11/19/2025
Normal lang na dumating sa point na ikaw mismo nagdududa na sa sarili mo. Dumadaan talaga tayo sa mga season na parang wala tayong nakikitang progress, o kaya parang hindi match ang buhay natin sa mga pinagpe-pray natin.
Pero sana maintidihan natin, your self-doubt is not a sign that God’s plan is failing. Minsan, sign lang ‘yan na lumalalim ka. Kasi ang taong lumalago, dumadaan sa introspection. Pero kahit anong pagdududa meron ka sa sarili mo, huwag mong i-level sa pagdududa sa Diyos.
God’s promises don’t depend on how confident you feel today. They depend on how faithful He has always been.
Kaya okay lang malito. Magduda sa sarili. Normal yan tao lang tayo.
Pero huwag mong hayaang mawala yung paniniwala mo sa Diyos, dahil Siya yung hindi nagbabago kahit lahat nagbabago.
Tandaan natin ito,
Your feelings fluctuate, but God’s faithfulness is constant. Your strength may fade, but His promise remains.
At kung may isa mang bagay na dapat mong panghawakan nang mas mahigpit kaysa sa kahit ano, hindi ‘yan yung sarili mong plano, hindi yung timeline mo, at hindi yung sariling lakas mo…
Kundi ang sinabi Niya sa’yo.
Kasi pag may sinabi ang Diyos, tapos na ‘yun. Settled na. Sure na. Wala ng makakapigil pa.
Sabi sa Jeremiah 29:11 (NIV):
“For I know the plans I have for you… plans to prosper you and not to harm you, plans to give you hope and a future.”