13/01/2020
"Sharing is Caring."
Hi, ako po ay si Cherry Ann Nuevo-Langta, taga Ligao City,Albay. Ako ay maysakit na LUPUS. Sa hindi po familiar sa sakit na ito..Ito po ay Chronic Auto-Immune Disease na inaatake ng sarili mong katawan ang sarili mong tissue at organs. Kaya po ang katawan namin ay namamaga, mga buto, at pati ang utak, puso at lungs ay pwedeng maapektuhan.
Kaya naman po kailangan buwan-buwan itetest ng dr namin ang internal organs namin para matiyak na nagpa function pa ito ng normal. Sa totoo lang po kung wala kang pampagamot sa sakit na ito, madali ka pong mamatay. May kaibigan po ako na hindi nga nag ilang buwan namatay po sya kaagad. At meron din po akong pinsan na namatay na din po. Kakalungkot po ang mga pangyayaring iyon kasi kaparehas ko po sila ng sakit. Pero sobrang pinapasalamat ko po sa Panginoon na kahit po mahirap ang buhay namin sila mama at papa ko pati po ibang mga kapatid nila mama at papa. Andyan po para suportahan po ako. 18 years old po ako nung ma diagnose ng sakit na ito. Si papa ay isang magsasaka at si mama naman po may sari-sari store dito sa bahay. Yun lang po ang pinagkakakitaan ng mga magulang ko pero ginagawan po nila ng paraan para po mapaggamot po talaga ako. Dumadating po ang time na wala po talaga kaming pambayad sa doctor ko at kapal mukha na lang po kami pumupunta at sinasabing uutangin muna ang check up pati gamot.Buti na lang po at mabait ang dr ko kaya pinagbibigyan po kami. Hanggang dumating po yung sobrang namaga po ako, akala po sa school ko buntis ako kasi manas na manas po katawan ko. At ang pinakamalungkot ang sabi ng dr ko wag na akong papasok kasi di ko na kakayanin. Sobrang sakit na po ng mga buto ko kaya hirap na hirap po ako kapag aakyat sa hagdanan ng university namin. Pero sabi ko po, ayoko mag stop, graduating na po kasi ako nun sa college. March na kaya konting tiis na lang at gagraduate na po ako. Walang naggawa ang dr ko kasi po talagang lagi lang akong positive. Dumating yung time na gumawa ng stage play mga classmates ko at yung mabebentang ticket ibibigay nila sakin pampagamot. Sobrang pasalamat talaga ako sa ating Maykapal na binigyan ako ng mga kaibigang may mga mabubuting kalooban. Hanggang sa nakagraduate po ako at nakahanap kaagad ng trabaho. Hindi ko po sinasabi sa work ko na maysakit ako kasi kapag sinabi mong maysakit ka, kahit hindi nakakahawa iiwasan ka.
At isa sa naging work ko kailangan ko lumayo kila mama at papa kasi doon ako iaasign. Ayaw na ayaw ni mama kasi di nya daw ako mababantayan. Pero dahil sabi ko gusto ko magwork para makatulong na din sa kanila pinayagan naman ako. Pero pasaway ako, hindi ko ininom mga gamot ko at dumating ang oras na naconfine ako. Sabi nila mama almost 8 days ako comatose. Akala ng lahat mamamatay na ako. Pero sa tulong ng mga panalangin ng lahat ng taong nagmamahal sakin at mga kapatiran ay nakabangon ako at naka recover.
Naghanap ulit ako ng trabaho na malapit lang dito sa bayan namin kasi alam ko di na talaga ako papayagan nila mama at papa. Natanggap ako at napromote pa nga hanggang sa naging manager ako at walang nakakaalam kahit isa na maysakit ako. Sa 5 taon na yan pabalik balik lang ako sa dr ko hanggang sa dumating sa buhay ko ang aking mahal na asawa. Nung magkita kami sobrang panget ko talaga. magang maga ang mukha ko pero minahal nya kung gaano ako kapanget. Sobrang iksi ng buhok ko kasi pinahaircut ko sya na maiksi kasi nga naglagas ang buhok ko. Yung buhok panlalaki kasi kailangan na putulan kasi sobrang nipis na talaga. Di na nga ako naglalalabas ng bahay kasi nahihiya na ako sa itsura ko pero may isang taong minahal ako kahit ganun ang situation ko. Ikinasal kami at binigyan ng isang baby boy. Blessings yun kasi sa sakit ko bihira daw na controlled ang sakit at sakin controlled yung sakit ko. Hindi man lang ako nahirapan nung magbuntis ako at nung manganak ako normal pa. Salamat sa Poong Maykapal at healthy baby boy pa ang dumating sa buhay namin. Walang kahit anong sakit pagkatapos gawin yung Baby Screening. Diretso lang ang gamutan ko at pagpapacheck up sa dr ko. Hanggang sa kinuha na kami ng asawa ko dito sa Bicol at sa Maynila na kami nanirahan kasi doon sya nagtatrabaho. Ayoko din magstay lang sa bahay kasi alam ko mahal ang mga gamot ko kaya kailangan ko tumulong sa asawa ko kasi yung family ko kailangan ko din suportahan kasi nag aaral pa kapatid ko. Sobrang pasalamat ko sa asawa ko kasi sya na sumagot ng pagpapaaral sa nag-iisa kong kapatid. Naghanap ako ng trabaho at natanggap naman kaagad. May kasama lang kami sa bahay na nagbabantay sa anak namin. Walang may alam ng sakit ko sa trabaho kasi sa medical hindi naman malalaman na may Lupus ka. Diretso lang gamutan ko. Pero wala namang nangyayari, kapag babalik ako sa dr ko wala naman binabawas sa gamot ko kundi dinadagdagan pa. Sobrang laki lagi ng bill ko sa mga laboratory ko pero buti na lang at may health card akong ginagamit. Hanggang sa pinaresign ako ng asawa ko kasi ayaw nya lagi umuuwi ng late kasi nga yung condition ko.
Naghanap ulit ako ng panibagong trabaho at natanggap ulit ako.Inabot ako ng 4yrs pero dumating yung oras na kailangan ko ng i give-up work ko kasi bumigay na katawan ko. Di kasi ako makakain sa tamang oras kaya di ko mainom ng tama sa oras mga gamot ko. Di na ako makatulog sa gabi sa sobrang sakit ng ulo ko at paggising ko masakit pa rin kasi walang masyadong tulog pero pinipilit ko pa din pumasok. Nagkaroon na din kasi ako ng hypertension. Isa yun sa mga sakit na lumalabas kapag may lupus ka. Hanggang sa nagdecide na asawa ko na magresign na ko. Natatakot sya na kapag papasok ako kung bigla na lang daw ako matumba sino aalalay sakin. Nanghinayang ako sobra dahil matagal na din ako sa work ko at inisip ko din na solo na magtatrabaho asawa ko.
Naging fulltime mom na ako, ako na ang kasama ng anak ko sa bahay at naiiwan lang ako kapag nasa school na sya. Diretso pa din gamutan ko pero nagsabi ang dr ko na kailangan ko na ipa biopsy yung kidney ko para malaman kung anong stage na ang sakit ko. Ginawa namin yun at 20% na ng kaliwang bahagi ng kidney ko ang damaged na. Pasalamat ako dahil ang sabi ng dr wala daw ako dapat ipag alala kasi may 80% pa daw na ok. Pero kung iisipin natin hindi yun ok kasi hindi na kumpletong maayos talaga ang kidney. Sa loob ba naman ng 12 taon umiinom ako ng mga synthetic na gamot kaya yung kidney ko na ang naapektuhan. Hanggang sa nagdecide na asawa ko at pinauwi na kami dito sa Bicol kasi buwan ng Agosto last year dinala ulit ako sa hospital at inabot ako ng 9 araw doon. Natatakot syang iwan ako mag-isa sa bahay. Nasobrahan kasi sa dosage ng gamot yung katawan ko kaya naconfine na naman ako. Sobrang pasalamat ako sa mga taong tumulong samin nung mga oras na iyon.
Pagbalik ko dito sa Bicol diretso pa din gamutan ko, every month laboratory and check up pero wala namang nababago sa results ko kahit sinusunod ko naman lahat ng resetang gamot. At buwan ng Hulyo, nagsend ng video yung Tita ko kasi sabi daw sa kanya ng Uncle ko baka makatulong daw sakin. Sinend nya yung video ni AJ Palmos, isa sa may mga sakit na Lupus dati kagaya ko pero dahil sa pag inom ng Santè Barley juice,sa loob ng 3 buwan dineclare ng dr na Lupus free na sya, Thank you Lord. Kaya ang ginawa ko minessage ko si AJ at nagtanong ako sa kanya panu sya gumaling at sinabi ko na may lupus din ako. Ayun nagstart na syang magtawag sakin, kinwento nya mga napagdaanan nya. At sinabi ko na tulad nya gusto ko ring gumaling at mawala na lahat ng mga synthetic medicines na iniinom ko kasi alam ko naman na kidney ko talaga ang maaapektuhan. Kaya sobrang pasalamat ako kay Tita at Partner AJ dahil sa kanila nakilala ko ang Barley products.
Ngayon po ayan na ang katawan ko mula nung uminom ako ng Sante Products na pampalakas ng immune system. Higit sa lahat nagpapasalamat ako sa Poong Maykapal dahil sa mga taong ito naipakilala sakin ang produktong ito at ngayon po ay wala na ako kahit isang gamot na iniinom. 🤗 Dati po kapag itinigil ko ang mga gamot ko, namamaga kaagad ang katawan ko at nananakit mga buto ko pero po ngayon salamat Panginoon at wala akong anumang nararamdaman. At dahil dito marami din akong taong matutulungan na gumaling at mas lalong lumakas ang pangangatawan.
Salamat ng marami sa SANTE BARLEY!!! Higit sa lahat salamat Diyos naming lahat
Pwede nyo pong ishare ang testimony ko para makatulong pa lalo sa marami.
Maraming-maraming salamat po.
Ang Panginoon ang magbabalik ng pagpapala sa mga taong gustong tumulong.