About Us Girls

  • Home
  • About Us Girls

About Us Girls This page aims to help our fellow women learn about everything from reproductive health to newborn c

Sali na girls sa webinar ngayong gabi! Let's talk about infertility, when, where and how to reach out. Knowledge is powe...
15/06/2023

Sali na girls sa webinar ngayong gabi! Let's talk about infertility, when, where and how to reach out. Knowledge is power! 💪💪💪🫄🤱👪

See you tonight! 🥰
click here to watch: https://fb.watch/laB_govB5P/

https://m.facebook.com/story.php?story_fbid=613847084143392&id=100065543167769&mibextid=DcJ9fc

June is World Infertility Awareness Month. 🧡💚

To raise awareness and support couples impacted by infertility, the Philippine Society for Reproductive Medicine will hold a virtual lay forum on June 15, 2023, Thursday at 6-7 PM.

Register to join via Zoom:
https://bit.ly/psrm2023june15 or livestream via our official page: PSRMEduc.

Please share.

Are you planning to get pregnant? Here are some tips for a breeze-free pregnancy. It is also advisable to consult your O...
14/02/2021

Are you planning to get pregnant? Here are some tips for a breeze-free pregnancy. It is also advisable to consult your OB for preconceptional counseling to optimize your health condition prior to pregnancy.

P.S. It is best to complete your immunization prior to pregnancy as some live vaccines are not advisable during pregnancy. A mother’s immunity is passed along her baby for both their protection.

Ang PCOS ay isang komplikadong kondisyon. Dahil sa mga hormonal imbalance, maraming komplikasyon ang dala nito. Bukod sa...
06/02/2021

Ang PCOS ay isang komplikadong kondisyon. Dahil sa mga hormonal imbalance, maraming komplikasyon ang dala nito. Bukod sa irregular na regla, ang mga may PCOS ay hirap din mag buntis. Kalimitan ay kaakibat din ito ng diabetes at mataas na cholesterol. Isa din siya sa mga risk factor ng pagkakaroon ng kanser sa lining ng matres.

Gaya nga ng nabanggit, ang PCOS ay may iba’t ibang pwedeng maging sintomas at maraming maaaring maging komplikasyon. Kailangan ng LIFESTYLE MODIFICATION (kumain ng masustansyang pagkain, regular na mag-ehersisyo, at magpababa ng timbang) at uminom ng gamot depende sa mga sintomas - pills para magregular ang regla, metformin para ma-control ang timbang at sugar, at pampaitlog kung nahihirapan magbuntis.

KUMONSULTA PO SA INYONG DOKTOR para malaman kung anu ang natatamang gamot para sa inyo.

Marahil marami sa ating mga kababaihan ang nagtatanong kung “may PCOS ba ako?”; “Mabubuntis pa ba ako kahit may PCOS ako...
06/02/2021

Marahil marami sa ating mga kababaihan ang nagtatanong kung “may PCOS ba ako?”; “Mabubuntis pa ba ako kahit may PCOS ako?”

Ano nga ba ang mga sintomas ng PCOS o polycystic ovarian syndrome?

Ang mga karaniwang sintomas ay:
1. irregular na regla,
2. mabuhok o mabalbon na mukha at katawan,
3. hirap makabuo ng baby,
4. pagtaas ng timbang,
5. at oily skin o maraming pimples sa mukha.

Kung meron po kayo ng mga ganitong sintomas, mainam na kumonsulta sa doktor at HUWAG mag “self-diagnose” ng inyong sakit.

Magpapasko na. Binabati po namin kayo ng Maligayang Pasko! Hindi kailangan ng magarbong handa. Ang importante ay sama-sa...
24/12/2020

Magpapasko na. Binabati po namin kayo ng Maligayang Pasko! Hindi kailangan ng magarbong handa. Ang importante ay sama-sama at ligtas ang buong pamilya. Mag-iingat po tayong lahat! 🙏🏻

Hey girls! Thank you for all your support! The goal of this page is to share information on women’s health and everythin...
22/12/2020

Hey girls! Thank you for all your support! The goal of this page is to share information on women’s health and everything else. We also hope to learn from you so let’s make this page as interactive as possible. For a starter, get to know the girls behind About Us Girls. 😊

Ikaw ba ay nasabihan ng iyong doktor na HIGH RISK? Anu nga ba ang ibig sabihin nito? Alamin at basahin ang ibig sabihin ...
19/12/2020

Ikaw ba ay nasabihan ng iyong doktor na HIGH RISK? Anu nga ba ang ibig sabihin nito? Alamin at basahin ang ibig sabihin nito dito sa post na ito.

Ang pagiging HIGH RISK ay nangangahulugang mas mataas ang tyansang magkaroon ng komplikasyon ang pagbubuntis.

Upang masigurado ang kaligtasan mo at ng iyong baby, kumonsulta agad sa iyong OB. 👌🏻

‼️10 DANGER SIGNS OF PREGNANCYAlamin kung ano ang mga sintomas na kailangang bantayan kung ikaw ay buntis. Ang panlalabo...
19/12/2020

‼️10 DANGER SIGNS OF PREGNANCY

Alamin kung ano ang mga sintomas na kailangang bantayan kung ikaw ay buntis.

Ang panlalabo ng mata, pagsakit ng ulo at pagsakit ng sikmura ay mga sintomas na maaaring TUMATAAS ANG IYONG BLOOD PRESSURE.

Ang pagdurugo o pagputok ng panubigan lalo na kung kulang pa sa buwan ay delikado para sa iyo at sa baby. Kapag kabuwanan mo na, maaari namang nangangahulugan na nagle-labor ka. Ang malakas na pagdurugo ay HINDI NORMAL.

Ang masakit na pag-ihi o pagkakaroon ng lagnat ay maaaring dahil sa impeksyon. Ang impeksyon ay maaaring mahantong sa preterm labor kaya dapat itong gamutin.

Kung hindi malikot si baby, maaaring magbilang ng FETAL MOVEMENT o KICKS. Dapat ay maka-10 sipa o galaw sya sa loob ng DALAWANG ORAS. Kung hindi, magsabi po agad sa inyong OB.

Ang pagmamanas sa mga binti ay normal lalo na kapag lumalaki ng ang tiyan. SUBALIT ang sobrang pagmamanas lalo na kung kasama ang mga kamay at mukha ay HINDI NORMAL.

KUNG MAYROON KA NG ALINMAN SA MGA ITO AY KUMONSULTA AGAD SA IYONG OB.

Buntis ka ba o nag dududa? Alamin natin ang mga impormasyon tungkol sa pagbubuntis. 🕵️
19/12/2020

Buntis ka ba o nag dududa? Alamin natin ang mga impormasyon tungkol sa pagbubuntis. 🕵️

Nakakasama sa sanggol ang anumang level ng alcohol sa kahit anong trimester. Ito ay pumapasok sa dugo ng sanggol sa pama...
19/12/2020

Nakakasama sa sanggol ang anumang level ng alcohol sa kahit anong trimester. Ito ay pumapasok sa dugo ng sanggol sa pamamagitan ng placenta. Maaari itong magdulot ng Fetal Alcohol Syndrome, kung saan may facial deformities ang sanggol, mababang timbang, low IQ, hyperactive behavior, o attention deficit.

Mainam na kumain ng masustansyang pagkain habang buntis, ngunit iwasan rin ang sobrang dami ng pagkain. Karagdagang 500 ...
19/12/2020

Mainam na kumain ng masustansyang pagkain habang buntis, ngunit iwasan rin ang sobrang dami ng pagkain. Karagdagang 500 calories lang ang kailangan bawat araw. Umiwas din sa mga pagkaing mataas ang sugar content upang hindi magkaroon ng Gestational Diabetes Mellitus. Magpatest ng fasting blood sugar at 75-gram oral glucose tolerance test gaya ng payo ng inyong OB-GYN.

Address


Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when About Us Girls posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

  • Want your practice to be the top-listed Clinic?

Share

Share on Facebook Share on Twitter Share on LinkedIn
Share on Pinterest Share on Reddit Share via Email
Share on WhatsApp Share on Instagram Share on Telegram