Kidney Corner by Philippine Society of Nephrology

  • Home
  • Kidney Corner by Philippine Society of Nephrology

Kidney Corner by Philippine Society of Nephrology Free KIDNEY HEALTH TIPS and INFORMATION mula sa mga kidney experts ng Philippine Society of Nephrology. message us at: secretariat@psn.org.ph
(1)

Alamin ang tungkol sa mga sakit sa kidneys at paano alagaan ang ating mga kidneys.

Ayon sa mga doctor, mas mabuti ang kumain ng husto sa umaga para sa enerhiya at metabolismo. Almusal: Kumain sa loob ng ...
15/10/2025

Ayon sa mga doctor, mas mabuti ang kumain ng husto sa umaga para sa enerhiya at metabolismo.

Almusal: Kumain sa loob ng 1-2 oras pagkagising para simulan ang metabolismo at magbigay ng enerhiya.

Tanghalian: Kumain 4-5 oras pagkatapos ng almusal. Ang maagang tanghalian ay nakakatulong sa mas mahusay na metabolismo at pamamahala ng timbang.

Hapunan: Kumain ng 2-3 oras bago matulog para sa maayos na pagtunaw at maiwasan ang pagkaabala sa tulog.

Merienda: Kung ang agwat ng pagkain ay higit sa 4-5 oras, isang maliit na balansadong merienda na may protina, fiber, at malusog na fats ang makakatulong.

Prevention is better than cure. Sa pamamagitan ng tamang nutrisyon, healthy lifestyle, at regular check-up, maiiwasan ang Chronic Kidney Disease (CKD).

Alam mo ba na puwede mong gamitin ang iyong kamay para sukatin ang tamang dami ng pagkain?✔️ Daliri → 1 kutsarita (butte...
12/10/2025

Alam mo ba na puwede mong gamitin ang iyong kamay para sukatin ang tamang dami ng pagkain?

✔️ Daliri → 1 kutsarita (butter o spread)

✔️ Hinlalaki → 1 kutsara (peanut butter o dressing)

✔️ Kamao → 1 tasa (kanin o ice cream)

✔️ Palad → 3 oz na karne (tamang serving ng ulam)

Simple, praktikal, at laging kasama mo!

Prevention is better than cure. Sa pamamagitan ng tamang nutrisyon, healthy lifestyle, at regular check-up, maiiwasan ang Chronic Kidney Disease (CKD).

Mga pagkaing pwedeng pagpilian para sa isang masustansyang diet:Grains or carbohydrates  (¼ ng plato) • ½ cup kanin • 1 ...
08/10/2025

Mga pagkaing pwedeng pagpilian para sa isang masustansyang diet:

Grains or carbohydrates (¼ ng plato)
• ½ cup kanin
• 1 cup noodles
• 2 hiwa ng tinapay (9x8x1 cm bawat isa)
• 3 pirasong pandesal (5x5 cm bawat isa)
• ½ cup mais
• 1 cup oatmeal

Protein / Protina (¼ ng plato)
• 3 ounces o kasinlaki ng matchbox
• Lean beef (sirloin/lomo)
• Manok
• Isda
• Itlog

Gulay (½ ng plato)
1 serving = ½ cup nilutong gulay
• Sitaw
• Repolyo
• Ampalaya
• Mais
• Pipino
• Letsugas
• Sibuyas
• Baguio beans
• Spinach
• Labanos
• Kalabasa

Prutas (1 maliit na piraso o ½ cup)
• Saging
• Abokado
• Ubas
• Orange
• Pinya
• Mansanas
• Mangga
• Pakwan
• Melon
• Peras
• Kaimito
• Chico

Mga Opsyon para sa Meryenda (Snacks)
• Saging na saba
• Unsweetened suman (8x4x2 cm)
• Crackers (3 piraso)
• Noodles/pasta (1 cup)

🥄 Fats (1 serving = 1 tbsp)
• Mantika
• Butter
• Mayonnaise
Tubig – uminom ng sapat ayon sa payo ng doktor.
Iba pang mapagkukunan ng protina: keso, tokwa, pagkaing dagat, beans. Mas mabuting iwasan ang processed food.
Limitahan ang itlog: buo hanggang isa (1) kada araw lamang.

Prevention is better than cure. Sa pamamagitan ng tamang nutrisyon, healthy lifestyle, at regular check-up, maiiwasan ang Chronic Kidney Disease (CKD).

Alam mo ba ang sikreto sa optimal health ng iyong bato o Kidneys?Bukod sa NUTRISYON, dapat mayroon kangEXERCISE o physic...
05/10/2025

Alam mo ba ang sikreto sa optimal health ng iyong bato o Kidneys?

Bukod sa NUTRISYON, dapat mayroon kang

EXERCISE o physical activity at DISIPLINA para Piliin ang mas malusog na lifestyle habits

Kapag balanse ang tatlong ito, mas malapit ka sa mas malusog at mas masayang buhay!

Prevention is better than cure. Sa pamamagitan ng tamang nutrisyon, healthy lifestyle, at regular check-up, maiiwasan ang Chronic Kidney Disease (CKD).



PAANO MADEDETEK ANG CKD?Kadalasan ay walang sintomas ang CKD at maaaring mawala ang hanggang 90% ng paggana ng bato bago...
01/10/2025

PAANO MADEDETEK ANG CKD?

Kadalasan ay walang sintomas ang CKD at maaaring mawala ang hanggang 90% ng paggana ng bato bago lumabas ang anumang palatandaan. Gayunpaman, maaari itong matukoy sa pamamagitan ng simpleng pagsusuri tulad ng pagsusuri ng ihi upang makita kung may protina, at pagsusuri ng dugo upang masukat ang antas ng creatinine.

Kapag lumalala na ang CKD, maaaring maranasan ang mga sintomas tulad ng pamamaga ng bukong-bukong, panghihina, hirap mag-concentrate, kawalan ng gana, at mabula na ihi.

✅ Magpatingin agad sa doktor at magpasuri ng ihi at dugo upang maagapan ang CKD bago pa ito lumala.

Alam mo ba?Hindi lang nag-aalis ng dumi at sobrang tubig sa dugo ang trabaho ng iyong kidneys.Araw-araw, sila ang:• Naka...
29/09/2025

Alam mo ba?

Hindi lang nag-aalis ng dumi at sobrang tubig sa dugo ang trabaho ng iyong kidneys.

Araw-araw, sila ang:
• Nakakagawa ng ihi
• Nagpapanatili ng tamang balanse ng kemikal sa katawan
• Tumulong mag-kontrol ng blood pressure
• Nagpapatibay ng buto
• Tumutulong gumawa ng red blood cells

Prevention is better than cure. Sa pamamagitan ng tamang nutrisyon, healthy lifestyle, at regular check-up, maiiwasan ang Chronic Kidney Disease (CKD).



Nasa kamay mo ang tamang dami ng pagkain! Hindi mo kailangan ng timbangan o measuring cup para masukat ang wastong dami ...
24/09/2025

Nasa kamay mo ang tamang dami ng pagkain!

Hindi mo kailangan ng timbangan o measuring cup para masukat ang wastong dami ng pagkain—gamitin lang ang iyong sariling kamay!

Palad– Katumbas ng tamang laki ng karne (3 oz)
Hinlalaki – Sukat ng mantikilya o peanut butter (1 kutsara)
Dulo ng daliri – Sukat ng mantikilya na ipapahid sa tinapay (1 kutsarita)
Kamao (harap) – Sukat ng pasta o kanin (½ tasa)
Buong kamao – Katumbas ng 1 tasa o 2 servings ng ice cream

Tandaan: Ang iyong kamay ang sukatan na akma para sa iyong katawan.
Mas madali, mas praktikal, at mas epektibo para mapanatili ang tamang nutrisyon.

Wastong dami ng pagkain, nasa iyong kamay!


Hindi lang basta healthy food, dapat tama rin ang dami!Sundin ang General Plate Method:½ ng iyong Pinggan: Gulay mainam ...
22/09/2025

Hindi lang basta healthy food, dapat tama rin ang dami!
Sundin ang General Plate Method:

½ ng iyong Pinggan: Gulay mainam na pinagmumulan ng mga nutrients.

¼ ng iyong Pinggang: Protina para sa muscle at tissue

¼ ng iyong Pinggan: Carbohydrates pinagmumulan ng enerhiya

Himagas: Prutas pinagmumulan ng vitamin at mineral

Mga inumin pinakamahala at pinakaligtas ang tubig

Ang pagkakaroon ng malusog na katawan ay hindi nakukuha sa iisang bagay lang—kailangan ng balanse sa tatlong pangunahing...
17/09/2025

Ang pagkakaroon ng malusog na katawan ay hindi nakukuha sa iisang bagay lang—kailangan ng balanse sa tatlong pangunahing aspeto ng ating pamumuhay:

Ehersisyo – Regular na paggalaw at pisikal na aktibidad ay susi para lumakas ang resistensya, iwas stress, at maging mas masigla araw-araw.

Pag-uugali – Ang tamang lifestyle choices gaya ng pag-iwas sa bisyo, sapat na tulog, at positibong pananaw ay malaking tulong sa ating kalusugan.

Nutrisyon – Ang masustansya at balanseng pagkain ang nagbibigay ng lakas at proteksyon laban sa iba’t ibang sakit.

Kapag pinagsama-sama, ito ang bumubuo ng matibay na pundasyon ng kalusugan.

Tatlong Hakbang, Isang Layunin — Kalusugan para sa Lahat!

Dialysis is not permanent/lifetime if the reason for doing the dialysis in the hospital is because of the following:1. S...
14/09/2025

Dialysis is not permanent/lifetime if the reason for doing the dialysis in the hospital is because of the following:

1. Severe infections
2. Severe dehydration
3. Blood loss
4. Poisoning or medicine overdose
5. Blockages in the urinary tract
6. Severe build up of fluids that the kidneys cannot remove the fluid
7. Severely elevated potassium in the blood
8. Severe acidity of the blood
9. Severe brain damage leading to the kidneys shutting down

SOURCE: KDIGO Clinical Practice Guideline for Acute kidney Injury 2012

Hindi lahat ng natural ay ligtas—kilalanin ang halamang gamot para protektado ang bato.
10/09/2025

Hindi lahat ng natural ay ligtas—kilalanin ang halamang gamot para protektado ang bato.

07/09/2025

Obesity can silently damage your kidneys.
It increases the risk of kidney disease by overworking your kidneys, causing inflammation, and raising your chances of diabetes and hypertension.

The good news?
Healthy eating, exercise, and managing your blood sugar and blood pressure can help protect your kidneys.

Healthy choices today, stronger kidneys tomorrow

Address


Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Kidney Corner by Philippine Society of Nephrology posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

  • Want your practice to be the top-listed Clinic?

Share

Share on Facebook Share on Twitter Share on LinkedIn
Share on Pinterest Share on Reddit Share via Email
Share on WhatsApp Share on Instagram Share on Telegram