06/02/2026
๐๐๐๐๐ก๐๐ก ๐๐ก๐ ๐๐๐๐ ๐ก๐๐ช๐ฆ | ๐๐ฃ๐๐๐ง๐๐ก๐๐ข๐ ๐๐ก๐ ๐๐๐๐จ๐ฆ๐จ๐๐๐ก ๐ก๐ ๐๐๐ง๐
Patuloy na isinasagawa ang Measles-Rubella Supplemental Immunization Activity (MR SIA) sa Bayan ng Aleosan bilang bahagi ng ating sama-samang pagsisikap na maprotektahan ang kalusugan ng bawat bata.
Ipinapaabot namin sa lahat ng magulang at tagapag-alaga na ang MR vaccine ay ligtas, epektibo, at napatunayan na sa loob ng maraming taon. Ito ay matagal nang ginagamit hindi lamang sa Pilipinas kundi sa ibaโt ibang panig ng mundo upang maiwasan ang tigdas at rubella, mga sakit na maaaring magdulot ng malubhang komplikasyon sa mga bata.
Huwag tayong magpalinlang sa maling impormasyonโang bakuna ay isang mahalagang proteksyon para sa kalusugan at kinabukasan ng ating mga anak.
Inaanyayahan at hinihikayat ang lahat ng magulang na ipabakunahan ang kanilang mga anak na may edad 6 na buwan hanggang 59 na buwan.
Ang maagang pagbabakuna ay mabisang paraan upang maiwasan ang malulubhang sakit at mapanatiling ligtas ang ating komunidad.
๐ Magtiwala sa tama, siyentipiko, at opisyal na impormasyon. Sama-sama nating labanan ang fake news at ipagtanggol ang kalusugan ng ating mga bata.