11/29/2025
Matagumpay na naisagawa noong November 22, 2025 ang Libreng Eye Screening sa Casiguran District Hospital, katuwang ang Premiere Eye Center.
Layunin ng programang ito na maagang matukoy ang anumang kondisyon sa mata upang agad mabigyan ng nararapat na lunas o gabay bago pa ito lumala.
Patuloy na magsisilbi ang Casiguran District Hospital, kasama ang mga katuwang na institusyon at ang Provincial Government of Aurora na pinamumunuan ni Gov. Isidro P. Galban , sa pagbibigay ng serbisyong tapat, may malasakit, para sa Sigla at Galak ng bawat mamamayan ng Aurora.