19/03/2022
Mataas ba ang BP mo? May lahi ba kayo ng high blood o sakit sa puso? Ikaw ba ay nangangamba sa mga komplikasyon ng sakit mo? Paano mo kaya ito maiiwasan?
Halina mga ka-ALTA, pag-usapan natin yan!
Magandang Araw! Kami ay mga Postgraduate Interns ng Quirino Memorial Medical Center at malugod namin kayong iniimbitahan sa aming munting programa, “ALTAPRESYON, GAWAN NG AKSYON!” kasama ang isang EKSPERTO! Ito ay gaganapin sa ika-19 ng Marso, Sabado, 1:00 ng hapon. Ipapalabas namin ito sa Facebook Live at inaanyayahan namin kayong i-LIKE ang aming page: “Alta:Altapresyon” (Link) para malaman ang aming mga updates!
Napakaraming naaapektuhan ng altapresyon at marami din itong idinudulot na komplikasyon. Ang hangarin namin ay makatulong sa bawat isa upang sabay sabay nating kontrolin ang sakit na ito. Tara, mga ka-ALTA, ang Altapresyon ay gawan natin ng Aksyon!