06/09/2016
Magandang GABI Po Ms. Aniesonn Base at Sa lahat Ng kinauukulan. Ito Po Ay opisyal Na pahayag Ng GUIMBA COMMUNITY HOSPITAL formerly known as Guimba Maternity & Lying-in Clinic. Nagsagawa Po ANG AMING pamunuan Ng isang imbestigasyon pa tungkol Sa INYONG REKLAMO Na di umanoy nagpapa-BP kayo kahapon at SINABIHAN kayo Ng staff Ng RHU 2 Na Lowbatt ANG kabilang digital BP apparatus at kayo Ay sinabihang bumalik Na lamang kinabukasan. Ito Po Ay sadyang nakalulungkot at Kami po Ay nakikisimpatya Sa INYONG nararamdaman. Napag-alamin Po namin Na kayo Ay Hindi kailanman lumapit kahapon Sa Kahit KANINONG staff Ng LYING-in o ospital at ANG taong/staff Na napagtanungan Ninyo Ay staff Ng Guimba RURAL Health Unit 2, MAARING NAGTATAKA kayo Kung Bakit staff Nila ANG naroon. Pansamantala Po kasing nandito rin ANG RHU 2 Sa loob Ng building Ng Hospital o Lying-in Sa kadahilanang Hindi pa Tapos ANG kanilang building Sa Brgy. st.john. Lumapit daw kayo Sa staff at ganoon nga ANG nangyari at SINABIHAN Po kayo Na pumunta Sa EMERGENCY ROOM at Doon magpa-BP Sa kadahilanang naubos Na ANG baterya Ng Gamit nilang BP apparatus. ngunit Hindi Po kayo nagpunta Sa kadahilanang mahaba ANG pila Sa ER/OPD ng ospital.INUULIT PO NAMIN NA SINABIHAN KAYO NG STAFF NG RHU 2 NA PUMUNTA SA ER/OPD NG OSPITAL NGUNIT HINDI KAYO NAGPUNTA DAHUL MAHABA ANG PILA. Ipagpaumanhin Po Ninyo ANG mahabang pila Sa AMING pasilidad dahil ito Po ANG piniling puntahan Ng ating Mga kababayan para Sa problema nilang pangkalusugan dahil Alam Po nila Na itinatag ANG ospital Na Ito para mag silbi para Sa lahat Ng mamamayan taga guimba man o Hindi. Nakakalungkot Lang Na napakarami rin nating kababayan ANG nagbibigay ng pahayag Na masasabi nating Hindi magandang pakinggan o basahin at lubhang nakakasakit Sa damdamin Ng ating Mga tauhan. Mga bata pa ngunit propesyonal ANG ating Mga tauhan Dito Sa ospital Na masasabi nating kinakikitaan natin Ng tunay Na hangaring makapaglingkod at makatulong Sa ating Mga kababayan Kaya Kahit Maliit ANG sweldo at Marami namang oportunidad Na naghihintay Sa kanila Sa loob at labas Ng bansa, Mas pinipili nilang manatili Dito at tumulong Magserbisyo. Hindi Po Ninyo Kami kalaban, Hindi Po Ninyo Kami kaaway, at lalong Hindi Po Kami nandyan UPANG ipagkait Sa inyo ANG tulong at serbisyong medikal Na kina kailangan Ninyo. Bagkus kami Po Ay ka kampi Ninyo UPANG mapaigi ANG INYONG karamdaman.HUWAG PO SANA NATIN SILANG HUSGAHAN SA ISANG BAGAY NA HINDI NILA ALAM AT HINDI NILA GINAWA DAHIL SINISIKAP NILA KAYONG PAGSILBIHAN SA ABOT NG KANILANG MAKAKAYA. Pare pareho Po tayong mamamayan Ng Guimba , ramdam namin ANG anu mang sakit Ba nararamdaman Ninyo dahil iisa tayo, HUWAG PO SANA tayong Basta bastang magaakusa Sa Mga tauhan natin SA lying-in at alamin PO SANA Ninyo ANG buong kwento bago kayo magkomento UPANG Sa ganooy Hindi Ito pagmulan Ng Hindi maganda. isusumite namin Sa NBI ANG lahat Ng Mga comments Na nakapaloob Sa Mga naunang post. Dahil Sa tingin nmin Ay may karapatan din Kami bilang tauhan Ng Guimba Community Hospital Na ipaglaban ANG AMING dangal at pagkatao. We will also be consulting our lawyers regarding other possible legal action on this matter. Maging responsible PO SANA tayo Sa ating Mga ipinopost Sa internet. HUWAG PO nating sirain ANG imahe Ng Hospital. , Sa atin pong lahat ito! maraming Salamat Po!