24/11/2018
Seryosohin ang pangangalaga sa ating katawan, at pagbantay sa wasto nating timbang.. Ang labis n katabaan ay may masamang naiidulot sa ating katawan.
Ang sumusunod ay ilan sa mga kilalang sakit na may koneksyon sa sobrang katabaan.
1. Sakit sa puso
Mas mataas ang posibilidad na mamuo at mabarahan ang mga ugat na nagsusuplay ng dugo sa puso (coronary artery) sa mga taong may sobrang timbang. Dahil dito, mas tumataas din ang posibilidad na makaranas ng pananakit ng dibdib (angina) o kaya naman ay atake sa puso.
2. Altapresyon
Mas tumataas din ang pagkakaranas ng altapresyon o pagtaas ng presyon ng dugo kung ang timbang ay mananatiling sobra sa normal. Kaugnay nito, maaaring makaranas ng iba’t ibang sintomas gaya ng pagkahilo at pamamanhid ng katawan. Dahil din sa altapresyon, mas tumataas din ang panganib ng stroke at pagkakaroon ng pinsala sa iba’t ibang bahagi ng katawan.
3. Stroke
Ang stroke ay ang kondisyon kung saan ang napipigilan ang maayos na pagdaloy ng dugo sa utak. Maaring dahil ito sa pagbabara ng mga ugat o kaya naman pagputok ng ugat sa utak. Maaaring ikamatay ang pagkakaranas nito o kaya ay magdulot ng pagkabaldado ng kalahiti ng katawan. Siyempre pa, ang mga taong obese ay may mas mataas na panganib na makaranas ng stroke.
4. Diabetes
Ang diabetes ay ang sakit kung saan nawawala ang abilidad ng katawan na kontrolin ang lebel ng asukal sa dugo. Dahil dito, maaaring tumaas nang husto o kaya’y bumagsak nang husto ang lebel ng asukal sa dugo, at pareho itong may masamang epekto sa kalusugan. Karamihan sa mga taong may malalang kondisyon ng daiabetes ay may mataas ding timbang.
5. Kanser
Higit na mataas din ang posibilidad ng pagkakaroon ng kanser, partikular ang kanser sa bituka (colon cancer), dibdib (breast cancer), mares (endometrial cancer), sa mga taong matataba at sobra ang timbang.
6. Osteoarthritis
Dahil sa sobrang bigat na dinadala ng katawan, maaaring makaranas ng arthritis o pananakit ng mga kasukasuan sa katawan. Nadadagdagan kasi ang pasan-pasan na bigat ng mga kasukasuan at napapabilis ang pagkasira ng mga kalamnan na nakapalibot dito.
7. Hirap sa paghinga habang tulog (Sleep Apnea)
8. Bato sa apdo
9. Pagkabaog
10. Sobrang kolesterol sa dugo