08/11/2025
๐ANO ANG INSOMNIA?
Ang insomnia ay isang sleep disorder. May insomnia ka kung nahihirapan kang matulog, madaling magising kapag natutulog at hirap nang bumalik sa pagkakahimbing, sobrang aga kung magising sa umaga at laging nakakaramdam ng pagod at parang hindi nakatulog at nakapagpahinga.
Ang kakulangan sa tulog at pahinga ay maaaring makaapekto sa iyong araw-araw na buhay. Laging aantukin sa umaga at laging walang lakas. Maaari itong makaapekto sa tamang pag-iisip at pagfocus sa ginagawa. Maaari rin itong magdulot ng depression o mabilis mainis at mairita.
Ang ay maaaring mild o servere depende kung gaano katagal ito nararanasan. Ang acute insomnia ay short-term sleep problem na may kaugnayan sa stressful o traumatic na pangyayari sa buhay ng isang tao. Tumatagal ito ng ilang araw hanggang ilang linggo. Ang chronic insomnia ay sleep problem na nararanasan ng at least 3 gabi sa isang linggo. Mas lumalala ang insomnia habang tumatanda ang isang tao.
Mas madalas magkaroon ng insomnia ang mga babae dahil na rin sa hormonal changes tuwing nagkakaroon ng buwanang dalaw ang mga babae. Ang mga babaeng buntis at malapit nang mag menopause ay nakakaranas din ng insomnia
๐Ano ang dahilan ng insomnia?
May dalawang klase ng insomnia.
โ๏ธAng primary insomnia ay isang sakit at hindi lamang sintomas. Maaari itong maranasan nang panghabangbuhay o maaaring matrigger ng pagbyahe, trabaho, stress o mga bagay na nakakasira sa iyong tulog.
โ๏ธAng secondary insomnia ay isang sintomas o side effect ng ibang bagay. Ito ang madalas na nararanasang insomnia ng mga tao. Ang secondary insomnia ay maaring dulot ng depression o anxiety, chronic pain mula sa fibromalgia, migraine at arthritis, heartburn, sleep apnea, stroke, Alzheimer's disease o menopause. Maaari rin itong maging resulta ng pag-inom ng gamot sa asthma, heart problems, allergies at sipon. Maaari rin itong maranasan sa pag-inom ng kape at alkohol at paggamit ng tabako.
๐Paano maiiwasan ang insomnia?
1. Subukang magkaroon ng parehong oras ng pagtulog at paggising kada araw.
2. Iwasan ang kape, ni****ne at alcohol sa gabi.
3. Mag-ehersisyo ngunit huwag gawin kapag malapit nang matulog sa gabi.
4. Kumain ng hapunan 2 hanggang 3 oras bago matulog.
5. Matulog sa madilim, tahimik at malamig na kwarto.
6. Magrelax bago matulog. Maaaring magbasa ng libro, makinig sa musika at maligo bago matulog. Kung hindi makatulog sa loob ng 20 minuto ng pagkakahiga, tumayo at umupo muna o pumunta sa ibang kwarto. Magbasa o gumawa na tahimik na activty hanggang makaramdam ng antok pagkatapos ay bumalik ulit sa pagtulog.
7. Kung hindi makatulog dahil iniisip ang mga gagawing bagay kinabukasan, gumawa ng to-do list bago matulog para hindi na ito iisipin pa bago matulog.
8. Iwasan ang paggamit ng mga gagdets 30 minuto bago matulog
Message me for inquiries & orders ๐ฉโผ๏ธ
โ ๐๐๐ค๐
๐ฑ09263652416
๐๐๐จ๐ฆ ๐บ๐ธ ๐ฒ๐พ ๐ธ๐ฌ ๐ต๐ญ ๐ฌ๐ง๐ฎ๐ช๐จ๐ฆ๐ต๐ญ๐๐๐๐ฏ
Http://www.myintrasite.com/mhine40