18/10/2025
Just like anything in life, if the price of dental treatment is too good to be true, magduda ka naman please! π
BABAENG NAG-AALOK NG ILEGAL NA SERBISYONG DENTAL, ARESTADO SA ENTRAPMENT OPERATION SA BAYAN NG DAET
Daet, Camarines Norte β Matagumpay na nasakote ng mga tauhan ng Camarines Norte Provincial Cyber Response Teamβ RACU5, katuwang ang Daet Municipal Police Station, ang isang babae na umanoβy sangkot sa pag-aalok ng ilegal na serbisyong dental sa isinagawang entrapment operation dakong alas-2:00 ng hapon nitong Oktubre 17, 2025, sa Brgy. Mancruz, Daet, Camarines Norte.
Kinilala ang suspek sa alyas βRosa,β 25 anyos, babae, at nasa hustong gulang. Ang operasyon ay pinangunahan ni PCPT EDWIN L MAPULA, Team Leader ng RACU5 at Intel/Investigation Officer ng Daet MPS, katuwang ang isang lisensyadong dentista na miyembro ng Philippine Dental Association (PDA) β Camarines Norte Chapter.
Isinagawa ang operasyon sa ilalim ng pangkalahatang superbisyon ni PLTCOL GILBERT E REMO, Acting Chief ng RACU5, upang patunayan ang umanoβy ilegal na gawain ng suspek. Nahuli ang suspek matapos makipagtransaksyon sa isang operatiba na nagpanggap na kliyente para sa paglalagay ng dental brace sa napakamurang halaga kahit wala itong kaukulang lisensya.
Matapos ang pagkakaaresto, ipinaalam sa suspek ang kanyang mga karapatan (Miranda Warning) sa wikang kanyang nauunawaan at agad siyang dinala sa Daet MPS para sa wastong dokumentasyon at kaukulang disposisyon.
Patuloy namang pinapaalalahanan ng kapulisan ang publiko na umiwas sa mga nag-aalok ng ilegal na dental o medikal na serbisyo at tiyakin na ang kanilang pinagkukuhanan ng ganitong serbisyo ay lisensyado at kwalipikadong propesyonal, upang maiwasan ang panganib sa kalusugan at kaligtasan.