16/05/2019
Akala mo simpleng sakit ng tyan o hyperacidity lang? Baka naman ulcer na yan. Alamin natin dito:
Ano Ang Ulcer?
Ang ulcer ay "sugat" sa loob ng tiyan. Maaaring ito ay gastric ulcer o duodenal ulcer. Kung ikaw ay may gastric ulcer, ito ay ulcer sa stomach organ. Samantalang ang duodenal ulcer naman ay ulcer sa mataas na parte ng small intestine.
Sintomas Ng Ulcer
Bagamat may iba't ibang uri ng ulcer, narito ang mga sintomas ng ulcer sa pangkalahatan:
*Pananakit ng tiyan mula pusod hanggang dibdib na parang humihilab
*Pananakit ng tiyan tuwing gabi
*Paglaho ng pananakit ng tiyan kapag kumain
*Mas matinding pananakit ng tiyan kapag walang nakain
*Pabalik-balik na pananakit ng tiyan
*Pagsusuka o nasusuka
*Puno ng hangin ang tiyan
*Acid reflux
*Heartburn
Sintomas Ng Malalang Ulcer
Kapag malala na ang iyong ulcer, ang mga sintomas na makikita sayo ay ang mga sumusunod:
*Pagsuka ng may dugo
*Pagdumi ng may dugo o maitim yung dumi
*Pamumutla (anemia)
*Pagkahilo
Bakit Nagkakaroon Ng Ulcer?
Nagkakaroon ng ulcer ang isang tao dahil sa mga sumusunod:
* Bacteria na H. pylori
* Matagal o palagiang pag-inom ng NSAIDs o pain relievers
Kapag may H.pylori, numinipis ang "lining" ng tiyan kaya naman kapag nadikitan ng asido sa loob ng tiyan ay nakakaramdam ng pananakit.
Iba Pang Sanhi O Mga Nagpapalala Ng Ulcer
Ang pinaka-sanhi talaga ng pagkakaroon ng ulcer ay ang bacteria na H. pylori, pero kadalasan, ang mga sumusunod ay isa rin sa mga pinaniniwalaang sanhi o nagpapalala ng ulce