12/11/2025
Alam mo ba? Nagsisimula ang kalusugan ni baby sa kung paano mo inaalagaan ang sarili mo habang buntis.
Sa panahong ito, bawat kain, galaw, at check-up mo ay may direktang epekto sa paglaki at pagdebelop ni baby kaya importante ang tamang gabay!
Narito ang mga dapat tandaan sa pagbubuntis:
👉 Kumain ng balanseng pagkain at nasa moderasyon – siguraduhing may Go (kanin, tinapay), Grow (isda, itlog, munggo), at Glow (gulay, prutas) foods sa bawat araw.
👉 Uminom ng prenatal supplements gaya ng iron at folic acid — ayon sa payo ng doktor o midwife.
👉 Huwag kalimutan ang regular check-ups. Magpaprenatal check-up ng 1 beses sa unang trimester, 2 beses sa second trimester, at 5 beses sa ikatlong trimester.
👉 Maging aktibo. Maglakad-lakad o mag-ehersisyo nang ligtas, basta approved ni doc.
👉 Iwasan ang alak, sigarilyo, at maling paniniwala. Kung may duda, laging kumonsulta sa health center.
Tandaan: hindi mo kailangang “kumain para sa dalawa.” Ang mahalaga ay kumain nang masustansya at hindi sobra.
At kapag may kakaibang nararamdaman tulad ng panlalabo ng paningin o pagdurugo, agad bumisita sa pinakamalapit na health facility.
Naniniwala ka ba ang bawat araw ng pagbubuntis ay pagkakataon para palakasin ang pundasyon ng buhay ni baby?