06/05/2021
LABANAN ANG ATAKE SA MGA NAGTATAGUYOD NG KARAPATAN NG MAMAMAYAN!
Sunod-sunod ang atake sa mga nagtataguyod ng lehitimong kahinlingan ng mamamayan sa mga lungsod ng CALOOCAN,MALABON,NAVOTAS AT VALENZUELA(CAMANAVA) ito ay direktang atake hindi lamang sa mga human rights activist,urban poor activist at nga labor advocate kundi sa mamamayan na ang tanging hiling ay ipaabot ang mga panawagan para trabaho,kabuhayan at serbisyong panlipunan nagaganap ito sa gitna ng pandemya na kung saan labis na apaektado ang ibat-ibang sektor sa ating lipunan.
KASAYSAYAN NG PANANAKOT AT INTIMIDASYON
Malakas ang panawagan ng mamamayan ng CAMANAVA sa Katiyakan sa paninirahan,Kabuhayan at sa karapatang pantao dahil mga kabi-kabilang mga demolisyon sa mga komunidad malaganap na kawalan ng trabaho, kontraktwalisasyon at kalagayan sa mga pabrika at pagawaan,Mga biktima ng madugong gera kontra droga na kalimitan na mga biktima ay ang mga mahihirap na komunidad.
Matatandaan noong taong 2019 ay binuo ang Joint Task Force-NCR na nasa pamumuno ng National Task Force To End Local Communist Armed Conflict(NTF-ELCAC) bahagi ng pag iimplementa ng "OPLAN KALASAG" sa buong Metro Manila na ang pangunahing tutok nito ay ang CAMANAVA na binansagan bilang "Communist Hot bed" lansakang ni Redtag ang mga grupo,indibidwal at organisasyon hanggang umabot na sa harrasment at intimidasyon at pwersahang pag papasuko sa mga lider komunidad.
DAHILAN SA LIKOD NG ATAKE
Ang CAMANAVA ay kabilang sa mga mayroong malalaking bilang na mahihirap na komunidad kapos sa Serbisyong panlipunan kawalan ng katiyakan sa paninirahan walang plano sa mga mawawalan ng tirahan at kabuhayan.
Nakaraming naka ambang proyekto na mga lungsod ng Caloocan Malabon Navotas at Valenzuela mga lokal at nasyunal na proyekto na sasagasa sa libo-libong pamilya at wawasak sa libo-libong mga komunidad sa mga nasabing lungsod dahil sa Proyektong "BUILD,BUILD,BUILD" ng Rehimeng Duterte ay walang habas na pananakot at harrasment ang sagot sa mamamayan at isinasantabi ang kanilang mga panawagan.
Kayat sabay-sabay nating ipanawagan at labanan ang atake na ito sa mamamayan at magkaisa sa pag dedepensa sa ating mga batayang karapatan!
MILITAR SA KOMUNIDAD PALAYASIN!
NTF-ELCAC BUWAGIN!