Counter 441 Wellness

Counter 441 Wellness Health is Wealth

Top 5 Sakit ng PilipinoPayo ni Doc Willie Ong1. High Blood Pressure o Altapresyon.Kapag ang blood pressure niyo ay palag...
13/11/2025

Top 5 Sakit ng Pilipino
Payo ni Doc Willie Ong

1. High Blood Pressure o Altapresyon.
Kapag ang blood pressure niyo ay palaging lampas sa 140 over 90, ang ibig sabihin ay may high blood pressure o altapresyon ka na. Isa sa 4 na Pilipino ay may high blood pressure. Ang normal na blood pressure ay mas mababa sa 140 over 90.
Heto ang mga tips: (1) Magbawas ng timbang; (2) Magbawas sa pagkain ng maaalat. Umiwas o magbawas sa paggamit ng asin, toyo, patis at bagoong; at (3) Mag-ehersisyo ng 3 hanggang 5 beses bawat linggo. Kapag palaging mataas sa 140/90 ang iyong blood pressure, kailangan mo nang uminom ng gamot.
2. Diabetes.
Kung ika’y may nararamdamang pamamanhid, laging nauuhaw, madalas umihi, o namamayat, magpa-check sa diabetes. Kapag ang iyong blood sugar ay higit sa 126 mg/dl pagkatapos ng 10 oras na hindi pagkain (fasting blood sugar), nangangahulugang may diabetes ka na. Umiwas sa dalawang bagay: Matataba at matatamis na pagkain. Mag-ehersisyo din ng regular at huwag magpataba.
Depende sa taas ng iyong blood sugar, may mga mura at mabisang gamot sa diabetes, tulad ng Metformin at Gliclazide. Kung hindi mo mako-kontrol ang iyong blood sugar, ay mapapabilis ang pagdating ng komplikasyon nito.
3. Mataas na Cholesterol.
Mataas ang iyong cholesterol kapag lampas ito sa 200 mg/dl. Mag-diyeta na. Posibleng kailangan uminom ng gamot kapag lampas sa 240 ang cholesterol. Subukang mag-diyeta ng 2 buwan. Iwas taba, karne, cakes at icing muna. Pagkaraan ng 2 buwan, ipa-test uli ang cholesterol at kapag lampas ulit sa 240 mg/dl, doon tayo magsisimula ng gamot na Statins.
4. Sakit Sa Kidneys (bato).
Kung mayroon kang diabetes o high blood pressure, kailangan mong bantayan ang iyong kidneys. Ang diabetes at high blood ay nakasisira sa kidneys. Kadalasan ay walang nararamdaman ang mga taong may sakit sa kidneys. Kapag may kidney failure na, humihina na ang daloy ng ihi.
Heto ang tips: (1) Bawasan ang alat ng pagkain; (2) Limitahan ang protina sa pagkain. Mas kumain ng isda, gulay at prutas; (3) Iwasan ang pag-inom ng pain relievers (gamot sa kirot); (4) Uminom ng 8-10 basong tubig bawat araw.
5. Cancer.
Kapag ang isang tao ay wala pang kanser, ang pinakamagandang kainin ay ang tatlong K: kamatis, karrots at kalabasa. Puwede din ang mga pagkaing ito para makaiwas sa kanser: green tea, curry powder, bawang, sibuyas, sibuyas dahon (leeks), repolyo, cauliflower, tofu o tokwa, at talong. Damihan ang pagkain nitong anti-cancer foods. Bawasan ang pagkain ng hindi masustansyang pagkain tulad ng baboy, baka, hotdog, bacon, ham at longganisa.

Warning Signs ng Hyper-thyroid at Hypo-thyroid.by Doc Willie Ong (internist and Cardiologist)Panoorin ang Video:
13/11/2025

Warning Signs ng Hyper-thyroid at Hypo-thyroid.
by Doc Willie Ong (internist and Cardiologist)

Panoorin ang Video:

Warning Signs ng Hyper-thyroid at Hypo-thyroid.by Doc Willie Ong (internist and Cardiologist)Panoorin ang Video:https://youtu.be/SNo-GA0VnT0

May Kabag at Masakit ang TiyanPayo ni DocKapag ang hangin ay hindi nailabas ng pag-dighay at pag-utot, ito ay mabubuo sa...
08/11/2025

May Kabag at Masakit ang Tiyan
Payo ni Doc

Kapag ang hangin ay hindi nailabas ng pag-dighay at pag-utot, ito ay mabubuo sa tiyan at bituka na dahilan ng pagkakaroon ng hangin (bloating). Ang sakit ng tiyan ay maaaring hindi masyadong masakit o kaya naman ay matigas at sobrang sakit ito ay nangyayari kung mahangin ang tiyan o may kabag. Kung maaalis ang hangin ay mawawala ang sakit. Kaugnay din dito ang LBM at lactose intolerance. Ang pagkain ng matataba at mga pagkain na nakapagbibigay ng hangin sa ating tiyan gaya ng beans, at iba pang gulay, ang mahangin na tiyan ay resulta rin ng stress, labis na pag-aalala at paninnigarilyo.
Tips para maiwasan ang kabag:
1. Magbawas sa mamantikang pagkain. Dahil napapatagal nito ang pagtunaw ng pagkain.
2. Bawasan ang mga pagkaing nagbibigay ng hangin sa tiyan. Tigil ang soft drinks. Bawasan ang beans, peas, repolyo, sibuyas, broccoli, cauliflower, pasas, prunes, bran cereals at muffins.
3. Iwasan din ang pagkain ng chewing gum at matigas na candy.

Fatty Liver: Alagaan Ang Iyong AtayPayo na mula kay Doc Willie OngAng fatty liver ay isang kondisyon kung saan nababalot...
28/08/2025

Fatty Liver: Alagaan Ang Iyong Atay
Payo na mula kay Doc Willie Ong

Ang fatty liver ay isang kondisyon kung saan nababalot ng taba ang atay. Kung may fatty liver ka, kadalasan ay mataas din ang iyong kolesterol sa dugo, blood sugar at uric acid. Malamang ay sobra ka din sa timbang at malaki ang tiyan.
Sa umpisa ay walang sintomas ang fatty liver. May ibang tao na sumasakit ang kanang bahagi ng tiyan. Ngunit kapag umabot sa liver cirrhosis ay malala na ito at magkakaroon na ng paninilaw ng mata, pamamayat, paglaki ng tiyan at pagmamanas ng paa.
Malalaman na may fatty liver ang pasyente sa pamamagitan ng Ultrasound ng atay o Ultrasound of the Whole Abdomen. Minsan ay lumalala ang fatty liver at umaabot sa pamamaga ng atay at liver cirrhosis.
Para maagapan ang fatty liver, sundin ang mga payong ito:
1. Itigil ang pag-inom ng alak. Kahit isang patak ng wine, beer or hard drinks ay huwag nang subukan pa. Ihinto na rin ang paninigarilyo.
2. Magpapayat kung sobra ka sa timbang. Kapag nagbawas ka ng timbang, puwedeng mabawasan din ang taba sa iyong atay.
3. Umiwas sa pagkain ng matataba (oily) at matatamis na pagkain. Limitahan ang pagkain ng cake, mantikilya, ice cream at karneng baboy at baka. Umiwas o bawasan na rin ang pag-inom ng matatamis na inumin tulad ng soft drinks at iced tea.
4. Kumain ng masustansyang pagkain tulad ng maberdeng gulay at isda. Puwedeng kumain ng prutas pero huwag din sosobrahan ito dahil ito’y matamis din.
5. Gumalaw-galaw at mag-ehersisyo. Kapag nabawasan ang taba sa iyong katawan, mababawasan din ang taba sa atay.
6. Kung ikaw ay may diabetes, gamutin ito sa tulong ng iyong doktor.
7. Kung mataas ang iyong kolesterol sa dugo, ibaba ito sa pamamagitan ng diyeta at gamot.
8. Kumain ng yogurt. Ayon sa isang pagsusuri, may tulong ang good bacteria ng yogurt sa paggamot sa fatty liver. Hindi pa ito tiyak pero pwede ninyong subukan.
9. Huwag basta-bastang uminom ng kahit anong tableta, supplements o vitamins. Huwag maniwala sa mga sabi-sabi. Itanong muna sa iyong doktor kung makasasama ba ito sa atay.
Sadyang dyeta, exercise at paggamot sa diabetes at mataas na kolesterol ang lunas sa fatty liver. Alagaan natin ang ating atay.

12/08/2025
Cancer is not a disease but Oncologist from Osh State Medical University, Moscow, Russia Gupta Prasad Reddy (BV) says ca...
10/09/2023

Cancer is not a disease but Oncologist from Osh State Medical University, Moscow, Russia Gupta Prasad Reddy (BV) says cancer is not a deadly disease but people are dying of it only because of negligence.
According to him, cancer can be removed if only two methods are followed. Methods are : -
1_ Avoid all sugary foods first. Because if you don't get sugar in your body, the cancer cells die naturally or naturally.
2. Then mix the lemon chip in a glass of warm water. Drink warm water mixed with this lemon at 3. one hour in the morning before eating. The cancer will be gone.
A study from Maryland College of Medicine found it is a thousand times better than chemotherapy.
3. Eat three tablespoons of organic coconut oil every morning and evening, it will cure cancer.
After avoiding diabetes, undergo one of the following two treatments. Cancer cannot hurt you. However, negligence or indifference does not excuse.
Please note that to protect people from cancer. Gupta Prasad has been spreading this information in various ways including social media for the past five years.
He asked for dissemination of information, so that everyone could know about it.
He said, "I've done my job. Do your part now and save people around you from cancer!.

Pamamanhid ng katawan: Baka Diabetes o Stroke naPayo ni Doc Willie OngMadalas ka ba makaramdam ng pamamanhid?Ito ay isan...
26/08/2023

Pamamanhid ng katawan: Baka Diabetes o Stroke na
Payo ni Doc Willie Ong

Madalas ka ba makaramdam ng pamamanhid?

Ito ay isang karaniwang nararamdaman na karaniwan ay walang seryoso o malubhang kahihinatnan.

Para sa mga typist, mga mechanical workers at kababaihan na naglalaba, karaniwang sila ay nakararanas ng pamamanhid ng mga kamay, na dahil sa carpal tunnel syndrome. Ang kondisyong ito ay nangangahulugang na ang ugat (median nerve) na nagbibigay ng lakas sa kamay ay naiipit. Ipahinga ang iyong mga kamay.

Ang isa pang karaniwang lugar ng pamamanhid ay sa hita sa pag-upo at pag-higa. Ito ay dahil sa naiipit ang sciatic nerve sa may balakang natin.

Ngunit dalawang mas malubhang sanhi ng pamamanhid ay stroke at diabetes.

Bagamat bihira lamang ito, may ilang mga pasyenteng na-stroke ay ang reklamo lamang ay bahagyang pamamanhid sa katawan. Kaya naman kung may pag-aalinlangan, ang mga doktor ay maaaring mag-request ng isang CT Scan sa ulo para masuri ang stroke.

Ang diabetes ay maaari ring maging sanhi ng pamamanhid, karaniwan sa mga binti at paa. Kung hindi mo mapananatili ang iyong blood sugar ng mas mababa sa 120 mg/dl, maaari itong magresulta sa pinsala sa mga ugat.

Ang may diabetes ay dapat mag-ingat sa kanilang mga binti dahil ang karaniwang senaryo ay ang pagkakaroon ng pamamanhid sa paa muna, pinsala sa paa at impeksyon. Sa mga napabayaang mga kaso, maaari itong humantong sa amputation o pagkaputol ng binti.

Mataas ang CholesterolPayo ni Doc Willie OngSi Linda ay nag-aalala dahil ang resulta ng kolesterol niya ay 273 mg/dl. So...
05/06/2023

Mataas ang Cholesterol
Payo ni Doc Willie Ong

Si Linda ay nag-aalala dahil ang resulta ng kolesterol niya ay 273 mg/dl. Sobra ito ng 73 points sa normal na 200 mg/dl. Kahit wala siyang nararamdaman, natatakot si Linda na baka atakihin siya sa puso. Ano ang dapat niyang gawin?

1. Ipasuri kung tama ang blood test.
Minsan ay nagkakamali ang mga laboratory sa blood test. Sigurado ka bang hindi ka kumain sa loob ng 10 oras bago kunan ng dugo? Huwag munang matakot. Subukan munang mag-diyeta at mag-ehersisyo. Pagkatapos ng 2 buwan, ipaulit natin ang blood test.

2. Kumain ng tama.
Mahal ang gamutan sa kolesterol at posibleng may side effects pa. Dahil dito, piliting isaayos ang iyong pamumuhay bago tayo mag-gamutan.
Kung kayo ay sobra sa timbang, kailangan nating magpapayat. Kapag ika’y pumayat ng 5 pounds, bababa din ang iyong kolesterol.
Sa diyeta, subukan ang madalas na pagkain ng oatmeal, beans (monggo) at gulay. Makapagbabawas ito ng malaki sa iyong kolesterol. Kung dati ay mahilig ka sa taba ng baboy, mantika at pritong pagkain, subukan mo naman ang taba ng isda. Tapyasin din ang taba ng baboy bago ito lutuin.
Iwasan ang pagkain ng mga cakes, pastries, croissant, ensaymada, mantikilya, cookies at iba pang mamantika na bagay. Kung dati ay hilig mo ang sinangag at fried rice, piliin na lang ang sinaing.

3. Mag-ehersisyo.
Mag-ehersisyo ng 3 hanggang 5 beses kada linggo. Gawin ito ng 30 minutos hanggang isang oras. Malaki ang maitutulong ng ehersisyo sa pagbaba ng iyong kolesterol.

4. Subukan ang natural na gamutan.
Ang pagkain ng bawang ay puwedeng makababa ng kolesterol sa dugo ng 9 to 12%. Ang pag-inom din ng omega-3 fish oil supplements ay nakabababa ng triglyceride levels, isang klase ng taba sa dugo.

5. Gamot sa kolesterol.
Kung pagkaraan ng 2 buwan na pag-di-diyeta ay mataas pa rin ang iyong kolesterol, puwede na tayo mag-umpisa uminom ng maintenance na gamot. Ito ay ang mga generic na Simvastatin, Atorvastatin o Rosuvastatin. Mayroon nang mga murang gamot sa generics na botika.
Ito ang tamang paraan sa paggagamot ng kolesterol niyo.

Subukang mag-diyeta at mag-ehersisyo muna ng 2 buwan. Kapag hindi nakuha sa natural na paraan ay doon pa lamang tayo iinom ng gamot. Good luck po.

π‘‡β„Žπ‘’π‘Ÿπ‘Žπ‘π‘¦ π‘‰π‘Žπ‘Ÿπ‘–π‘π‘œπ‘ π‘’ 𝑉𝑒𝑖𝑛𝑠 𝐴𝑑 𝑏𝑒𝑠𝑑, π‘šπ‘Žπ‘ π‘ π‘Žπ‘”π‘–π‘›π‘” π‘‘β„Žπ‘’ 𝑙𝑒𝑔 π‘Žπ‘Ÿπ‘’π‘Ž π‘Žπ‘Ÿπ‘œπ‘’π‘›π‘‘ π‘‘β„Žπ‘’ π‘Žπ‘“π‘“π‘’π‘π‘‘π‘’π‘‘ 𝑣𝑒𝑖𝑛𝑠 𝑀𝑖𝑙𝑙 π‘œπ‘›π‘™π‘¦ π‘šπ‘Žπ‘˜π‘’ π‘‘β„Žπ‘’π‘š 𝑓𝑒𝑒𝑙 π‘π‘’π‘‘π‘‘π‘’π‘Ÿ .
07/04/2022

π‘‡β„Žπ‘’π‘Ÿπ‘Žπ‘π‘¦ π‘‰π‘Žπ‘Ÿπ‘–π‘π‘œπ‘ π‘’ 𝑉𝑒𝑖𝑛𝑠 𝐴𝑑 𝑏𝑒𝑠𝑑, π‘šπ‘Žπ‘ π‘ π‘Žπ‘”π‘–π‘›π‘” π‘‘β„Žπ‘’ 𝑙𝑒𝑔 π‘Žπ‘Ÿπ‘’π‘Ž π‘Žπ‘Ÿπ‘œπ‘’π‘›π‘‘ π‘‘β„Žπ‘’ π‘Žπ‘“π‘“π‘’π‘π‘‘π‘’π‘‘ 𝑣𝑒𝑖𝑛𝑠 𝑀𝑖𝑙𝑙 π‘œπ‘›π‘™π‘¦ π‘šπ‘Žπ‘˜π‘’ π‘‘β„Žπ‘’π‘š 𝑓𝑒𝑒𝑙 π‘π‘’π‘‘π‘‘π‘’π‘Ÿ .

TAKE CARE OF YOUR BODY PART [MUST READ!]1) The *STOMACH* is injured when you do not have breakfast in the morning.(2) Th...
07/04/2022

TAKE CARE OF YOUR BODY PART [MUST READ!]

1) The *STOMACH* is injured when you do not have breakfast in the morning.

(2) The *KIDNEYS* are injured when you do not even drink 10 glasses of water in 24 hours.

(3) The *GALLBLADDER* is injured when you do not even sleep until 11 o'clock and do not wake up to the sunrise.

(4) The *small INTESTINE* is injured when you eat cold and stale food.

(5)The *Large intestines* are injured when you eat more fried and spicy food.

(6) The *LUNGS* are injured when you breathe in smoke, dirt and polluted environment of ci******es and bidi.

(7) The *LIVER* is injured when you eat heavy fried food, junk, and fast food.

(😎 The *HEART* is injured when you eat your meal with more salt and cholesterol.

(9) The *PANCREAS* is injured when you eat more sweet because of the taste and freely available.

(10) The *Eyes* are injured when you work in the light of mobile and computer screen in the dark.

(11) The *Brain* is injured when you start thinking negative thoughts.

Take care of the parts of your body and do not scare them.

All these parts are not available in the market. Those available are very expensive and probably cannot be adjusted in your body.

So keep your body parts Healthy.

𝐈𝐧𝐟𝐫𝐚𝐫𝐞𝐝 π“π‘πžπ«πšπ©π² 𝐌𝐚𝐬𝐬𝐚𝐠𝐞𝐫 NINE LIFE THERAPY MACHINE Suitable for:-High Blood Pressure -Diabetes -Impotent -FATIGUE -Musc...
09/12/2021

𝐈𝐧𝐟𝐫𝐚𝐫𝐞𝐝 π“π‘πžπ«πšπ©π² 𝐌𝐚𝐬𝐬𝐚𝐠𝐞𝐫
NINE LIFE THERAPY MACHINE
Suitable for:
-High Blood Pressure
-Diabetes
-Impotent
-FATIGUE
-Muscle Ache
-Body Pain
-Stroke

🏷14,000

Adresse

Democratic Republic Of The

Site Web

Notifications

Soyez le premier Γ  savoir et laissez-nous vous envoyer un courriel lorsque Counter 441 Wellness publie des nouvelles et des promotions. Votre adresse e-mail ne sera pas utilisΓ©e Γ  d'autres fins, et vous pouvez vous dΓ©sabonner Γ  tout moment.

Contacter La Pratique

Envoyer un message Γ  Counter 441 Wellness:

Partager

Share on Facebook Share on Twitter Share on LinkedIn
Share on Pinterest Share on Reddit Share via Email
Share on WhatsApp Share on Instagram Share on Telegram