18/12/2025
TIPS PARA HINDI BUMAGSAK SA MEDICAL
“Mahal ang pangarap — pero mas mahal ang medical kapag bumagsak ka.”
Bago ka magpa-medical, ihanda mo muna ang katawan mo.
Hindi puwedeng bahala na — dahil bawat resulta may epekto sa deployment mo.
1️⃣ Iwasan ang alak (1–2 weeks before)
• Alcohol nagpapataas ng liver enzymes (SGPT, SGOT)
• Madalas cause ng review o fit after treatment
Tip: Tubig muna, hindi tagay.
2️⃣ Iwasan ang puyat
• Nakakaapekto sa BP, sugar, at immune system
• Mas mataas chance ng high BP sa clinic
3️⃣ Control ang pagkain (3–5 days before)
Iwasan:
Matataba, matatamis, fast food, softdrinks, chichirya,
mataas sa uric (balat ng manok, sardinas, tuyo)
Kumain ng:
Gulay, isda, oatmeal, saging, light meals, maraming tubig
4️⃣ Hydrate well
• 8–10 glasses/day
• Iwas concentrated urine na dahilan ng bagsak sa urinalysis
5️⃣ Stop smoking (kahit pansamantala)
• Nakakatulong sa lung function
• Iwas abnormal findings sa X-ray
6️⃣ Bawas muna sa super bigat na workout
• Overtraining = mataas CPK = medical hold
• Light exercise lang muna
7️⃣ Check BP bago medical day
• Maraming bumabagsak dahil di alam na mataas BP
• Pahinga + tubig + iwas stress
8️⃣ Iwasan ang stress at overthinking
• Nakakaapekto sa BP at heart rate
• Medical lang ‘to, hindi exam
9️⃣ Dalhin ang previous medical records
• Iwas repeat tests at delay
• Importante kung may past TB, pneumonia, surgery
🔟 Matulog nang maaga bago medical
• Tulog = normal vitals
• Puyat = borderline results
1️⃣1️⃣ Iwasan supplements (3–5 days before)
• Creatine, pre-workout, fat burners → kidney markers
• Baka magmukhang may problema kahit wala
1️⃣2️⃣ Bantayan ang timbang
• Crash diet = abnormal labs
• Sobrang taba = risk sa BP at sugar
1️⃣3️⃣ Sundin ang fasting instructions
• 8–10 hours fasting
• Tubig lang — walang kape, candy, chewing gum
1️⃣4️⃣ Huwag magsinungaling sa medical forms
• Mas lalong hahaba proseso
• Honesty = mas mabilis clearance
1️⃣5️⃣ Dalhin maintenance meds kung meron
• I-explain agad sa doctor
• Controlled ≠ disqualified
🔔 Paalala
Ang medical ay hindi kalaban.
Ito ay paalala kung kumusta na ang katawan mo.
Hindi tayo forever malakas — kaya alagaan mo ang sarili mo habang maaga.