Kapelusugan

Kapelusugan Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Kapelusugan, Medical and health, West Avenue corner EDSA, .

Ang pinakabagong medical talk and public service program sa Radio Veritas 846 kHz na mapapakinggan tuwing Sabado, 8:00 AM - 9:00 AM, ukol sa kape, kalusugan, pamumuhay at mga kuwento ng buhay.

KILALANIN ANG MGA INTERNATIONAL CELEBRITIES NA MAHILIG SA KAPE, KASAMA KAYA ANG INIIDOLO MO?Alam na natin mga ka-Jimm's ...
30/10/2020

KILALANIN ANG MGA INTERNATIONAL CELEBRITIES NA MAHILIG SA KAPE, KASAMA KAYA ANG INIIDOLO MO?

Alam na natin mga ka-Jimm's na minsan ay naging endorser ng Jimm's Coffee Mix ang mga artista nating sina Gladys Reyes-Roxas, kanyang asawa na si Christopher Roxas, at si Kapitana Angelika Dela Cruz.

Pero kilala mo ba ang mga international celebrities na bukod sa kanilang kasikatan ay "certified coffee lover" din?

Para malaman mo kung sinu-sino ang mga bigating personalidad na 'yan, samahan sina Doc Hilda Ong at Jerry Epac sa "Health Bulletin" segment ng KAPELUSUGAN mamayang alas-8:00 hanggang alas-9:00 ng umaga sa Radio Veritas 846 kHz na mayronn ding live streaming sa Veritas846.ph.

Sa mga photos na nasa ibaba, mahuhulaan mo ba kung sinu-sino ang mga celebrities na mahilig sa kape. Subukan mo.

Bukod diyan, may iba pang balitang pangkalusugan kung paanong sa pag-inom ng kape ay makakaiwas sa pagkakaroon ng Parkinson's Disease at mga balita buhat sa Visayas region na ihahatid ni councilor Vincent Robles mula sa Iloilo City.

Kaya samahan sina Doc Hilda at Sir Jerry sa masarap na pagkakape at kuwentuhan sa KAPELUSUGAN na mapapanood din sa pages ng Jimm's Coffee Mix, sa TV Radio Hilda Ong at sa personal FB ni Doc Hilda na "Hilda Ong".

Sa mga ka-Jimm's natin sa lalawigan ng Rizal, narito ang listahan ng outlets kung saan ay mayroong nakalaang drop box pa...
28/10/2020

Sa mga ka-Jimm's natin sa lalawigan ng Rizal, narito ang listahan ng outlets kung saan ay mayroong nakalaang drop box para sa "MAG-JIMM'S COFFEE, MAG-CASH ... SWERTE RAFFLE PROMO" na ang deadline ng paghuhulog ng mga entries ay sa December 15, 2020 habang ang Grand Draw ay sa December 22, 2020.

LIKE AND SHARE MO, LOAD MO"Winners for Week 5
26/10/2020

LIKE AND SHARE MO, LOAD MO"
Winners for Week 5

PRINSIPE DADALAW SA "KAPELUSUGAN" NGAYONG SABADO NG UMAGA, OCTOBER 24, 2020Samahan sina Dra. Hilda Ong at Sir Jerry Epac...
23/10/2020

PRINSIPE DADALAW SA "KAPELUSUGAN" NGAYONG SABADO NG UMAGA, OCTOBER 24, 2020

Samahan sina Dra. Hilda Ong at Sir Jerry Epac sa kanilang pag-estima at pakikipag-kuwentuhan kay Datu Agong / Aljun Cayawan, ang Prince of the Manobo, sa KAPELUSUGAN ngayong Sabado ng umaga, October 24, 2020, mula alas-8:00 hanggang alas-9:00 ng umaga sa Radio Veritas 846 an mayroon ding live streaming sa Veritas846.ph sa kaparehas na oras.

Alamin ang naging pagtatagumpay ni Datu Agong mula sa diskriminasyon at kawalan ng oportunidad na karaniwang nararanasan ng mga katutubo sa bansa. Ang hirap at pait na pinagdaanan ay lalo lamang nagpatibay sa kanya kung kaya naman siya ay naging modelo, pageant winner, at wagi ng mga medalya sa World Championship of the Performing Arts (WCOPA) sa Los Angeles, California, USA noong 2018.

Abala din si Datu Agong sa kanyang mga proyekto para sa kanyang mga kapwa Manobo sa Sibagat, Agusan del Sur katulad ng "Sagip Katribu" at "Adopt Katribu", nagsasagawa din siya ng mga feeding program para magkaroon ng sustansiya ang mga batang Manobo.

Bagamat nasa Kamaynilaan, hindi kailanman nalimot ni Datu Agong ang napakagandang sining, kultura at kalinangan ng mga Manobo buhat sa Sibagat. Sa kanyang mga pagtatanghal bilang bahagi ng Earthsavers DREAMS Ensemble ay naipapakita niya ito at nakapagabibigay pugay siya sa kanilang magiting na lahi.

Alinsunod sa Presidential Proclamation No. 1906 na nilagdaan ni dating Pangulong Gloria Macaoagal Arroyo ay kinikilala ang buwan ng Oktubre simula taong 2009 bilang National Indigenous Peoples Month sa ating bansa.

Ipagmalaki ang natatanging kalinangan ng 110 katutubong grupo sa Pilipinas.

HEALTH BULLETIN:PAG-INOM NG KAPE, IWAS SA PAGKAKAROON NG MGA BATO SA APDO AYON SA PAG-AARALBatay sa isang pag-aaral na n...
21/10/2020

HEALTH BULLETIN:
PAG-INOM NG KAPE, IWAS SA PAGKAKAROON NG MGA BATO SA APDO AYON SA PAG-AARAL

Batay sa isang pag-aaral na nalathala sa Journal of Internal Medicine, ang madalas na pag-inom ng kape ay nakababawas sa tsansa sa pagkakaroon ng gallstones o mga bato sa apdo.

Sa sinuring 104,493 na mga indibidwal na kapwa umiinom at hindi ng kape, nakita na ang mga taong hanggang anim na tasa sa bawat araw ay nabawasan ng 23 lower risk na magkaroon ng symptomatic gallstones kumpara sa mga hindi talaga umiinom ng kape.

Habang ang nakaka-isang tasa lamang ng kape bawat araw ay mayroon lamang lower risk level na three percent (3%).

Ang pagkakaroon ng mga bato sa apdo ay isang “common digestive diseases”, bagamat madali itong tanggalin sa pamamagitan ng operasyon, maaari itong maging life-threatening kapag pinabayaan dulot ng infection sa apdo o sa atay.

Tinatayang, nasa 16 katao lamang ang nakararanas ng sintomas sa bawat isangdaang tao. Bagamat wala pang eksaktong bilang, dumarami ang nagkakaroon ng gallstones sa mga Pilipino dala ng lifestyle ayon sa Department of Health.

ANCHORS NG 'KAPELUSUGAN', DALAWANG BESES GINULAT NG GUEST Nitong October 17, 2020 edition ng health talk and public serv...
19/10/2020

ANCHORS NG 'KAPELUSUGAN', DALAWANG BESES GINULAT NG GUEST

Nitong October 17, 2020 edition ng health talk and public service program na KAPELUSUGAN, dalawang beses na nagulat ang mga anchors ng programang sina Dra. Hilda Ong, Jerry Epac at Joel Daray sa phone patch guest nitong si Brian Cruz, isang social influencer at certified Jimm's Coffee Mix user and lover mula sa Rodriguez, Rizal.

Hindi maka-paniwala ang tatlong program anchors ng malaman nilang tatlong taong nagtrabaho si Cruz bilang embalsamador mula taong 2015 hanggang 2017.

Pagbabahagi ni Cruz, nagustuhan niya ang pagsasaayos ng mga namayapa dahil no'ng bata pa siya ay madalas siyang nanonood ng pag-embalsamo sa katabi nilang funeral house. Kaya nag-aral siya nito at nagkaroon ng lisensiya.

Dagdag pa ni Cruz, pamamaraan niya ito para makapagdulot ng kasiyahan sa pamilya ng namayapa at sa mismong taong namatay na rin na maging maayos at presentable sa huling pagkakataon bilang pagbibigay respeto dito.

Pangalawang ikinagulat ng mga anchors ng sabihin ni Cruz na mula September 8, 2020 kung kailan nagsimula ang "Mag-Jimm's Coffee, Magka-Cash ... Swerte Raffle Promo" ay nakatipon na siya ng higit kumulang 500 entries sa loob lamang ng limang Linggo, at ihuhulog niya ito sa drop box na nasa Radio Veritas bago ang December 15, 2020 deadline.

Kung sakaling siya ang papalaring manalo ng Php 500,000 na grand prize o kaya ng Php 25,000 sa pinakamalaking pa-raffle ngayong panahon ng COVID-19 global pandemic ay balak ni Cruz na magbahagi sa Radio Veritas para diumano ay maipagpatuloy nito ang gawain nitong magpalaganap ng pananampalataya.

Para sa kumpletong interview kay Cruz, mapapanood ito dito sa fan page na ito, KAPELUSUGAN, o kaya naman ay sa FB pages ng Jimm's Coffee Mix o TV radio Hilda Ong.

Ang KAPELUSUGAN ay napapakinggan sa Radio Veritas at napapanood via live streaming sa Veritas846.ph tuwing Sabado, alas-8:00 hanggang alas-9:00 ng umaga sa No. 3 AM Radio Station sa bansa, ang Radio Veritas, hatid ng Goldshine Pharmaceuticals, Inc. na siyang gumagawa ng Jimm's Coffee Mixes at iba pang herbal products.

Mga ka-Jimm's, Kapanalig o napadaan lang sa FB fan page na ito. Alam mo ba na may simple at murang paraan para makaiwas ...
16/10/2020

Mga ka-Jimm's, Kapanalig o napadaan lang sa FB fan page na ito. Alam mo ba na may simple at murang paraan para makaiwas sa pagkakaroon ng mga bato sa apdo o 'yong tinatawag na Gallbladder stone?

Samahan bukas, Sabado, October 17, 2020, sina Doc Hilda Ong, Jerry Epac at Joel Daray at isa ito sa mga tampok na balita sa "HEALTH BULLETIN" segment ng natatanging health talk and public service program sa himpapawid, ang KAPELUSUGAN, na napapakinggan sa Radio Veritas 846 at napapanood via live streaming sa Veritas846.ph mula alas-8:00 hanggang alas-9:00 ng umaga, hatid ng Goldshine Pharmaceuticals, Incorporated, makers of Jimm's Coffee Mix, ang masarap at masustansiyang kape na paborito ng maraming Pilipino.

Kita kits sa makabuluhang kuwentuhan bukas ng umaga ...

Address

West Avenue Corner EDSA

1104

Telephone

+9615524009

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Kapelusugan posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Practice

Send a message to Kapelusugan:

  • Want your practice to be the top-listed Clinic?

Share

Share on Facebook Share on Twitter Share on LinkedIn
Share on Pinterest Share on Reddit Share via Email
Share on WhatsApp Share on Instagram Share on Telegram