21/01/2026
👉Ano talaga ang papel ng cholesterol⁉️
Ang cholesterol ay raw material ng katawan.
Ginagamit ito ng bawat cell membrane.
Kailangan ito sa paggawa ng hormones tulad ng cortisol, estrogen, at testosterone.
Gumagawa ito ng bile para sa digestion ng taba.
Kailangan din ito ng utak at nerves para sa malinaw na signaling.
Hindi ito waste product. Functional molecule ito.
👉Bakit mali ang “good vs bad cholesterol”⁉️
Walang “good” o “bad” cholesterol molecule.
Pare pareho ang cholesterol.
Ang pinagkaiba ay ang sasakyan.
LDL at HDL ay lipoproteins.
Parang delivery at garbage truck.
LDL ang naghahatid ng cholesterol sa cells.
HDL ang nagbabalik ng sobrang cholesterol sa atay.
Pareho silang kailangan para gumana ang sistema.
👉Kailan nagiging problema ang LDL at HDL⁉️
Hindi dahil mataas lang ang number.
Nagiging problema kapag nasisira ang structure nila.
Ano ang sumisira.
• Mataas at paulit ulit na blood sugar spikes
• Insulin resistance
• Chronic inflammation
• Ultra processed food
• Oxidative stress
• Paninigarilyo
• Obesity
Kapag glycated o oxidized ang LDL, nagiging pro inflammatory ito.
Mas madaling pumasok sa sira na ugat.
Mas madaling ma trap sa vessel wall.
Kahit ang HDL, kapag sira, nawawala ang protective function nito.
👉Bakit mahalaga ang triglycerides⁉️
Ang mataas na triglycerides ay senyales ng metabolic dysfunction.
Madalas kasama nito ang insulin resistance at fatty liver.
Pinapalala nito ang pagkasira ng LDL at HDL.
Kaya mas malakas itong babala kaysa isolated LDL elevation.
👉Bakit kulang ang lipid profile lang⁉️
LDL-C ay sukat ng laman, hindi dami ng sasakyan.
Puwedeng mataas ang LDL-C pero kaunti lang ang particles.
Puwedeng normal ang LDL-C pero sobrang dami ng maliit at sira na particles.
Dito pumapasok ang ApoB at particle number sa mas malalim na assessment.
👉Paano talaga nagsisimula ang plaque⁉️
Hindi nagsisimula sa cholesterol.
Nagsisimula sa endothelial damage.
High blood pressure.
High blood sugar.
Inflammation.
Mechanical stress sa ugat.
Kapag may sugat ang ugat, nagre recruit ang katawan ng LDL para mag repair.
Kapag tuloy tuloy ang insult, nauuwi ito sa plaque formation.
👉Ano ang mas tamang focus⁉️
Huwag katakutan ang cholesterol.
Ayusin ang kabuuang kondisyon ng katawan.
Ayusin ang blood sugar.
Pababain ang insulin resistance.
Bawasan ang inflammation.
Kumain ng totoong pagkain.
Gumalaw araw araw.
Ayusin ang tulog at stress.
Kapag maayos ang kondisyon, umaayos ang lipids.🫶🏻
Educational only. Not medical advice.
&Wellness