MHO Virac HEALTHline

  • Home
  • MHO Virac HEALTHline

MHO Virac HEALTHline Ang page na ito ay may layuning tugunan ang health-related concerns ng mga Viracnon ngayong panahon

ALAMIN 🧐Sa darating na MAYO 2023 ay magkakaruon ng malawakang Measles Rubella-Oral Polio Vaccine Supplemental Immunizati...
19/04/2023

ALAMIN 🧐

Sa darating na MAYO 2023 ay magkakaruon ng malawakang Measles Rubella-Oral Polio Vaccine Supplemental Immunization Activity (MR-OPV SIA) ang Municipal Health Office Virac para sa mga kabataang edad 0-59 buwan para sa Oral Polio Vaccine (OPV) at 9-59 buwan para sa Measles-Rubella Vaccine (MR).

Pamilyar man ang Measles/Tigdas at Polio sa atin, huwag natin itong baliwalain lalo na sa panahon ng COVID-19 pandemic.

Protektahan ang iyong chikiting laban sa Tigdas at Polio sa tulong ng pagpapabakuna.

19/04/2023
11/10/2020
30/08/2020

PHYSICAL DISTANCING lang ba sa CoVID-19?
Ni Dr. Iris Thiele C. Isip Tan

Ang table na nakalakip sa post ay galing sa isang pag-aaral na nalathala sa British Medical Journal nitong 25 ng Agosto lamang. Tiningnan nito kung saan nanggaling ang rekomendasyon ng isa hanggang dalawang metrong distanya para makaiwas sa CoVID-19.

https://www.bmj.com/content/370/bmj.m3223

Pag-aralan mabuti ang table. Ang daming matututunan sa table! Ang berdeng kulay ibig sabihin, mababa ang tsansa na mahawahan ng CoVID-19. Ang dilaw, medium o medyo mataas ang tsansa na mahawahan ng CoVID-19. Ang p**a, napakataas ng tsansa na mahawahan ng CoVID-19.

Makikita sa table na may ilang bagay na maaaring makaapekto sa transmission o paglipat lipat ng sakit na CoVID-19, at hindi lamang ito physical distancing.

1. Force of emission o gaano kalakas tumilapon ang sipon o laway mula sa taong may CoVID-19.
Tahimik lang ba siya at hindi nagsasalita? Pero humihinga siya kaya puwedeng may mga tilamsik pa rin na lumalabas. Kaya kung titingnan ninyo ang table, hindi lahat ng nakalagay na “silent” ay green. Mas dumadami ang dilaw at p**a sa table kung nagsasalita na at lalo na kung sumisigaw at kumakanta kasi mas maraming posibleng talsik o tilamsik ang puwedeng mangyari.

2. Kung may suot na mask o wala.
Kung may suot na mask, mas maraming kulay green sa table. Ibig sabihin, mas mababa ang tsansa na makahawa kung ang taong may CoVID-19 ay nakamask kahit siya pa ay sumisigaw o kumakanta. Pansinin kung kelan nagiging dilaw o p**a sa table, kahit na nakasuot ng mask. At ang konti talaga ng kulay green kung walang suot na mask.

3. Kung ang contact sa mga tao ay sandali lang o matagal.
Mas matagal makasalamuha ang maysakit, mas kumukonti ang green at dumadami ang dilaw at p**a.

4. Bentilasyon
Nasa labas ba kayo nag-uusap kung saan maganda ang bentilasyon? Nasa loob pero maganda ang bentilasyon, bukas ang mga bintana o pinto? O nasa loob ba ng kuwarto na kulob, walang bintana o nakasara ang bintana at pinto? Tingnan ang mga kulay p**a sa table. Kahit may mask kung sumisigaw o kumakanta at nasa lugar na kulob o di maganda ang bentilasyon (tingnan ang column na “poorly ventilated” sa table), kulay p**a o mataas ang tsansa na magkaroon ng transmission o paglipat lipat ng sakit.

5. Occupancy o gaano karaming tao ang magkakasama
Mas maraming tao ang magkakasama (tingnan ang column ng “high occupancy” sa table), mas higit na marami ang dilaw at p**a sa table.

Pero sabi ng mga authors ng study, marami pang puwedeng makaapekto sa pagkalat ng sakit na wala dito sa table. Halimbawa, ang viral load o ilang virus ang nakasakay sa talsik o tilamsik ng laway o sipon? Meron kasing mga may CoVID-19 na maraming dalang coronavirus at meron namang konti lang ang dala. Depende rin daw sa susceptibility o kung gaano kadaling mahawa ng sakit ang tao dahil sa mahina ang resistensya ng katawan, kung gaano karaming coronavirus ang nilalabas ng taong may CoVID-19 (yung shedding), at kung nasaan ka sa kuwarto nung magkasama kayo ng taong may CoVID-19 (dahil factor din ang air flow o daloy ng hangin).

AT ang table na ito ay patungkol sa transmission o paglilipat lipat ng CoVID-19 sa mga taong walang sintomas (asymptomatic). Kaya dapat talaga ang pag-iingat natin, yung kilos natin ay yung parang tayo mismo ang may CoVID-19 at ayaw nating makahawa ng iba.

Ingat po tayong lahat! Ipagdasal natin ang Pilipinas.

12/07/2020

Address


4800

Opening Hours

Monday 09:00 - 16:00
Tuesday 09:00 - 16:00
Wednesday 09:00 - 16:00
Thursday 09:00 - 16:00
Friday 09:00 - 16:00

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when MHO Virac HEALTHline posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

  • Want your practice to be the top-listed Clinic?

Share

Share on Facebook Share on Twitter Share on LinkedIn
Share on Pinterest Share on Reddit Share via Email
Share on WhatsApp Share on Instagram Share on Telegram