03/08/2025
Hindi kaba umiinom ng FOLIC ACID
Ano ang folic acid?
Ang folic acid ay isa sa mga pregnancy vitamins na inirerekomenda ng mga OB-Gyn
Mahalaga ang bitaminang ito para maiwasan ang mga birth defects gaya ng neural tube defect o problema sa gulugod pagkapanganak.
Kaya sa oras na malaman mong ikaw ay buntis, o nagbabalak palang magbuntis, simulan mo na agad ang pag-take ng vitamins na ito o mga pagkain na mayaman sa Folic Acid.
Kailan dapat simulan ang pag-take ng folic acid?
Dapat inumin ang folic acid sa unang 12 linggo ng pagbubuntis.
Kung natigil ang iyong pag-inom ng folic acid sa unang 12 linggo ng iyong pagbubuntis, bumalik agad sa pagkonsumo nito hangga’t maaari.
Saan nakakakuha ng Folic Acid?
Gulay
Mga pagkain gaya ng mga mabeberdeng gulay - gaya ng pechay, kangkong, asparagus, at spinach. Ang mga ito ay hindi lang mayaman sa folate o folic acid, binababaan din ng mga pagkaing ito ang risk ng cancer.
Itlog
Mayaman sa folic acid ang itlog. Ito rin ay may lutein na mainam na panlaban sa iba’t-ibang eye disorders. May antioxidants para manatiling healthy ang mga cells ng iyong katawan.
Prutas
Ang mga citrus fruits tulad ng lemon, orange, grapefruit, at lime ay nakakatulong sa
development ng iyong baby at nakakapagpalakas pa ng iyong resistensiya dahil mayaman din ito sa Vitamin C.
Mani o Almond
Marami ang health benefits ng pagkain ng mani o almond dahil mayaman ito sa minerals at protina na kailangan ng iyong katawan.
Pregnancy Vitamin Supplements
Dahil marami ang kailangang nutrients ng mga nagbubuntis, kailangang sabayan ng mga pregnancy vitamins ang mga kinakaing nilang prutas at gulay.