangkada ang paghahanda para sa implementasyon ng Universal Health Care sa lalawigan ng Sultan Kudarat, k...
23/05/2023

Patuloy na umaarangkada ang paghahanda para sa implementasyon ng Universal Health Care sa lalawigan ng Sultan Kudarat, kabilang ang ating minamahal na bayan.

Sa ilalim ng R.A. 11223 o Universal Health Care Act of 2019, ay mas komprehensibo ang mga serbisyong pangkalusugan, mas pangmatagalan ang mga solusyon sa mga problema ng ating healthcare system, at mas nakatutugon ito sa mga pangangailangan ng bawat mamamayan, lalo na sa mga nasa laylayan at mahirap abutin ng mga serbisyo.

Maraming salamat Mayor Frederick F. Celestial sa pagdalo sa pagpupulong na ito upang mapag-usapan ang pagsasaayos ng mga polisiya at programang pangkalusugan tungo sa mas mabuti at malawak na serbisyong pangkalusugan sa ating bayan.

Patuloy na magsusumikap ang Municipal Health Office at ang bawat opisina at ahensiya ng Municipal Government of Lebak para sa ikauunlad ng kalusugan ng bawat Lebakeño.

Dahil ang kalusugan ay karapatan ng bawat tao
Para sa isang 🤍

23/05/2023

Isang mensahe mula sa kagalang-galang na pangulo ng Pilipinas 🇵🇭

Siguraduhing protektado ang inyong pinakamamahal na anak mula sa malalang sakit. Kung mayroon pa tayong kilala na hindi pa napapabakunahan ang kanilang Chikiting edad 9 months hanggang less than 5 years old ngayong Mayo ng bakuna kontra tigdas at rubella ay hikayatin natin sila na magpabakuna na sa ating mga barangay health centers. Lapitan lamang ang inyong BHW o barangay midwife/nurse.

Sama-sama, tulong-tulong bawat isang Pilipino 🤝
Para sa isang

Walang sawang nagpapatuloy ang inyong mga healthcare workers para masiguradong   ang bayan ng Lebak! Sa pagsisikap ng at...
16/05/2023

Walang sawang nagpapatuloy ang inyong mga healthcare workers para masiguradong ang bayan ng Lebak!

Sa pagsisikap ng ating mga barangay midwives, nurses, BHWs, RHU staff, stakeholders and partners sa gobyerno at pribadong sektor, ay palapit tayo ng palapit sa ating goal na makamit ang herd immunity laban sa banta ng outbreak ng tigdas at rubella.

Kung mayroon pa kayong kamag-anak, kapitbahay, ka-trabaho o kakilala na hindi pa napapabakunahan ang kanilang mga Chikiting edad 9 months old hanggang less than 5 years old ay hikayatin na natin sila na magpabakuna na. Dahil walang ni-isang bata ang dapat magdusa o mamatay sa mga sakit na maaaring maiwasan ng mga bakuna na LIBRE at AVAILABLE sa ating mga health centers.

Magtanong lamang sa inyong barangay health team ukol sa schedule ng bakunahan sa inyong lugar.

Walang bundok ang hindi tatahakin, walang ilog ang hindi tatawirin, walang init ng panahon o lakas ng ulan ang makakapigil sa dedikasyon ng inyong healthcare workers madala lamang ang serbisyo sa inyong lugar..

Para sa isang 🤍

Mahilig ka bang sumunod sa mga trending dance craze? Pwes, ito na ang pagkakataon mong ibida ang iyong paghataw at magin...
16/05/2023

Mahilig ka bang sumunod sa mga trending dance craze? Pwes, ito na ang pagkakataon mong ibida ang iyong paghataw at maging isa sa 20 winners ng 2,500 pesos!

Para sumali sundin lamang ang 3 steps na ito:

1. Gumawa ng 30 second o 1 minute dance video gamit ang official Chikiting Ligtas choreography mula sa of Health Eastern Visayas http://bit.ly/ChikitingLigtasDanceCraze at official Chikiting Ligtas jingle http://bit.ly/ChikitingLigtasJingle

2. Isulat sa inyong caption kung bakit nga ba mahalaga ang pagpapabakuna laban sa measles, rubella, at polio para sa ating mga chikiting!

3. I-post ang video sa Facebook at Tiktok gamit ang ating hashtags na (para sa mga taga-Lebak...isama na rin ang ). Siguraduhing naka-public ang inyong posts!

Top 20 videos na may pinakamaraming reacts ang mananalo! Kaya ano pang hinihintay mo? Hanggang Mayo 31 lang ito kaya ayain na ang mga chikiting at sumali sa Chikiting Ligtas Dance Craze.

Para sa kumpletong mechanics at terms and conditions, bisitahin ang link na ito - http://bit.ly/ChikitingLigtasFullMechanics (Tignan ang comments below 👇)





Mahilig ka bang sumunod sa mga trending dance craze? Pwes, ito na ang pagkakataon mong ibida ang iyong paghataw at maging isa sa 20 winners ng 2,500 pesos!

Para sumali sundin lamang ang 3 steps na ito:

1. Gumawa ng 30 second o 1 minute dance video gamit ang official Chikiting Ligtas choreography mula sa of Health Eastern Visayas http://bit.ly/ChikitingLigtasDanceCraze at official Chikiting Ligtas jingle http://bit.ly/ChikitingLigtasJingle

2. Isulat sa inyong caption kung bakit nga ba mahalaga ang pagpapabakuna laban sa measles, rubella, at polio para sa ating mga chikiting!

3. I-post ang video sa Facebook at Tiktok gamit ang ating hashtags na . Siguraduhing naka-public ang inyong posts!

Top 20 videos na may pinakamaraming reacts ang mananalo! Kaya ano pang hinihintay mo? Hanggang Mayo 31 lang ito kaya ayain na ang mga chikiting at sumali sa Chikiting Ligtas Dance Craze.

Para sa kumpletong mechanics at terms and conditions, bisitahin ang link na ito - http://bit.ly/ChikitingLigtasFullMechanics





Mula sa Kagawaran ng Kalusugan (DOH) taos-puso ang aming pasasalamat at pagkilala sa lahat ng ina sa buong mundo ngayong...
14/05/2023

Mula sa Kagawaran ng Kalusugan (DOH) taos-puso ang aming pasasalamat at pagkilala sa lahat ng ina sa buong mundo ngayong Mother's Day.

Sa bawat ilaw ng tahanan na nagsilbi nating unang nars, doktor, na sa kanyang mga haplos lahat ng sakit ay maaaring mapawi, anuman ang itawag sayo, anuman ang itsura at mukha ng pagiging ina sa mundo - walang papantay sa pagmamahal mo.

09/05/2023

BakuNanay at PapaVaccine, alam niyo ba na ang pagpapabakuna ninyo sa inyong Chikiting ay hindi lamang personal na proteksyon sa inyong minamahal na anak, kundi proteksyon din para sa mas malawak na komunidad?

Panoorin ang video na ito para sa impormasyon tungkol sa herd immunity - ang pamamaraan para maprotektahan ang buong komunidad, lalo na ang mga hindi pa maaaring makatanggap ng bakuna💉

Pabakunahan na ang inyong Chikiting edad 9 months hanggang less than 5 years old sa pinaka malapit na Barangay Health Station ngayong buwan ng Mayo para

Tulong-tulong at sama-sama para sa isang 🤍

Video credits: The Royal College of Pathologists
Translated into Tagalog by: Hannah Lydia Bernardo, MD

Municipal Government of Lebak
Provincial Health Office-Sultan Kudarat
DOH - Center for Health Development Soccsksargen Region

Address

Lebak

Opening Hours

Monday 08:00 - 17:00
Tuesday 08:00 - 17:00
Wednesday 08:00 - 17:00
Thursday 08:00 - 17:00
Friday 08:00 - 17:00

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when RHU Lebak posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

  • Want your practice to be the top-listed Clinic?

Share

Share on Facebook Share on Twitter Share on LinkedIn
Share on Pinterest Share on Reddit Share via Email
Share on WhatsApp Share on Instagram Share on Telegram