27/01/2026
SwiftSaver Drug
METRONIDAZOLE ay hindi pain reliever para sa sakit ng tyan at gamot sa pagtatae.
Kadalasan ay may bumibili sa gamot na ito kase daw sumasakit ang tyan at nagtatae.
Ito po ay isang klase nang Antibiotic na kinakailangan ng Reseta mula sa Doctor. Ginagamit ito para sa paggamot ng iba't ibang impeksyon na dulot ng anaerobic bacteria at protozoa. Karaniwan itong ginagamit sa impeksyon sa tiyan (amoebiasis), impeksyon sa ari ng babae, at ilang uri ng impeksyon.
Magpakonsulta muna sa Doctor para malaman kung ano ang dahilan ng pananakit ng tyan at pagtatae o magtanong sa mga Pharmacist kung ano ang pwede na alternative na gamot.