04/06/2023
Ano Ba ang GALLSTONES O BATO SA APDO?
✅ Ang gallstones o bato sa apdo ay mga namuong deposits ng digestive fluid sa gallbladder. Ang gallbladder ay maliit na organ sa kanang bahagi ng tiyan sa ilalim ng atay. Ito ang nagsisilbing imbakan ng bile na kailangan para sa pagtunaw ng taba sa ating bituka.
✅ Ang mga taong may gallstones at nakakaranas ng mga sintomas ay kadalasang kinakailangang sumailalim sa operasyon upang tanggaling ang apdo. Ngunit kung wala namang senyales at sintomas na nararamdaman ay hindi ito kailangang operahan.
Sintomas ng Gallstones
✅ Minsan ay walang sintomas na nararamdaman ang may mga gallstones. Ngunit kapag bumara ang gallstones sa mga ducts sa apdo ay maaari itong magdulot ng sintomas tulad ng:
1. Biglaan at matinding sakit sa itaas na kanang bahagi ng tiyan.
2. Matinding sakit sa gitnang bahagi ng tiyan sa ilalim ng breastbone.
3. Pananakit ng likod at kanang balikat.
4. Ang sakit na ito ay maaaring maramdaman sa loob ng ilang minuto hanggang ilang oras.
✅ Agad kumonsulta sa doktor kapag nakakaranas ng mga sintomas ng gallstones tulad ng:
1. Labis na pananakit ng tiyan na kahit anong gawing posisyon ay matindi pa rin ang sakit.
2. Paninilaw ng balat at mga mata.
3. Mataas ng lagnat at chills.
✅ Mga Dahilan ng Pagkakaroon ng Gallstones.
1. Ang iyong bile ay mayroong maraming cholesterol o taba. Kapag maraming taba sa bile na inilalabas ng atay ay maari itong mabuo na parang mga crystals at kalaunan ay maaring maging gallstones.
2. Maraming bilirubin sa iyong bile. Ang bilirubin ay kemikal sa katawan mula sa ating dugo. May mga sakit na nagdudulot ng maraming produksyon ng bilirubin sa atay tulad ng liver cirrhosis, biliary tract infection at mga sakit sa dugo.
3. Hindi nailalabas ng maayos ang bile sa iyong apdo. Magiging concentrated ang bile sa iyong apdo at ito ay maaaring mag-resulta sa pamumuo ng gallstones.
✅Para maiwasan magkaroon ng gallstones, kumain sa tamang oras. Huwag mag-skip ng pagkain dahil ang hindi pagkain o fasting ay maaaring magdulot ng gallstones. Huwag biglaang magbawas ng timbang. Kung kailangang magpapayat, huwag bibiglain dahil nakakapagdulot din ito ng gallstones. Panatilihin ang tamang timbang (body mass index).
Paano Ginagamot ang Gallstones?
✅ Kapag wala namang matinding sakit na nararamdaman, kadalasang hindi tinatanggal ang apdo sa pamamagitan ng operasyon. Lifestyle changes at tinutunaw lamang ang mga gallstones sa pamamagitan ng gamot o ng natural supplement. Ngunit kung malala na ang gallstones at matinding sakit na ang idinudulot nito sa pasyente ay kailangan na itong operahan (laparoscopic cholecystectomy).
Kung meron kang karagdagang katanungan tungkol sa gallstones, meron po tayong 45 Days Program & nutritional guidelines para sa mga sakit o karamdaman upang itoy malunasan sa natural na paraan. Mag message lng po sa amin. # 09631754007