02/24/2024
Wag Tayong Maging Carnivore Zealots
Yan ang mga tao na yung halos gawing kulto o relihiyon na ang Carnivore Diet. Hate na hate nila ang mga halaman. Marami raw toxins. Nakaka cancer daw. Marami raw anti nutrients gaya ng lectins, phytates, oxalates, gluten, etc.
Parang vegetables na ang pinakamasama at unhealthy sa balat ng lupa. Wag ganyan.
👉Listen: ANG CARNIVORE DIET AY ELIMINATION DIET
May conditions na best na tanggalin na muna ang pagkain ng halaman. May mga food sensitivities sila, food allergies, FODMAP sensitivity, tapos napunta sa chronic inflammation, leaky gut, auto immune disorders at diseases and gut issues. Marami itong mga gut issues na to: IBD, IBS, SIBO, GERD, LPR, Gastritis, Diverticulitis, Colitis, yeast overgrowth, candida overgrowth, etc.
Sa kanila, it is best to remove ALL plants altogether for the meantime until their symptoms resolve. Dyan pumapasok ang elimination diet ng Carnivore. It is very very effective.
Habang nag Carnivore Diet, magbasa at palakihin ang pagunawa sa ano ba talagang mga halaman ang masama sa ating kalusugan, gaya ng mga seed oils (corn coil, sunflower oil, soyabean oil, canola), ultra processed foods, refined carbs with high Glycemic Index (rice, sugar, starch/wheat flour).
Subalit kung umayos na ang mga sintomas, wala nang pamamaga, hindi na bloated, hindi sumasakit ang tyan, hindi nag acid reflux, wala nang anxiety at panic attacks, then PWEDE NA ULIT na i reintroduce slowly, habang inoobserbahan ang reaksyon ng tyan mo sa bawat kinakain mo ulit, ang pagkain ng mga halaman.
Best plants ay yung mga packed ng antioxidants, polyphenols, soluble fiber, vitamins at minerals like the green, leafy, and cruciferous vegetables, tomato, anti inflammatory herbs and spices (eg. bawang, luya, sibuyas, turmeric, paminta, oregano, etc), cacao, coffee, etc.
👉Very beneficial ang magkaroon ng ibat ibang KULAY sa ating pinggan para sa ating HEALTHY GUT MICROBIOME.
Yes, grabe ang mga health benefits ng Carnivore Diet. Yan din ang pinakasimpleng paraan ng pag Low Carb at Keto Diet. Hindi na magtatanong pa kung pwede ba raw ang brown rice, o prutas. Carnivore Diet is just eating meat, and add some salt.
But:
WE ARE NOT MEANT TO EAT PURE MEAT FOREVER.
Let us not be Carnivore zealots.
I wish you Health ♥️
Disclaimer: This information is for educational purposes only, including all my comments, suggestions, and opinion. It is not practise of medicine and professional nutrition. It is not intended as a substitute for medical diagnosis or treatment. You should not use this opinion or general information to diagnose or treat your health problem or condition. Please always consult with your doctor.