11/03/2026
‼️ AWARENESS SA LAHAT NG PARENTS ‼️
"Akala ko tulog lang si baby, pero hindi na siya gigising" 😭
Habang naka-scroll ako nung isang gabi, napanood ko itong balita sa 24 Oras Weekend. Isang baby boy, 1 year old pa lang, ang pumanaw habang natutulog. 😩
At hanggang ngayon, hindi ko pa rin maalis sa isip ko ‘yung kwento ng nanay niya.
Kwento nung mommy, around 9:00 PM daw, dumede pa si baby pagkatapos mag-dinner. Tapos pinatulog niya — nakadapa, kasi ‘yun ang nakasanayan. Tahimik. Mahimbing. Wala namang signs na may masama.
Pero 12:40 AM, nagising si mommy — hindi dahil umiiyak si baby, kundi dahil pakiramdam niya, naiihi siya. Pagtingin niya sa k**a, andun si baby… still nakadapa.
Naamoy niyang parang nag-poop si baby, kaya nilapitan niya. Nung tinihaya niya, ramdam daw niya agad na parang lantay na si baby. 🥲
Hindi gumagalaw. Binuksan niya ang ilaw, ngunit
violet na ang labi ni baby.🥹 Dali-dali nila siyang isinugod sa ospital… Pero hindi na siya na-revive.💔
Base sa d3ath certificate, ang kaso ni baby ay “aspiration pneumonia.” 😔
🩻 Ayon sa Doctor, habang natutulog nang nakadapa, nasuffocate siya. At gaya ng natural response ng katawan kapag hindi makahinga — masus**a tayo.
Pero dahil nakadapa siya, hindi niya nailabas ‘yung s**a.
Instead, napunta ito sa lungs niya — puno ng fluid at pagkain, kaya ‘yun ang naging sanhi ng pneumonia at pagkawala niya.
At ito ‘yung sobrang mahalagang paalala sa ating mga ka-Mommies:
⚠️ Studies show na ang tummy sleeping ng babies can block their airways.
⚠️ Minsan nalalanghap nila ‘yung sarili nilang hininga (rebreathing), na pwedeng magpababa ng oxygen at magpataas ng carbon dioxide sa katawan — delikado ito lalo na sa mga infants.
⚠️ At dahil babies can't easily turn themselves to a safer position, lalo silang at risk.
Kaya gusto ko lang ulitin ‘yung sinabi ni mommy ni baby sa balita:
“Akala ko safe siya kasi sanay siyang matulog nang nakadapa… hindi ko alam, iyon na pala ang dahilan ng pagkawala niya.” 😭💔