25/10/2025
๐ ๐๐ฅ๐๐ ๐๐ก๐ ๐ฆ๐๐๐๐ ๐๐ง ๐ฃ๐ข ๐ฆ๐ ๐๐๐๐๐ง ๐ก๐ ๐ฆ๐จ๐ ๐๐๐ ๐ฆ๐ ๐๐๐ง๐๐ช ๐ง๐๐๐๐ข ๐ฃ๐๐๐๐ฅ!
Ngayong Sabado, ika-25 ng Oktubre, atin pong nasaksihan ang isang masigla, masaya, at matagumpay na Hataw Takbo Bataan sa bayan ng Pilar!
Nakatutuwa pong makita ang ibaโt-ibang edad ng ating mga runners, mula sa mga bata hanggang sa ating mga senior citizens, ay masiglang nakilahok sa paghataw at pagtakbo. Bawat leg din po ay dumarami ang mga running clubs na ating nakakasama sa pagtakbo.
Congratulations po sa mga runners na nagkamit ng medalya bilang mga top finishers, gayundin sa mga runners na nanalo sa raffle.
Maraming salamat din po sa mga nakasama natin na sina Bokal Popoy Del Rosario, Bokal Noel Valdecaรฑas, Bokal Romy Austria, Pilar Mayor Charlie Pizarro at Vice Mayor Ces Garcia, Bagac Mayor Ron Del Rosario, sa Provincial Health Office (PHO), sa mga bumubuo ng Pilar LGU, at sa MBDA at Bataan Running Club (BRC) na ating katuwang sa bawat leg ng Hataw Takbo Bataan.
Ang mga litrato ay maaari pong makita sa link na ito: https://bit.ly/HTB2025PILARphotos.
Muli, maraming salamat po at magkita-kita po tayo sa Morong leg sa November 22!