Ateneo Doctors in Toro Hills

  • Home
  • Ateneo Doctors in Toro Hills

Ateneo Doctors in Toro Hills Kami ay mga doktor mula Ateneo School of Medicine and Public Health. Halina't magkita-kita tayo!

Mayroon kaming clinic sa Toro Hills Health Center kung saan may libreng konsulta at iba pang serbisyo.

29/10/2025

💪 Be healthy! Beat obesity!

Sa QC, hinihikayat namin ang bawat isa na alagaan ang kalusugan!

Obesity ay mapipigilan kung tayo ay may tamang kaalaman at disiplina.

✅Bukas ang ating mga Public spaces para sa libreng pag ehersisyo tulad sa
📍Quezon Memorial Circle at sa
📍Amoranto Sports Complex.

✅ Mayroon din tayong Car Free Care Free tuwing Sundays sa Tomas Morato, at higit sa lahat,
✅Libre ang Risk Assessement and Screening for Non Communicable Diseases tulad ng Hypertension at Diabetes sa ating 67 Health Centers!

Simulan na ang pagbabago para sa mas mahabang buhay!

Para sa Dagdag kaalaman Maaaring iclick ang mga link na ito:

Healthy Diet: https://www.facebook.com/QuezonCityHealth/posts/pfbid02vVSYGYQrkdy7EMx3izTcWWwsc5dfYji94HPfje4hFeU1YyoPnayTyXJqi3r4zbNEl

Ehersisyo:
https://www.facebook.com/QuezonCityHealth/posts/pfbid02QY8HBGSzQtk7ovFVTjr2cShdaQpWaUnDjrZ8JB29JAqMzBTVfAMoHyAy9jBXPqeHl

LIBRENG KONSULTA NG DERMATOLOGY PO ULIT PARA SA LAHAT! 🥳🩺Mayroon ka bang mga pantal, acne, nunal na mistulang lumalaki, ...
27/10/2025

LIBRENG KONSULTA NG DERMATOLOGY PO ULIT PARA SA LAHAT! 🥳🩺

Mayroon ka bang mga pantal, acne, nunal na mistulang lumalaki, pangingitim ng ibang parte ng katawan, o kahit na anong problema sa balat na gusto mong ipatingin?
Magpakonsulta na!

📍Venue: Toro Hills Health Center - Multispecialty Clinic
Road 11 Cor. Road 12, Brgy. Bahay Toro, Quezon City, Metro Manila 1106

🗓️Schedule: October 30 (Thursday)
9:30 AM to 12:00 PM (First come, first served basis)

📩Maaaring mag-iwan lamang ng mensahe sa aming page para sa karagdagang katanungan.

Magandang gabi, Toro Hills!Wala po tayong multispecialty clinic sa Biyernes, October 31, 1PM!Narito po ang schedule para...
26/10/2025

Magandang gabi, Toro Hills!

Wala po tayong multispecialty clinic sa Biyernes, October 31, 1PM!

Narito po ang schedule para sa linggong ito. Tara't magpakonsulta! 🩺
🗓️ Weekly schedule
✂️ October 27, Monday, 1:00 PM: Surgery
🩺 October 28, Tuesday, 1:00 PM: Internal Medicine
🤰🏽 October 29, Wednesday, 1:00 PM: Obstetrics & Gynecology
👶🏻 October 30, Thursday, 1:00 PM: Pediatrics
❌ October 31, Friday (Walang clinic)

📍Venue: Toro Hills Health Center - Multispecialty Clinic
Road 11 Cor. Road 12, Brgy. Bahay Toro, Quezon City, Metro Manila 1106

23/10/2025

Magpatingin agad kung may sintomas ng DENGUE🦟

Bantayan ang mga sintomas na ito at agad na magtungo sa doktor para sa angkop na atensyong medikal:
🔴 Pagkakaroon ng mataas na lagnat
🔴 Pagdurugo ng ilong
🔴 Pananakit ng tiyan
🔴 Pagkakaroon ng pantal- pantal o rashes
🔴 Matinding pananakit ng ulo
🔴 Pananakit ng katawan
🔴 Pananakit ng mata

Tandaan, nagliligtas ng buhay ang maagap at angkop na pangangalagang medikal.

Libre ang Check-up at dengue Test sa ating mga Health Center.
📍 Bukas ang ating mga Health Center LUNES hanggang BIYERNES ( 7:00am to 5:00pm )
Alamin ang iba pang impormasyon kung paano mapoprotektahan ang sarili at pamilya laban sa dengue sa link ng post na ito: https://web.facebook.com/share/p/18Dgk7fkTg/

Manatiling updated tungkol sa banta ng dengue sa ating komunidad. I-like, i-follow, at magmessage sa aming page.
8703-2759
09622747107
8988-4242 loc 1609




22/10/2025
22/10/2025

TUMATAAS ANG MGA KASO NG INFLUENZA SA QUEZON CITY! WEAR YOUR FACEMASK NOW TO PREVENT THE SPREAD! 🚨

Ang pagsusuot ng facemask ay isa sa mga pinakamahalagang hakbang para maiwasan ang pagkalat ng influenza virus. Ito ay isang basic health protocol na makakatulong para hindi kumalat ang virus at makapagpatuloy ang ating proteksyon laban dito.

BAKIT MAHALAGA ANG PAGSUSUOT NG FACEMASK?

✅ Kontrol sa Pagkalat ng Virus
Ang facemask ay nagsisilbing hadlang laban sa mga droplet mula sa pag-ubo, pagbahing, at pagsasalita, na siya ring pangunahing paraan ng pagkalat ng influenza.

✅ Pagsunod sa Health Protocols
Tinutulungan ng facemask na mapigilan ang mabilis na pagdami ng mga kaso ng influenza at iba pang sakit. Isa itong responsableng hakbang para sa kaligtasan ng nakararami.

✅ Proteksyon ng Vulnerable na Sector
Ang facemask ay nagbibigay proteksyon hindi lamang sa sarili, kundi pati na rin sa mga taong may pre-existing health conditions, matatanda, at mga bata na mas madaling kapitan ng malubhang sakit.

✅ Suporta sa Public Health Efforts
Ang pagsusuot ng facemask ay isang kolektibong hakbang na sumusuporta sa mga plano at aksyon ng gobyerno upang kontrolin ang outbreak at mas mapadali ang mga hakbang laban sa mga viral diseases.

WALA KANG NARAMDAMANG SINTOMAS? NO EXCUSES, STILL WEAR YOUR FACEMASK!

Mahalaga pa ring maging responsable, mag-ingat, at protektado — hindi lamang para sa sarili, kundi para sa buong komunidad.

Maaaring tingnan ang link para malaman ang mga sintomas ng INFLUENZA:
https://www.facebook.com/share/p/1CUpm7bDe4/

Para sa iba pang health information, i-like at i-follow ang Quezon City Health Department Official page.





📢IMPORTANTENG ANUNSYO📢❌KANSELADO po ang naka-schedule na 👂ENT multispecialty clinic po ngayong hapon, October 10, 2025. ...
10/10/2025

📢IMPORTANTENG ANUNSYO📢

❌KANSELADO po ang naka-schedule na 👂ENT multispecialty clinic po ngayong hapon, October 10, 2025. Ang susunod na ENT clinic po ay sa October 24, 2025.

Paumanhin po sa biglaang pagkansela ng clinic. Humihingi po kami ng kaunting pag-unawa.

Salamat po at kita-kits sa Monday! 😊

10/10/2025

Sa pagdiriwang ng World Mental Health Week at World Mental Health Day ngayong Oktubre, ang Quezon City Health Department (QCHD) ay nagbibigay-diin sa kahalagahan ng kalusugang pangkaisipan. Sa kabila ng mga hamon ng buhay, mahalagang bigyang pansin ang kalusugan sa isip at emosyon. Marami sa atin ang nakakaranas ng mental health issues tulad ng depresyon, anxiety, at stress, ngunit madalas ay hindi ito naipapahayag.

Ang QCHD ay nagtataguyod ng mga programa at serbisyong nagbibigay ng suporta sa mental health, tulad ng counseling at mga kampanya ng awareness. Ang mental health ay bahagi ng ating kabuuang kalusugan at hindi dapat ikahiya. Sa simpleng hakbang ng pagpapakita ng malasakit sa ating sarili at kapwa, mas mapapalaganap natin ang kalusugan at kaalaman tungkol sa mental health, at magsisilbing gabay para sa mas maligaya at malusog na komunidad.

Kung nais humingi ng tulong tungkol sa mental health, maaaring magtungo sa ating mga Barangay Health Center, Mental Wellness Access Hubs o MWAH
(https://www.facebook.com/share/p/17BNLCwKUG/), o kaya naman tumawag sa QC HELPLINE 122.

Para sa iba pang impormasyon, maaaring i-like at i-follow ang Quezon City Health Department Official page.






Magandang umaga, Toro Hills!🏖️🌤️Wala po tayong multispecialty clinic ngayong hapon, October 8, Miyerkules, 1PM!Narito po...
08/10/2025

Magandang umaga, Toro Hills!🏖️🌤️

Wala po tayong multispecialty clinic ngayong hapon, October 8, Miyerkules, 1PM!

Narito po ang schedule para sa linggong ito. Tara't magpakonsulta! 🩺

🗓️ Weekly schedule
✂️ October 6, Monday, 1:00 PM: Surgery
🩺 October 7, Tuesday, 1:00 PM: Internal Medicine
❌ October 8, Wednesday (Walang clinic)
👶🏻 October 9, Thursday, 1:00 PM: Pediatrics
👂 October 10, Friday, 1:00 PM: Ears, Nose, Throat

📍Venue: Toro Hills Health Center - Multispecialty Clinic
Road 11 Cor. Road 12, Brgy. Bahay Toro, Quezon City, Metro Manila 1106

Magandang hapon po sa inyong lahat! Alinsunod po sa work suspension dahil sa bagyo, KANSELADO po ang ating ENT CLINIC ng...
26/09/2025

Magandang hapon po sa inyong lahat! Alinsunod po sa work suspension dahil sa bagyo, KANSELADO po ang ating ENT CLINIC ngayong hapon 1-5PM, Setyembre 26, 2025.

Mag-aanunsyo po kami sa bagong schedule nito. Maraming salamat po sa inyong pag-unawa. Mag-ingat at manatili sa inyong tahanan para sa inyong kaligtasan. 🙏

Kung kinakailangan ng agarang lunas, magtungo sa pinakamalapit na ER.

Magandang gabi po sa inyong lahat! Alinsunod po sa work suspension dahil sa inaasahang masamang lagay ng panahon, KANSEL...
22/09/2025

Magandang gabi po sa inyong lahat! Alinsunod po sa work suspension dahil sa inaasahang masamang lagay ng panahon, KANSELADO po ang ating IM CLINIC bukas ng hapon 1-5PM, Setyembre 23, 2025.

Maraming salamat po sa inyong pag-unawa. Mag-ingat at manatili sa inyong tahanan para sa inyong kaligtasan. 🙏

Kung kinakailangan ng agarang lunas, magtungo sa pinakamalapit na ER.

👩‍⚕️👨‍⚕️ Libre at bukas para sa komunidad! Alamin ang iskedyul ng ating Multispecialty Clinic ngayong linggo sa Toro Hil...
22/09/2025

👩‍⚕️👨‍⚕️ Libre at bukas para sa komunidad!
Alamin ang iskedyul ng ating Multispecialty Clinic ngayong linggo sa Toro Hills Health Center. Tara na't magpakonsulta! 🩺

📢 Alinsunod sa Malacañang Memo Circular No. 96 (Kainang Pamilya Mahalaga Day), KANSELADO ang SURGERY CLINIC ngayong araw na ito mula 1-5 PM. Para sa agarang lunas, magtungo sa pinakamalapit na ER kung kinakailangan.

Address


Opening Hours

Monday 13:00 - 17:00
Tuesday 13:00 - 17:00
Wednesday 13:00 - 17:00
Thursday 13:00 - 17:00
Friday 13:00 - 17:00

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Ateneo Doctors in Toro Hills posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

  • Want your practice to be the top-listed Clinic?

Share

Share on Facebook Share on Twitter Share on LinkedIn
Share on Pinterest Share on Reddit Share via Email
Share on WhatsApp Share on Instagram Share on Telegram